TSA 20

1.4K 24 0
                                    

Kath's POV

Maaga akong nagising para mag-ayos. Ngayon ang wedding day ni Kuya. Haaay, parang kelan lang.. Ano ka ba naman Kath, ngayon ka pa nagdrama. Anyway, susunduin ko pa kasi si Drake e. Kailangan maaga kami para malaman niya ang gagawin nya kasi nga ring bearer sya. Si Ate naman umalis ata kse gumising ako ng wala sya. Baka magkita nalang kame sa wedding. Time check: 1:30 pm. Sakto, 4:00 pa yung kasal. Tumingin muna ako sa salamin. Perfect! Kinuha ko na ang pouch ko at ang-- *ding dong* Sino naman kaya yun? Agad akong nagtungo at binuksan ang pinto. Shit, ang gwapo niya. Nagulat ako. Bakit nandito to?!

"What are you doing here?!" galit pa rin ako sa kanya no.

"Sinusundo ka." cool niyang pagksabe.

"Wag na. I have my own car." at nilock ang condo. Nagpatiuna nako sa kanya pero naramdaman kong sinundan nya ko.

"Susunduin mo si Drake diba?" napatigil naman ako at lumingon sa kanya.

"Pano mo nalaman?"

"Tinext ako ni Mama, ang sabi ready na daw si Drake kaya pakibilisan. Akala niya siguro magkasama tayo kase hindi ka daw sumasagot kaya ako yung tinext nya."

"Aish. Kaya ko na. Mauna--"

"Bi, wag ka na ngang maarte. Sa tingin mo hindi magtataka yung anak NATEN pag nakita niya tayong hindi magkasama? Diba ayaw mo yun?" papalapit ng papalapit yung mukha nya saken. Bwisit! Bakit ba lagi akong nac'corner?! >…< "Kaya halika na.." at hinila niya nako. Whoo, kala ko ano-- WALA WALA.

"Hoy, teka naman oh! Naka'heels ako ano ba!" grabe naman kasi siyang manghatak =…=

"Ay sorry Babe. Ganda mo kase. Nanggigigil nanaman ako sayo. Hhhhmmmmm!!" at pinanggigilan nya ko by pinching my both cheeks by his two hands. "Lika na." at hinalikan nya ko sa noo.

SO ANO PARANG WALA LANG YUNG GINAWA NYA KAGABI SAKEN?! DI MAN LANG SYA MAGPAPASORRY?! BWISIIIIIT!!

"Babe, andito na ko oh. Wag mo nakong masyadong iniisip. Sakay ka na." ABAAAAAA'T!!

"EWAN KO SAYO! BWISIT!" At sinaraduhan ko siya ng pinto. Umikot naman siya papuntang Driver's. Hanggang ngayon naiinis pa rin ako sa kanya! Act like nothing happened?! Ano to gumaganti siya?! Argggghhh. >…<

"Babe--"

"Isa pang tawag mo ng Babe saken, sasapakin na talaga kita!" E kasi hindi naman ako baboy = ̄ω ̄=

"Ooooooppss. Sorry Kath."

"Tch. Magdrive kana nga, naghihintay na yung anak mo."

"Yes boss!" sumaludo sya at nagsimula ng mag'drive. Nag'soundtrip nalang ako sa phone ko. Haaay.

--

Nags'start na ang wedding and as of now, lumalakad na si Ate Sofia sa aisle. Bagay na bagay sa kanya yung gown nya. Haaay, kelan kaya ako makakapagsuot niyan? Siguro kung hindi ako iniwan ni DJ, naunahan pa namin sila Kuya na magpakasal. Siguro. Hayy, ano ba Kath. Tama na yan.

Mabilis na natapos ang kasal. Siyempre may pictorial pa. Yung ibang guest dumiretso na agad sa reception. Eto namang si Drake e sinusumpong, for sure inaantok nato. Tsk tsk.

"Drake, tama na.. Come here, you sleep na okay?" binuhat ko naman sya. Nako lumalaki na talaga ang anak ko. Malapit na rin ang birthday nya nyan. Nagh'hum naman ako para mapatulog siya. Hinihintay ko kasi si DJ e. Kinuha muna sa carpark yung kotse para di na kami lumakad ni Drake kase nga nag-iinarte ang anak ko na mainit daw. Sus, ay eto na pala. Bumaba naman si DJ at kinuha si Drake.

To Start Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon