Umupo ako sa tabi nya. Alam kong makikinig lang sya sa akin. Hindi ko na napigilan napaluha ako..
“bakit ganon? Masama ba akong tao? Bakit kailangan sa akin mangyari to?” my voice broke umiyak na ako ng tuluyan.
“M-mommy… d-di ba mabait ka naman, kaya ka nga m-mahal na mahal ni Daddy di ba? K-kasi halos perfect ka na, mabait, mapagmahal, maaruga lahat na.. p-pero bakit ang bilis mong nawala? Tapos naguguluhan ako, bakit pati ako? may nagawa ba akong masama? S-susunduin mo na ba ako? Alam mo mommy miss na miss na kita pero kapag nagkita tayo ibig sabihin iiwan ko din si daddy, ayaw ko mommy malulungkot sya, masasaktan sya, wala na syang makakasama".
Umiyak lang ako ng umiyak sa harap ng puntod ni mommy noon. Hanggang sa namalayan ko na lang nakatulog ako.
Nagising ako ng madilim na, pag tingin ko sa relo 7:15 pm na pala almost 3 hours din pala ako dito. Kailangan ko ng umuwe baka mag-alala pa si daddy. Lumabas na ako ng sementeryo pagkatapos kong magpaalam kay mommy, hindi ako takot mag-isa dito. Nasanay na kasi ako simula ng mawala si mommy lagi akong pumupunta dito.
Nakarating ako sa bahay ng 8:00 pm sinalubong ako ni yaya Cela sya yung yaya ko mula pa pagkabata ko.
“san ka ba galing na bata ka at ginabi ka na umuwe, pinag-alala mo ako ah”
Yinakap ko sya ng mahigpit.
“may problema ba Celine?” tanong nya. Umiling lang ako
“nagpunta po kasi ako kay mommy, dinalaw ko po sya”
“ah ganon ba? Oh sya sige, umakyat ka na at magpalit ka na kakain na tayo”
“sige po” nabigla sya nung niyakap ko ule sya
“yaya… thank you po ha.. sa pag-aalaga nyo saken simula pa noon”
“naku… itong alaga ko naglalambing na naman alam mo naman na parang anak na din kita hala tama na yan bilisan mo na at ng makapagpahinga ka na :)”
After kong magbihis at kumain ay umakyat na ulet ako sa kwarto ko. Umupo ako sa study table ko kinuha ko yung pink hello Kitty notebook ko. Matagal na to sakin regalo to ni mommy nung nagstart ako pumasok nung grade 1 ako, pero hindi ko ginamit, tinabi ko lang. matagal akong nag-isip bago ako nagsulat…
After kong maisulat lahat ng gusto kong isulat. Nilibot ko yung mata ko sa kwarto ko. At sa tabi ng cabinet ko, nakita ko yung white guitar na regalo sakin ni daddy at mommy nung 10th birthday ko. Yung last birthday ko na kasama ko si mommy, sya din ang nagturo sakin tumugtog kahit na sinusumpong sya ng sakit nya, that time kasi hindi ko pa alam na may sakit na pala sya.
Kinuha ko yun at nagsimula magstrum.
I can almost see it
That dream I am dreaming
But there's a voice inside my head saying
"You'll never reach it"
Simula ng mawala ka mommy parang nawalan na din ako ng lakas na maging masaya.
Every step I'm taking
Every move I make feels
Lost with no direction
My faith is shaking
But I gotta keep trying
Gotta keep my head held high
BINABASA MO ANG
A kiss and Goodbye-On Hold
Teen FictionHindi na sa atin bago yung story na... sa huli oh sa middle lang makikita yung Problema o conflict ng story.. pero what if... what if sa simula pa lang alam mo na agad ang problema ng ating bida? what if sa simula pa lang nalungkot ka na para sa kan...