He's still on my mind.
Gusto ko siyang hanapin para magpasalamat dahil hinarangan niya ako at niyakap para hindi makuha ang atensyon ng mga tao. Imbis na magstay ako sa floor na yun ay bumalik ako sa elevator para pumunta na sa floor kung nasaan ang office ng leader namin.
"Ms. Gentuelza, irereview ko ang report mo mamaya since may inaasikaso pa 'ko na ibang bagay that will be included to our project. I'll call you if there's a problem o kung okay na sa'kin ang nagawa mong report. You may go now." Ani ni Sir Relinad sa'kin.
"Yes po sir, call me lang po if there's a problem." Ngumiti na ako sakanya at tinanguan niya 'ko na hudyat na makakalabas na 'ko sa office niya.
Time ko na rin para maglunch pero imbis na kumain pa 'ko ay tinawagan ko na si Steph para pumunta sa office niya at kunin ang mga files na ipapapasa niya sa'kin sa boss niya naman. Naisip ko nalang na magsabay kami ni Steph sa pagkain.
Kahit na bumalik ako sa office ay wala namang ipapagawa unless tawagan ako ni Sir Relinad kung may problema sa report na ginawa ko o may ipapagawa siyang iba. Ilang sandali pa ay narating ko na rin ang building kung saan nandito ang office ni Steph.
Tinanong din ako ng guard kung ano ang pakay ko roon. Sinabi kong kapartnership namin ang company nila at may kukuhain akong files sa isa sa mga empleyado dito. Agad rin akong pinayagang makapasok at sinabi sakin kung saan ang floor nila Steph.
Pagkarating ko sa ikatatlong palapag ay nakita ko na si Steph.
"Lourisse! Hinulog ka ng langit!" Tumatakbo si Steph sa akin at tsaka ako niyakap ng mahigpit.
"Anong sabi mo?! Hinulog pala ah? Sige aalis na 'ko." Umiirap ako at nagkukunwaring nagbabalak na umalis.
"Ikaw naman hindi mabiro. Joke lang yun 'no! Syempre hinulog ka talaga ng langit para salbahin ako 'no dahil papagalitan talaga ako ng boss ko kapag hindi ko pa nasubmit yung files sakanya." Sabi niya at biglang nagtatalon sa harapan ko kahit may mga hawak siyang mga papel.
"Oo na! Dalian mo at iabot mo na sa'kin ang mga files." Tumatawa ako habang sinasabi iyon at hinila na siya.
Tumungo kaming dalawa sa opisina niya. Sinaksak niya ang USB niya sakanyang laptop at pinasa ang mga files doon. Hinihintay ko lang siya matapos at ilang sandali pa ay natanggal niya narin ang USB at ibinigay na rin saakin.
"Ito na ang mga files. Nasa iyong mga kamay ang pag asa ko upang hindi ako mapagalitan ng Boss ko, may mga ilang files kasi dyan na sobrang pribado na bawal mabuksan kaya bawal mawala 'yan. Ingatan mo ha? Sobrang importante n'yan talaga." Sabi ni Steph sa'kin na para bang nakalaan ang buhay niya sa USB na ito.
Inilagay ko sa loob ng bag ko ang USB habang ipinapakita sakanya. "Ayan ha? Maingat na 'yan. Hindi yan mananakaw, huwag kang magalala."
Tumawa si Steph at pagkatapos ay hinila ko na rin siya palabas ng kanyang opisina para maglunch dahil hindi ko na kayang tiisin pa ang gutom ko.
Dahil hindi pa ako naglalunch ay sinamahan na ako ni Steph kumain sa malapit na restaurant sa kanilang kumpanya.
"Kamusta naman work mo, Lour? Tapos kana ba sa mga pinapagawa sa'yo ng kumpanya nyo?" Tinatanong niya ako habang nakain kami.
"Oo. Pagkatapos kong ipasa ay agad na akong pumunta para dito sa files. Babalik na rin ako doon pagkatapos natin kumain. Baka kasi ma--" Hindi pa man tapos ang sasabihin ko ay bigla ng tumawag si Sir Relinad sa'kin.
"Hello, Sir?" Sinenyasan ko si Steph na may kakausapin muna ako at agad naman siyang tumango at nagpatuloy sa pagkain.
"Ms. Gentuelza, napatawag ako dahil may ipapagawa ako sa'yo. Maayos na ang report na sinubmit mo sakin. You don't have to worry about it anymore but... I guess I'll be needing your help with this one." Sabi ni Sir Relinad sa'kin at halata sakanyang boses ang pagod.
"Oh, may I know what is it, Sir Relinad?"
"I'll tell you after ng lunch break mo. Go to my office and we'll talk there."
"Okay, Sir. I will immediately go there pagkatapos po ng lunch break ko."
"Thank you, Ms. Gentuelza."
Natapos na ang usapan namin ni Sir. I bet mahalagang bagay iyon ngunit hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya masabi sa'kin.
Natapos na rin ang pagkain namin ni Steph. Nagpaalam na ako sakanya dahil kailangan ko na rin pumunta sa opisina ni Sir Relinad.
Nagaabang lang ako ng masasakyan ngunit maglilimang minuto na ay wala pa ring dumadaan na taxi o bus manlang para makapunta na ako sa aming opisina. Inaalala ko ang sinabi ni Sir Relinad kaya naman ay gusto ko na talagang magmadali para makapunta na ako sa kanyang opisina.
Malapit na matapos ang lunch break ko at magkakalahating oras na ay wala pa rin akong masasakyan.
Umalis nalang ako sa'king kinatatayuan at nagtanong tanong sa iba't ibang tao kung saan mayroong sakayan papunta sa Manila dahil ngayon ay nasa Makati ako. Sinabi nila sakin kung saan pwede pa rin akong makatanaw ng sasakyan papuntang Maynila kaya't agad akong pumaroon kung saan 'yon.
Hindi ko inaasahan ang biglang pagbagsak ng ulan. Wala akong dalang payong kaya naman nag-aalala ako dahil basang sisiw ako panigurado pagkapunta sa opisina ni Sir Relinad.
Nagmadali ako sa paglakad. Nakaheels pa naman ako ngayon kaya't nagiingat ako ngunit sa hindi inaasahan ay..
"Ahh!" Napasigaw ako ng malakas at handa na sa pagbagsak ko. Biglang nadulas ang kanan kong paa kaya naman ay alam kong magiging sobrang sakit ng pagkabagsak ko.
Ngunit hindi pa man ako bumabagsak ay may bigla ng sumalo sa'kin bago ko pa maabot ng katawan ko ang sahig. Mabilis ang paghinga ko at napahawak sa lalaking sumalo sa'kin sa pagkakabagsak ko.
"LOURISSE!"
Sigaw ng lalaki habang hinihingal siya at agad din naman naging magaan ang paghinga niya ng tumingin siya sa akin na may bahid na pag aalala sa kanyang mga mata.
Dahil sa gulat ay hindi ako makapagsalita. Nanatiling nakatitig lang ako sakanya.
"Baka mabagok ang ulo mo!" Huminga siya ng malalim at niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi nagtagal ay bumulong siya sa'kin.
"Lourisse.. Please, Lourisse.. be careful, Lourisse.."
At hindi nagtagal ay mas lalo pang lumakas ang pagbuhos ng ulan.
BINABASA MO ANG
Us, Over Again.
RomanceIt might take years, but what's meant to be will always find its way.