Papunta na kame sa condo with him. Nasa shotgun ako habang si Drake nakakalong sa kanya paharap at nakaunan sa dibdib ng tatay nya habang nagd'drive sya. Walang nagsasalita samen. Ako nakatingin sa labas ng bintana, sya nagd'drive ng maayos habang si Drake tulog. Ni minsan hindi ko naisip na mangyayare tong ganitong eksena. Nung nasa US kame, wala akong balak ipakilala sa kanya ang anak ko. Dahil sa takot na baka kunin nya ito at ilayo sakin katulad ng dati.
Nakadating na kami sa condo, nasa lobby palang kame, kinawayan nako ng receptionist sabay ng nakakalokong ngiti. Pano ba naman itong kasama ko e makahawak ng kamay parang aalis ako. Sa kabila niyang kamay buhat nya si Drake.
"Hi Leila!"
"Hi Mr.Padilla!"
"Tsk, dba sabi ko sayo DJ nalang. Masyado namang pormal yung isa e."
"Haha sge DJ."
At umakyat na kame. Binitawan nya na kamay ko nung nasa tapat na kame, kinuha ko yung susi. Pagkabukas, agad-agad naman niyang hiniga si Drake sa sofa at tuloy-tuloy sa kitchen.
"Anong gagawin mo?" naglalagay kasi sya ng apron
"I'll cook for you. Para pagdating sa bahay, pahinga na agad kayo."
Tinarayan ko nalang sya at pumanhik sa kwarto ko. Okay fine, namen. Inayos ko na lahat-lahat ng dadalhin. Pati toys ni Drake. Have I mentioned na mahilig sya sa Batman, well tatay nya si Padilla e. Ng maibaba ko na ang mga baggages namen, pinuntahan ko ang anak ko na mukhang hindi kumportable sa posisyon nya kaya binuhat ko nalang sya at hinele.
--
Daniel's POV
Wala akong masabi, I just found myself smiling at the thought na makakasama ko na ang mag-ina ko, I can see them from here. Pinapatulog nya ang anak namen. Siguro nagtataka kayo kung bakit walang epekto sakin yung sinabi nya sa rooftop. Well...
Flashback<<
She left me dumbfounded at mas lalong nasaktan ako sa huli nyang sinabe:
"Hindi ako magpapakatanga ulit sayo. I' ve had enough. Besides, hindi na kita mahal.."
After that, I was crying so hard. Lahat ng memories namen bumalik pati na ang katangahang ginawa ko. Lahat-lahat ng sakit ng nakaraan, lahat ng nangyare. I stood up, wiped my tears and made a decision:
"I'll get you back, Kath. I'll do everything just to win you back."
Flashback ends<<
So there, malakas ang loob ko dahil alam kong mahal pa rin ako ni Kath. Kahit sinabi nyang hindi nya ko mahal, then fine. I'll make her fall in love with me again.
--
Kath's POV
Nagising ang anak ko sa amoy galing kitchen. Parehong-pareho talaga sila ng tatay nya. Hay.
"Mom.. What's that smell?"
"Your Dad's cooking in the kitchen, baby."
"Really? Yaaaaay! I'm so hungryyyy!! Daddyyyy!" binaba ko ang anak ko at ayun nagtatakbo sa kusina habang tinatawag ang daddy nya. Sumunod nalang ako.
"Hey buddy! Gising ka na pala, tara let's eat!" nilagay nya na yung ulam sa table. Pinagsilbihan naman nya si Drake. Nilagay nya lahat ng kailangan, nagtimpla pa nga syang juice e. Habang ako aliw na aliw sa napapanood ko. Pano ba naman kase sinusubuan nya si Drake na parang may airplane na padating. Siguro kung hindi nya ko iniwan, masaya kami ngayon. Siguro, nasa bahay na kame, ang dream house namen. Siguro, may kapatid na rin si Drake. Haaay, mga siguro. Eto nanaman ako, nasasayangan samen. Juskooo, gutom lang to. Tinabihan ko na sila at kukuha na sana ng ulam ng pigilan ako ni DJ.
"Baket?" masama tingin ko sa kanya, Hellloooo gutom nako no!!
"Subuan nalang kita, dadagdag pa yan sa hugasan e." Argggghhh!! I hate you Padilla!!
"Daddy's right Mom. Come here!" sige anak kampi pa sa tatay mo.
Wala nakong nagawa. Ayun sinusubuan nya din ako na parang may airplane, hahaha ang cu---, wala wala. After that, nagvolunteer na siyang maghugas dahil paliliguan ko ulit si Drake, syempre kakakain e nadumihan, child's thing. Binihisan ko na si Drake at hinayaan na manood. Bgla nalang akong napatingin sa kanya. He's the same old man na naghuhugas ng plato pero dapat konti lang. Napatingin ako sa mesa, diyan. Diyan kame nagsusubuan pag tamad kumain ang isa. Kanina, hindi ko alam bakit kinilig ako nung sabi nyang susubuan nya ko. PERO nung sinabi nyang para konti ang hugasin, tsk bwisit. Teka teka Kath, ano bang iniisip mo?! -.-
"I'm done. Tara na?"
Tinanguan ko nalang sya at sya nagdala ng mga baggages. Habang ako eh hawak hawak si bubwit. Marunong namang maglakad ang anak ko no. 3 yrs old na kaya to.
Fastforward>>
Andito kame sa tapat ng bahay namen. Parang familiar saken yung place ska structure nung bahay. Then, I realized. Ito. Ito yung dream house namen. Nagulat ako kase nakatayo talaga sya sa mismong lote kung saan gusto naming tumira date.
Flashback<<
"Babe, san ba kasi tayo pupunta? Mag'gagabi na oh, hanapin ako nina Mama nya e." Ako. Nagd'drive sya at dko alam kung san nya ko balak dalhin. Medyo madilim na din kase e. But DJ won't do such thing, I know mahal nya ko at malaki ang respeto nya sken.
"We're here Honey." Pinagbuksan nya ko ng pinto and held my waist. Isang bakanteng lupa.
"Bi, what are we doing here?" tanong ko sa kanya ng may pagtataka
" This is where we'll build our own house. Our dream house." Tama sya, eto yung lote na gusto naming spot, maganda ang view ng sunset dito. Yinakap ko nalang sya cause I was speechless, bata palang kame eto na yung gusto naming kunin.
Flashback ends<<
"Wooooow Daddy!! Our house is really big!! Can't wait to see what's inside!!" At tumakbo naman ang anak ko sa loob.
"So pinagawa mo talaga?" Medyo dry kong sinabe para atleast parang walang pakielam. Nacurious lang talaga ako.
"Yep, and I promised myself na pag nagawa na to, ikaw ang unang makakakita. And as promised, ikaw ang unang nakakita. Kayo ni Drake." He smiled
"Okay." Pumasok nako. Wow. It's really our dream house. From the sala to the kitchen, at sa labas may garden and an infinite-shaped pool. It's really big knowing na 3 lang kaming titira dito. Napag-usapan namin ni DJ na wag ng kumuha ng maids. Mags'schooling na rin kasi nyan si Drake. Siguro kukuha nalang kame ng tagalinis para kahit papano e nalilinisan to ng weekends.
"Mommy, Daddy!! This house is really amazing!! Thanks Daddy" bumaba na ang anak ko at nagpakalong sa Daddy nya sabay kiss sa cheeks
"No worries buddy."
"Cmon baby, we have to sleep na so you'll get taller and taller and taller!" Binuhat ko ang anak ko
"Just like Daddy?"
"Yes baby, just like me." Kiniss nya si Drake sa noo pati ako. Di ko nalang pinansin at umakyat na sa kwarto ng anak ko. Simple lang sya pero madaming batman collectibles, dito nya siguro nilalagay yung mga nabibili nya. Binihisan ko na si Drake and tucked him to sleep. Dahan-dahan kong kiniss ang noo nya at "Goodnight Baby, Mama loves you." Sinara ko na ang pinto.
Nakita ko naman na may 4 pang rooms, isa-isa ko silang tinignan. First room, entertainment room. May mga Wii at XBox kasi e. Second room, para siyang office room at library, may desk kase na puno ng folders tapos may mga shelves din. Third room, nakakagulat. Hindi ko alam bakit may ganito dito. It's a baby room. Pang-girl sya. Pink ang wallpaper, may crib na pang-princess. Lahat ng gamit pangbaby girl andito na. Dko tulog maiwasang isipin bakit may ganito sya dito. May anak ba sya sa ibang babae?
"Pinagawa ko tong room para sa baby naten."