After ng mahabang araw ng pagtatrabaho at pamimili ng mga kailangan ko ay nakauwi na rin ako sa wakas sa apartment na tinitirhan ko.
Nagdesisyon muna akong maligo at pagkatapos ay nagluto na 'ko para saaking kakainin.
Nagluto ako ng menudo at magtitira na rin ako para sa babaunin ko bukas. Pagkatapos kong kumain ay binuksan ko ang laptop ko para malibang pero biglang tumawag si Steph.
"Oh Steph? Napatawag ka?" Sabi ko sakanya habang nagsusuklay ng buhok.
"Lour, sorry alam kong busy ka sa trabaho pero can you go here at my office to submit the files to my boss tomorrow?"
"Oh, is it urgent? Why?"
"Yes, Lour! Sige na please? Magkapartnership naman ang kumpanya natin. Punta kana dito after ng work mo kasi sa isang araw na yung deadline ng submission ng files. Lour dali na babawi ako promise!" Nangungulit siya at halatang desperado na kaya tinatawanan ko nalang siya.
"Oo na sige na. Kahit isang oras at traffic ang byahe papunta dyan, kukuhain ko."
Kinaumagahan ay dumiretso na 'ko sa trabaho at pagkatapos ng ilang araw ng paggawa ko sa irereport namin sa presentation ay sa wakas, maibibigay ko na rin sa lead ng department namin.
Nagmadali akong pumasok sa elevator para ibigay na yung reports at mga documents na ginawa ko sa aming lead. At dahil patapos na ang lunchtime ng ibang department ay nagmamadali na sila pumasok sa elevator. Sa sobrang dami nila ay napagdesisyunan kong pwumesto sa dulo.
Napapansin kong napakadami ng tao sa elevator kaya kahit sa hindi ko alam na rason ay kinakabahan ako hanggang sa nangyari na nga ang iniisip ko.
"Ay! Nakupo!"
"Anong nangyayari?!"
"Nawalan ng signal, bakit ngayon pa tayo naistuck sa elevator?!"
At naghalo halo na ang mga sigawan at usapan ng mga tao sa elevator. Nagbukas patay ang mga ilaw at ilang saglit din ay napagpasyahan nang sumara nito ng tuluyan. Biglaan ring tumigil ng malakas ang elevator kaya't mas lalong naghalo halo ang boses ng mga tao.
Tinungo ko na ang ulo ko at tinakpan ng madiin ang tenga ko. Pinikit ko na rin ang aking mga mata para hindi ko maisip na nasa delikadong lugar ako ngayon.
Pinagpapawisan na ako at nanginginig ang buong katawan ko. Hindi ako makahinga ng maayos.
Ilang saglit pa ay bigla akong may naramdaman na nakalapit sa'king katawan. Kaya't kahit na nahihirapan akong dumilat ay ginawa ko parin. Sinuri ko kung sino ito.
Isang matangkad na lalaki ang nasa harapan ko ngayon. Nakasuit jacket siya na kulay itim at nakav-neck shirt na white sa loob. Napansin ko ring mayroon siyang nunal na maliit sa may collar bone niya. Mas lalong lumapit sa'kin ang katawan niya dahil nagkatulakan ang mga tao sa loob ng elevator. Kahit mas lumapit na ito ay iniingatan ng kanyang katawan na hindi ito bumangga sa mukha ko.
Mas lalong lumakas ang sigawan kaya bigla kong naalala ang mga nangyayari at hindi naiwasang hindi manginig at ipikit ang aking mga mata.
Hindi ko alam kung anong meron sa sarili ko pero alam kong may mali. Wala akong pera sa ngayon upang pumunta sa isang psychologist para ipacheck sakanya kung ano ang lagay ko.
Palagi akong natatakot tuwing may mga taong natataranta o kinakabahan sa paligid ko. Ngunit hindi lang 'yon ang pinoproblema ko dahil sa tuwing nangyayari 'yon ay para bang may parte sa sarili ko na may kulang. Hindi ko mahanap ang mga tamang salita pero matagal ko na ring pinagiisipan..
May nangyari bang masama sa'kin? Ngunit kung hindi sa'kin ay siguro sa isang tao.
Tinatago ko ito sa sarili ko. Ngunit sa tuwing mangyayari ang ganito, palagi akong may naririnig na umiiyak.
Isa itong tinig ng babae at palagi siyang naiyak sa tuwing nangyayari ang mga ganitong bagay sa'kin. Ngunit sa loob ko ay maski ako, nasasaktan sa tuwing naririnig siyang umiiyak. Palagi ko inuulit ulit na magtanong ng bakit at dahil sa pagod ko ng pag iisip ay napagdesisyunan kong narinig ko lang itong batang babae kung saan. Iniisip ko na sa ngayon ay okay na siya at panatag na ang loob niya. Sana kung nasan man ang babae na ito ay masaya siya ngayon.
Naiiyak ako ngayon sa sakit. Naiiyak ako dahil ganito palagi. Sana talaga ay masaya siya at sana talaga ay okay lang siya. Nasasaktan ako para sakanya sa hindi ko malamang dahilan at sana..
Sana'y mabigyan na ng kasagutan ang mga tanong ko dahil hindi lang ito ang kakaiba sa'kin. Marami pang kulang, marami pang naliligaw na mga bagay at hindi malaman ang kani kanilang mga dahilan.
Tinakpan ko ng mga palad ko ang aking mukha dahil sa pag biglaang iyak ko. Ayokong makasagip ng atensyon kaya napagdesisyunan kong pigilan ang sarili ko sa pag iyak kahit alam kong mahirap.
Tuloy tuloy parin ang mga pagsasalita ng mga tao sa paligid ko kaya't ginawa ko ang lahat para hindi ako maapektuhan doon.
Biglang may dumikit na katawan saakin at mistulang mayroong kamay na pumunta sa likod ng aking ulo at idinikit ito sa kanyang dibdib.
"Shh, calm down now." Bulong niya sa'kin.
Nagulat ako at bigla n'yang hinaplos niya ang buhok ko ng marahan ng paulit ulit. Tumuloy parin ang pag agos ng mga luha galing sa aking mga mata kaya't hindi ko maalis ang mga palad ko sa aking mukha.
"You will be fine." Sambit niya ulit at bigla siyang huminga ng malalim.
Pagkatapos ng ilang minuto ay naging maayos na rin sa loob ng elevator. Naramdaman kong bumukas na rin ang ilaw at gumagalaw na ulit ito.
Halata sa boses ng mga kasama ko sa loob na maayos na ulit dahil kahit hindi ko man sila nakikita ay halata na nakakahinga na sila ng maluwag.
Tumigil na rin ang aking pagluha at maayos na ulit ang lagay ko kaya't pinagdesisyunan kong ayusin ang aking sarili at ipahid ang mga luha galing sa'king mga mata.
Hindi pa man ako tapos mag ayos ay narinig ko na ang pagbukas nito. Pagkabukas ko ng aking mga mata ay tinignan ko na ang katawan na tumakip sa'kin ngunit paalis na siya kaya't hindi ko nasilayan ang kanyang mukha at mabilis rin siyang nakalabas sa loob ng elevator.
Hahabulin ko na dapat ito ngunit huli na ang lahat dahil pagkalabas ko ay naghalo halo na ang mga tao.
Ngayon ay isa lang ang nasa isip ko..
Who are you? I sighed.

BINABASA MO ANG
Us, Over Again.
RomanceIt might take years, but what's meant to be will always find its way.