👸Chapter7👷

18 4 0
                                    

Audrey POV (chapter 7)

DAHIL sa takot, itinaas nung lalaki ang dalawang kamay nya, at dahan dahang tumayo ng maayos at humarap sa mga pulis.

'Anong nangyayari, paki explain!! '

Kahit natatakot at nag tataka, tumayo rin ako mula sa pag kakalagpak ko sa damuhan, hindi ko na nagawang lingunin pa yung bike ko.

"Wag kang gagawa ng kahit na anong kilos, sumama ka saamin ng maayos!! " sigaw nung pulis, at nakita ko na dun sya sa lalaki nakatingin, kaya napatingin ako dun sa lalaki, napalingon din sya sakin habang nakataas parin ang kamay, taka kaming nag katinginan.

Lumapit na yung isang pulis at iniikot ang kamay nung lalaki sa likod at pinosasan ito.

"Sir, wala akong ginagawa" takang pag protesta nung lalaki,

"Sa prisinto ka na mag paliwanag! "

Agad na hinila nung pulis yung lalaki at isinakay sa kotse nila, hindi parin ako makagalaw sa pwesto ko, dahil wala akong malaman sa nangyayari ngayon.

Kriminal ba ang lalaking yun?,

Natauhan nalang ako ng biglang may yumapos saakin.

"God, Audrey nag alala ako sayo, okay ka lang ba, may masakit ba sayo?,kanina ka pa namin hinahanap !!" Si kuya pala, kahit nag tataka ako, niyakap ko nalang din sya pabalik,

"Okay lang ako kuya, di ka na ba galit sakin? " tanong ko dito, pero imbis na sagot nya ang marinig ko ay may nag salita pang iba

"Sir, sumunod nalang po kayo sa prisinto para ayusin ang kaso"

"Sige susunod kami" sagot ni kuya.

Ano bang nangyayari???

"Come Audrey! " tawag saakin ni kuya habang nag aantay sya sa may kotse namin, nag madali narin akong pumasok dito at saka pinaandar na ni kuya,

"Kuya, saan tauo pupunta? " tanong ko pero nilingon lang nya ko at di sumagot.

Makalipas ang ilang saglit ay tumigil narin kami, at ganon nalang ang gulat ko ng makitang nasa prisunto kami.

"Anong gagawin natin dito kuya? " takang tanong ko habang lumalabas ng kotse.

Pero hindi nag salita si kuya at hinila ako papasok ng loob ng prisinto,

Shitt, eto ba ipaparusa saakin ni kuya, dahil sa ginawa ko. Pakshet.

"Kitang kita na namin ang ginawa mo itinatanggi mo parin? "

"Sir, sinasabi ko ang totoo, wala akong alam sa pagkawala nya, nakita ko lang talaga sya"

"Paano kami maniniwala sayo? "

"Tsk, badtrip naman ohh"

Nakalapit kami ni kuya sa isang table na may nakaupong pulis, taka akong lumilingon sa paligid, ano bang ginagawa namin dito?

"Sir. Mendez, ayan na po yung lalaki! " sabi agad nung pulis kay kuya, napatingin ako dun sa lalaking tinutukoy nya, at gulat akong napatingin sa kanya.
Ang sama ng tingin nya sakin, anong problema nya?

"Hindi namin mapaamin sir! " dag dag panung pulis.

Humarap si kuya dun sa lalaki at ganon nalang ang gulat ko ng bigla nyang kwelyuhan yung lalaki,

"Anong binabalak mo sa kapatid ko huh, anong gagawin mo sa kanya? " galit na tanong ni kuya dito, pero halatang naiinis lang yung lalaki,

"Bakit kasi hindi yang kapatid mo ang tanungin mo, wala akong alam sa sinasabi nyo! " inis na sabi nya

Napatingin saakin si kuya ng may pagtatanong sa mga mata nya.

"Audrey, anong ginawa ng lalaking to sayo? " tanong sakin ni kuya

Ahhh, so yun pala ang ikinagagalit ni kuya, kaya nandito kami.

"Marami!! " inis na sigaw ko kaya nanlaki ang mata nung lalaki na napalingon saakin.

"Pwede mo bang sabihin lahat Ms. Mendez? " tanong nung pulis

"Opo" sagot ko at humarap dun sa lalaki "ikaw lalaki, hindi mo ko natatandaan, ako lang naman yung babaing binangga mo sa may hallway ng school, tapos hindi mo manlang ako tinulungan, iniwan mo kong nakahandusay sa sahig, tapos natatandaan ko pa, ikaw din yung bumangga saakin sa over pass, at walangya ka, iniwan mo din ako dun ng hindi manlang dinampot ang mga dala ko, antipatiko, mayabang, pangit at walang modo!!! " matapos kong isampal sa lalaking yun ang mga salita ko, wala kong marinig na kahit na ano mang ingay sa loob ng pulis station, katahimikan ang bumalot dito.

Gulat na nakatingin saakin yung lalaki, at parang hindi talaga sya makapaniwala sa narinig nya, kaya nginisian ko sya, pag tingin ko kay kuya at dun sa pulis na may hawak ng papel at ballpen, nakanganga sila habang nakatingin saakin, ni hindi manlang sila gumagalaw.

"Huyy, kuya nasabi ko na, tapos na po" sabi ko habang binalingan din ang pulis,

"A-anong sinasabi mo Audrey? " tanong ni kuya, kaya napakunot ang noo ko.

"Tinatanong mo sakin kung ano- teka kuya, ano bang sinasabi mo? " takang tanong ko dito.

Parang out-of-the-scene ata ako ahh.

"Hinanap ka ng pamilya Mo, dahil hindi ka daw nila matagpuan sa kabahayan nyo Ms. Mendez, kaya ni report ka ni Mr. Mendez na nawawala ka nga daw, kaya hinahap ka namin sa buong village ,pinasarado na rin namin ito, at hindi nag palabas mg kahit na ano, hanggang sa matagpuan ka namin sa park na may kasamang lalaki at pinipilit kang sumama" mahabang paliwanag ng pulis, kaya literal na laglag ang panga ko.

Napasulyap ako dun sa lalaki at kunot na ang kanyang noo,

"Excuse me, nasaan po si Ace Enrique? "

"Ayun sir"

"Sige salamat"

Napatingin ako dun sa lalaking biglang lumapit sa pwesto namin.

"Dude, anong nangyari bakit nandito ka? " alalang tanong nung lalaki kay Ace, ace pala pangalan nya.

Teka, naaalala ko na sya, yung kasama nya nung binunggo nya ko sa may hallway.

"Sir, kidnapping ang harassing ang kaso nya" sagot nung pulis, kaya lalong nalaglag ang panga ko.

Sheeet.

"Dude? "

"Tsk, Trav wala akong alam sa sinasabi nila, langya kanina pa kasi ako sa park ang tagal mong dumating! " inis na sabi nung ace

"Ahh, pasensya na, si Tito kasi paimportante ehh, ohh pano ka nga napunta dito, sino bang-" hindi naituloy nung Trav ang sasabihin nya ng mapatingin sya sakin. "Hi, ikaw ba yung- yung ano nag reklamo? "

Paanong sasabihin ko, kinggala...

"Ahhh a-ano, kasi-"

"Ano bang eksaktong nangyari Ms. Mendez, pwede mo bang ikwento ngayon, mula ng mawala ka sa bahay nyo? "

"K-kasi Sir, a-ano ehh" paksheet paano ba to, bahala na nga si batman.

Ikinwento ko ang lahat full details pa, simula nung nasa harap ako ng kwarto ni kuya, hanggang matilapon ako sa bike, at yung pag tanggkang pag tulong saakin nung Ace.

"So, ayun po ang nangyari" nakangiting sabi ko.

Nailalaglag nung pulis yung hawak nyang ballpen habang nakatitig saakin, nakanganga sila ni kuya na nakatingin saakin.

Ano nanaman..

"Pft-hahaha-hahahaha" biglang tawa nung Trav, kaya napatingin ako sa kanya. "Dude, headline ka na ngayon lintek!! " sabi nya yan habang natawa pa.

Napatungo naman ako ng makita ang masamang gingin saakin nung Ace, nakakainis.

Ibigsabihin ay kaya kami nandito ngayon Ay dahil akala nila may kumidnap saakin,

Langhiya namang buhay to ohhhh...

When ms.shop'aholic meets mr.work'aholicWhere stories live. Discover now