VIII.

281 1 0
                                    

"At ikaw Halvix, ikalma mo muna 'yang utak mo." Sabi ni Alec.

Paano ko hindi maiisipang isipin siya? Si Bella yun, kahit sabihin n'yang 8 years na ang nakalipas, paano ko hindi matatandaan si Bella? Iisang babae lang sobra kong minahal, isa lang ang babaeng tinitigan ko ng matagal, isa lang ang nakapag pangiti.

Isa lang ang nakapag pasaya.

Habang iniisip ko siya, biglang nagring ang phone ko. 

"Hello, Vian?"

"Halvix? Where are you? Kasama mo ba sila Alec?" 

"Yes, nasa bar kami. Ayos lang ako 'wag mo 'kong alalahanin."

"Why do you keep on pushing me away? Alec called me. He told me that you've seen someone similar to Bella. Pwede bang itigil mo na yan? Halvix, she's gone, so please?"

Vian is always there. Lagi ko at namin siya nakakasama sa aming mga lakad at alam niya lahat ng pinagdadaanan ko. I am thankful of course because she never left but I know, there are men out there that can treat her the way she deserves. I'm still somehow broken of Bella. I am selfish, I get that at alam kong walang kwenta kong ginawa ko.

I don't know what to say. Alec and Vian is somehow right, I might gather information about the girl I've seen pero baka masaktan nga ulit ako.

"Hey Halvix, after lunch, I'll drop by to your company, may ichecheck pa kasi akong pasyente, I'll call you when I get there. Ingat kayong magbabarkada dyan and don't think too much."

"Who's that, Vix?" Tanong ni Aiden after kong ibaba yung phone.

"Vian."

"Ohh." Biglang napatahimik si Aiden.

"Bakit? May naalala ka na naman?" 

"Haha, wala. Hindi ko lang nakikita si Andie. Busy ba siya sa ospital?"

Aiden and Vian became close friends dahil naging girlfriend n'ya si Andrea, ang kapatid ni Vian na naging bestfriend din ni Bella." 

"I don't know, she's a great doctor, really good one. We'll meet after lunch, punta ka nalang sa kumpanya. Tara."

"Alright, see you then." Sabay kindat ni Aiden at dahil dun umasta ako na parang sasapakin ko siya at bigla naman siyang tumawa saka na umalis para magpakasaya.


"The name's Lourisse Gentuelza?" Sabi ko sa aking personal na taga imbestiga.

"Sir, mag-isa lang siya sa buhay pero meron naman siyang mga tao sa paligid niya na tinatawag n'yang kamag-anak."

"Sige, salamat Garcia." At binaba ko na ang aking cellphone.

Pagkatapos ko ipark ang aking sasakyan, nakita ko si Bella.. Pero bigla kong naalala na ang pangalan niya nga pala ay Lourisse.

Hindi ko mapigilang ngumiti. Ang pangalang Lourisse ay bagay din kay Bella. 

Naglalakad ako patungo sa kumpanya at onti-onti akong lumalapit sakanya. Makulimlim na at malapit na bumuhos ang ulan, nakahigh heels s'ya, at halatang nahihirapan siya.

"Ahh!" Biglang siyang sumigaw dahil madudulas na s'ya.

Malapit ako at bigla ko siyang nahagip at dahil don, mabilis ko siyang nasalo. 

Sobrang bilis ng pangyayari, kaya naman pagkatapos non, bigla kong naalala ang lahat..

Bella. 

Ngunit alam kong iba o s'ya itong nasa harap ko kaya..

"Lourisse.. Please, Lourisse... Be careful, Lourisse."

Mas lalo ko siyang kinulong sakin, nilapit ko ang mukha ko sakanyang tuktok, tinatakpan na ng kanyang buhok ang aking mukha.

Bella, ang sakit parin..



Us, Over Again.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon