Monday na naman. Tambak na naman ang gawain ko sa trabaho ngayon but since sanay na naman at gusto ko naman ito ay hindi ako mapapagod.
"Good Morning, Lourisse!" Bati saakin ng mga ka officemates ko.
"Good Morning din sainyo!" Bati ko naman sakanila.
Magtutwo months na 'ko sa trabaho ko, maayos ang mga ka-officemates ko. Nakakausap ko sila ngunit hindi madalas dahil marami akong ginagawa at busy din ako para sa presentation ng aming kompanya. Ako ay kasama sa grupong nakaassign dun at ang mga ibang nagiging kaclose ko naman ay nasa ibang department sila. May iilan akong nakakasabay sakanila tuwing lunchtime. Kaya naman ay minsan nakakapagusap usap din kami tungkol sa aming mga buhay.
12:00PM na kaya pwede na akong maglunch, nalimutan ko magluto para sa aking tanghalian dahil sinamahan ko muna si Steph sakanyang mga lakad at dahil namimiss ko na rin ang bestfriend ko kaya't late na ako nakauwi sa tinitirhan ko.
"Uy Lourisse! Halika dito samin nila John, dito kana kumain." Bati ni Anne saakin pagkapasok ko sa cafeteria.
"Oh sige, teka lang kukuha lang ako ng makakain ko."
Naguusap kami ng kahit tungkol saan habang nakain kami. Busog ako sa mga kwento nila at sa pagkain ko kaya nung malapit na ulit ang pagbalik sa trabaho ay napagdesisyunan ko ng mauna dahil kailangan ko pa tapusin ang mga reports ko at iba pang kinakailangang presentation sa aming kumpanya.
Graduate na 'ko at ako ang nagpaaral sa sarili ko. Mag isa lang ako sa buhay ngunit alam kong kasama ko naman ang Maykapal. Mag isa lang ako nakatira sa apartment na nirerentahan ko at balak ko naring lumipat. Hindi ko alam kung nasaan ang tunay na mga magulang ko o kung may kapatid ba 'ko. Hindi ko na masyadong maalala ang nakaraan. Ginawa ko lahat upang makatapos dahil ito ang susi para sa magandang kinabukasan at nasuklian naman ngayon.
Hindi madaling makuha ang mga bagay na kahit kailanman ay hindi mo maipagpapalit kahit saan. Katulad ng edukasyon, hindi ito nanakaw dahil nakatanim ito sa utak mo, sa sarili mo. Ayun palagi ang tinatandaan ko tuwing iniisip ko ng sumuko sa buhay kapag dumadaan ang mga panahong hirap na ako pagsabayin ang lahat. Ang trabaho ko sa mga fast food chains at ang hectic schedule nung mga panahong nagaaral pa ako. Ang kakulangan sa tulog, pagkain, at pahinga.
Malapit na dumating ang sweldo ko. Kahit maliit ito at hindi ako kayang sustentuhan sa isang buwan at pinagkakasya ko nalang. Sa maliit naman nagsisimula ang lahat at alam kong lalago rin ito at pangalawang trabaho ko na 'to dahil ang una ay noong nagOJT ako bago ako grumaduate. Pinagdadasal kong mapromote din ako kaya ginagawa ko ang lahat sa abot ng makakaya ko. Lourisse, sa una lang mahirap ang lahat kaya dapat mong tiisin. Sa ngayon, ay gagastos muna ako ng kaonti para sa pagkain ko sa mga susunod na araw upang makatipid ako.
Pagkatapos kong mamili ay napadaan ako sa coffee shop kung saan may nakabunggo akong lalaki. That was last week and sa ngayon, iniisip ko pa rin kung saan ko siya nakita o baka naman may kamukha lang siya sa mga naging kaklase o blockmates ko nung ako'y nagaaral pa.
Habang naglalakad lakad ako ay may nakita akong isang grupo ng mga kalalakihan na sa tingin ko ay mga kaedad ko. Siguro kung kasama ko ang kaibigan kong si Steph ay siguro ginawa niya na ang lahat upang mapansin siya ng mga ito.
Lahat sila may itsura, matatangkad, at magaganda ang mga pangangatawan. Pito silang magkakasama at sila ay nagtatawanan. May mga nakaupo at meron namang mga nakatayo. Dahil sila ay magkakasama sa isang round table na malapit sa coffee shop ay paniguradong madadaanan ko sila. Kahit malayo pa man ako ay naririnig ko ang mga pinaguusapan nila.
"Hahahahaha! I'm speechless, Halvix. Iba ka talaga brad pagdating sa mga babae. Teach Lance your skills, bro!" Sabi nung lalaki na nakablack long sleeves na nakatayo at tumatawa.
"Shut it, Alec. Wala kang alam sa mga nangyayari saakin, dude." Sabay tawa ng isang lalaki na sa tingin ko ay si Lance.
"Don't worry about Lance, you guys don't have any idea na may pinopormahan pala siya." Sabay kindat nung lalaki na pangalan ay Halvix. Nakadekwatro siya ng pagkakaupo at nakawhite polo na long sleeves naman ngunit nakatupi ng onti sa bandang mga wrist niya ang cuffs ng polo niya na nagpakita ng kanyang relo at nakabukas ang tatlong butones ng kanyang polo. Tumatawa siya habang hinahawakan ang kanyang ulo gamit ang kaliwang kamay niya.
Halvix?
I think I've seen him before pero hindi ko lang talaga matandaan kung saan. What's with this guy? Since makisig siya ay sa tingin ko ay isa siyang model o kung ano pa man. Kaya binalewala ko nalang ang naiisip na kung ano ano ng utak ko. Ngunit bago ko magawa yun ay bigla kong nakita ang coffee shop at bumaling ulit ako sakanya. Siya nga pala yung nakabangga ko last week o siguro kamukha lang? I still don't know but he's somewhat familiar.
Napansin siguro ng ilan sakanilang grupo ang pagtingin ko kaya ang iba ay napatingin saakin. Napatingin ako sa lalaking kumausap kanina kay Halvix at halatang nanglaki ang mga mata niya at ang iba pang mga kasamahan nila ay tumingin na rin saakin. Ang iba ay gulat, nakatitig, at tinitignan akong mabuti. Si Halvix ang pinakahuling tumingin saakin. Tinitigan niya akong mabuti kaya't nung napansin ko lahat sila ay tumahimik habang nakatingin ay umiwas nalang ako ng tingin at binilisan ang lakad.
Ramdam ko pa rin ang mga titig nila saakin kahit nakatalikod na ako at nagmamadali.
I heard someone say, "No, it can't be.."
BINABASA MO ANG
Us, Over Again.
RomanceIt might take years, but what's meant to be will always find its way.