TSA 1

3.8K 34 7
                                    

Kath's POV

I'm here at the airport with my son. Kakauwi lang kasi namin galing US. Ilang taon na rin ang nakalipas simula nung pangyayaring yun. Yun na bumago sa buong pagkatao ko. Sya. Sya ang dahilan kung bakit ganito ako ngayon, walang pakielam sa mundo. All I care about is the future of my son, he is the only one that makes me happy and my priority.

"Mom, can we go? I'm hungry already." sabay pout nya. Haaaay, manang-mana tala--- Tch. Nevermind.

"Ofcourse baby, where do you wanna go?" sabay kalong ko sakanya gamit ang right hand ko habang yung free hand ko naman eh sa baggages namen.

"MCDOOOOO!!" all-time favorite nya yun, pinaglihi ko kasi sya sa McDo Fries e hahaha.

--

Nasa MCDO kami ngayon kumakain ng biglang nagring ang phone ko. Unregistered number.

"Hello?"

"Anak, si Mama to."

"Mama..."

"Pwede ka bang pumunta sa company bukas? I know kakarating mo lang galing US, I'm sure may jetlag ka pa.."

Yes, hindi nila alam na may anak kame. Di ko sinabi sa kanila sa takot ko noong mga panahong yon. Pero ngayong may sarili nakong buhay, wala nakong pakielam kung anong magiging reaction nila sa anak ko.

"Sige po Ma, kita nalang tayo sa umaga."

"Salamat Princess, aasahan ka namin ng Papa mo. Namiss ka namin sobra.."

They used to call me Princess, ako lang kase ang anak nilang babae, may Kuya ako. Si Kuya Khalil, sya yung kasama ko sa mga panahong kailangan ko ng asawa. I mean, don't get me wrong ha, parang sya kasi yung kasama ko sa bahay sa US, sya yung laging andyan para sakin at inaalagaan kaming dalawa ng anak ko.

"Sige po Ma, see you.. Bye."

Bitter na kung bitter pero simula nung nangyari yun, naging cold nako sa lahat ng tao. Manhid na kung manhid pero ayaw ko na talagang masaktan. Haaaay, naaalala ko nanaman yon.

"Mom, who called? What's with the sad face?"

"Uhm, your grandma baby. She wants me to see them in their office."

"Really Mom?!! Can I come with you? I want to see them!!"

"Baby, you will see them soon. But not tomorrow, we'll talk about some serious matters kasi eh."

"Aww, okay Mom. But promise me I'll see them sooner."

"Yes baby, I promise. Let's go!"

On our way to my condo, I mean our condo. andami ring nangyari sa condong yun. Andaming memories. Aissh, wag na nga lang alalahanin. At dahil sa pag-iisip ko, andito na pala kame. Kilala pako ng receptionist dito, may tagalinis naman kasi ako sa tagastock ng food, pag kasi pumupunta kami dito, halos hobby namen ang pagluluto.

"Mom, this condo's really big for you! Do you have someone with you staying here?"

"Uhmm, Mommy's fond of sleepovers kase kaya I bought the big one so that we'll have a bigger space when we sleep." Sinungaling, tsktsk.

"Oh okay."

Nagsimula nakong ayusin ang mga damit namin sa walk-in closet, kaya nga malaki tong condo diba? I was about to put in my son's clothes sa isang cabinet and to my shock may mga damit pa sya dito. Di ko nalang pinansin at inilagay sa ibang lalagyan ang mga damit ng anak ko.

At sa wakas, natapos na din. Time to halfbath my baby. :)

Ayun, sa tagal ko sigurong nag-aayos e hindi ko namalayan na nakatulog ang anak ko sa sofa, medyo malikot syang matulog. I carried him in my bedroom. Nung nailapag ko na sya, di ko maiwasang mapatingin sa side table ng kama. Ang picture naming dalawa. Di nya siguro to inalis. Alam ko naman na pumupunta sya dito e, pano may mga nakita akong bills sa ref, may payments sa electric at tubig, I wonder kung natutulog pa sya dito. Hay.

Pinagmasdan ko lang ang anak ko. Jarvis Drake B. Padilla, yes sinunod ko sa apelido ng tatay nya. Ayoko syang matulad sa ibang bata na walang middle initial dahil surname nila ito. Hey, Im doing this for my son.

Di nagtagal dinalaw na rin ako ng antok ko, ginawa ko muna ang rituals ko bago matulog, pahiga na sana ako sa tabi ng anak ko when I heard him say:

"Daddy.. I want my Daddy."

Dko maiwasang maiyak sa sinabi nya, am I that selfish para ipagkait ko sa anak ko ang tatay nya? He deserves to know him. Maybe this is not the right time but someday..

"Someday baby, someday. I love you.."

To Start Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon