TSA 34

895 11 0
                                    

Kath's POV

I woke up crying. What's new? Everyday ganito routine ko, sabi ko naman sa inyo robot ako dito. Wake up crying, lunch, whole afternoon crying, dinner, crying to sleep. Humihinto lang ako pag may lakad kami ni Albie.

Ngayon, niyaya nya naman ako sa amusement park. Sya lang naman mage'enjoy dun e. Tsk, no choice. I dressed up. Parang suman, halos buong katawan ko bugbog e. Hayy.

Bumili na ng ticket si Albie. May sira na talaga to sa ulo. How can he even smile na parang wala siyang nasasaktan? Hayaan na. Bahala na.

"Kath tara! Dun tayo oh!"

Para siyang bata na pinipilit ang Mommy nya na sumakay sa isang ride. Baliw.

The whole afternoon ganun lang. Kahit hilong-hilo nako, di ko magawang tumanggi sa kanya. I feel numb. Pero siya hinde, all he cares about is himself..

Nagl'lunch kami ngayon kasi napasarap yung sakay ni Albie sa isang ride.

"Kath?" Shit.

"DJ pare!"

Nang-aasar ba si Destiny? Ano bang pinapalabas nya?

Nilingon ko siya.. I mean sila.. Ang ganda nung kasama niya.. Syempre I feel jealous.. Mahal ko siya e.

"Hi." I faked smile.

"Come join us!" Sadista talaga si Albie e.

Umupo na sila nung babaeng kasama niya.. Konti nalang iiyak nako.. Inalalayan nya yung babae ska niya binigyan ng pagkaen.. Ganyan sya dati saken..

"Uhm.. This is Zharm.." Ohh.

"Hi.. Nice to meet you Kath! Finally!" Ano daw? Kilala nya ba ko dati pa?

"Uh.. Hi.." Syempre binati ko din no. Baka makahalata sila e.

"Ayos to! Double date tayo!" Albie. Pwede bang si DJ yung aken? :(

"Oh sure! Masaya to!" Zharm.

We spent the remaining day na masaya.. sila. Sinong sasaya sa nakikita ko? Ang sweet-sweet ni DJ at nung babaeng yon. I can't help myself think na dapat ako yun. Dapat kami ni DJ ngayon yung magkasama.. Masaya..

Nagdinner kame. Wala pa ring pinagbago. May problema din ako sa utak e. Pwede namang mag-excuse nalang ako para hindi ko nakikita yung sweetness nila. Pero eto ako, masokista.

Usap-usap lang silang tatlo. Oo pati si DJ kasama. Badtrip. Ako tahimik lang. Tinititigan ko si DJ.. Sana ako pa rin yung mahal mo.. Sana nagkaroon ako ng lakas ng loob para ipaglaban kung anong meron tayo. Kaya lang ang duwag ko e.. Pasensya ka na.. Hinang-hina nako e..

"Kath? Bat ka umiiyak?" Zharm. I realized lahat sila nakatingin saken.

"Huh? Ah- na-napuwing lang.. Hangin kasi e.." Sabi ko saka ko pinunasan ang basa kong pisngi. Traydor na luha.

"Uhmm. CR lang ako ha? Kath, gusto mong sumama?" This girl is getting on my nerves. >…<

"Ha? Ah sige.."

Sumama ako sa kanya to ask her kung ano sila ni DJ. Hindi ko alam, feeling ko hindi naman sila e. Malay ko ba kung kakakilala lang nila dito sa America.. Tapos.. Ayy basta!

"Mahal mo si DJ?"

Grabe naman tong magtanong! Humarap ako sa salamin pero nakatingin ako sa kanya..

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Oh c'mon.. I know you love him.. The way you look at him? Grabe, may spark!!"

"A-ano bang sinasabi mo? Sus, mas bagay kayo no." Swear, masokista talaga akooo.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! GRABE KATH I KNEW IT HAHAHAHAHAHA!!"

Baliw din neto eh. Bagay sila ni Albie. Tsk.

"Ha? Anong alam mo?" Bakit ba siya tawa ng tawa =_=

"HAHAHAHA! Wait--HAHAHAHAHA! GRABE HAHAHAHAHA!!"

"Alam mo, iiwan na talaga kita!"

"Wait! Eto na! whoo, hahahah. wait lang..." sabi niya habang naghahabol ng hininga.

"Ano ba kasing alam mo?!"

"I knew it na nagseselos ka! *taas-baba ng kilay* Dibaaaa? Uyyy!"

"Bat naman ako magseselos?"

"Kasi nga mahal mo siya!!
.
.
.
.
.
.
.
Mahal mo ang pinsan koooo!!" O_o

To Start Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon