IV.

720 5 0
                                        

It was a lazy afternoon. Hindi ko mapigilang tignan ang orasan. Hindi ako gutom pero gusto ko ng umalis sa klase na 'to para makasama ko na ang aking mga kabarkada.

"Okay class, that's all for today. You may have your lunch now." Sabi ni Mrs. Gomez. Buti naman sa ngayon ay naisipan na n'yang umalis sa aming classroom ng maaga hindi tulad dati na nagoovertime siya kaya imbis na matuwa ang klase ay makikita mong lahat kami ay nakapamulsa.

Lumabas na ako para puntahan ang mga kabarkada kong sila Lance, Alec, Mond, at Aiden.

"Oh himala? Ang aga mo ngayon Halvix!" Sabi ni Lance na natatawa ganon din ang iba pa naming mga kabarkada."

"Yeah, I know. Once in a lifetime lang 'to. Tara na." Paganyaya ko sakanila para maglaro na kami ng soccer.

"Hey Vix, look at that girl. You know what? Sikat siya campus at maganda siya. She likes you. Do you want me to introduce you to her?" Bulong sa'kin ni Mond pero narinig din naman ni Aiden.

Lumingon kaming tatlo at nakita kong nakatingin si Vian sa'kin pati ang mga kaibigan niya. Maganda siya at sikat sa aming campus. Tinitignan ko rin siya but suddenly.. someone caught my eyes.

Sa likod ni Vian ay may naglalakad akong babae na nakita. Mahaba ang kanyang buhok at halatang nagmamadali siya papuntang cafeteria. Hindi pa man siya nakakapunta ay may biglang lalaki ng sumalubong sakanya. Gulat ang kanyang mga mata at bigla siyang tumawa.

Kumunot ang noo ko sakanilang dalawa.

"Hey Halvix, nakikinig ka ba?" Nakataas ang kilay ni Mond at nakakunot naman ang noo ni Aiden sa'kin samantalang ang iba naman ay nakatingin. Bigla akong bumalik sa aking ulirat at doon ko napagtanto na may kausap nga pala ako.

"What?" Sabi ko kay Mond. Hindi na 'ko magkukunwaring narinig ko ang mga sinabi niya dahil hindi ko naman talaga alam ang mga lumabas sa kanyang bibig.

"Ang sabi niya, sa game natin mamaya, Vian will be there. And we all know she will watch you play." Biglang kindat sa'kin ni Aiden.

Oh, yeah. Si Vian nga pala, okay lang sa'kin kung manuod siya dahil wala namang masama don and it doesn't matter though if she's going to watch because she likes me.

Naglunch muna kami ng mga kabarkada ko. May mga tumatawag sa pangalan ko and most of them are girls. Pero kahit ganon ay hindi lang naman pangalan ko ang tinatawag nila kundi rin ang mga kasama ko. Hindi ako suplado pero hindi ko nalang sila pinapansin unless kung magpapansin talaga sila mismo sa'kin para makuha ang atensyon ko.

May mga nakakadate akong ilan pero hanggang dun lang yon. Mas pinagtutuonan ko ang soccer at hindi pa naman ako binatilyo kaya't bakit ako magseseryoso? I should focus on myself and my goals instead of wasting my time for them. Malawak ang mundo, marami pa akong dapat mas pagtuonan ng pansin.

Napasarap ang kwentuhan naming magkakabarkada. Marami kaming pinaguusapan but it stopped me from laughing my ass off when I heard my phone vibrating in my pocket. Kinuha ko 'yon at nakitang tumatawag si Mommy. I excused myself to my friends and I told them that I need to answer the call.

"Hello Mommy? What's up?" Masigla kong bati sakanya.

"Anak, I miss you so much! Have you eaten lunch?" Alam kong busy siya ngayon but she still managed to contact me. That's great.

"Yes po, Mommy. Kayo po ba?"

"Yeah. I'm with your Dad. But Hijo, I have something to tell you.." Hindi ko alam ang sasabihin ni Mommy pero nababahala ako doon.

"May nangyayari sa kumpanya natin ngayon kaya magiging busy kami ng Daddy mo simula bukas at sa mga susunod na araw. I hope you'll understand. Si manang muna ang magbabantay sa'yo."

Hindi ako nakapagsalita at alam ko namang ginagawa nilang dalawa 'yon para sa'kin. Para sa pamilya namin. Hindi naman ako selfish para hindi sila intindihin. Kaya ko naman ang sarili ko.

"Sure Mom, I will just call from time to time para kamustahin kayo. I'm your son, Mom. I'll be fine. I love you both, ingat kayo." Sabi ko sakanila para hindi na sila mabahala sa'kin. Though I'm just a 16 year old boy, marunong akong umako ng mga responsibilidad ko sa buhay.

"Salamat Hijo, I love you too! Take care of yourself, okay?" Alam kong pinagkakatiwalaan ako ni Mommy kaya't hindi ko babaliin ang tiwala niya.

"Opo Mommy, kayo rin po ni Dad." Sabi ko sakanya at nagpaalam na.

Binaba ko na ang phone ko at nilagay ito sa'king bulsa. Bumalik na ako sa mesa kung saan kami nakatambay ng mga tropa ko. Nagtatawanan parin sila hanggang sa makabalik ako at hindi nagtagal ay sumali na ako sakanila.

Magsisimula na ang game sa loob ng ilang minuto nalang. Nakapagprepare na kami para sa game kaya sigurado kaming mananalo kami ngayon laban ang kabilang school.

Umupo sa pinakaharap sila Vian at ang kanyang mga tropa. Nagtatawanan sila at si Vian naman ay nakatingin lang sa'kin. Nginisian ko nalang siya ng matipid dahil naalala kong sinabi ni Mond sa'kin na nagugustuhan niya ako. Pero imbis na isipin pa iyon, ay pagtutuonan ko nalang ng pansin ang game. Nagkatinginan kami ng mga kabarkada ko at agad tinanguan ang isa't isa.

Nagsilapitan na ang mga team captains ng magkabilang team sa referee. Naganap na ang pagtotoss ng coin at duon ko na natantsa na ang mauunang maninipa sa bola sa first half ay ang kabilang team. Tinuon ko ang pansin ko sa bolang iyon at inorganisa sa utak ko ang mga technique na gagamitin ko at ng aming team para manalo.

Nalalamangan na ng aming team ang kabila. Kaya't mas ginaganahan akong makipaglaro at kitang kita ko naman sa mga kasama ko na naeenganyo rin sila kaya't mas lalo naming pinagtuonan ng pansin. Pinipilit kong agawin ang bola sa kalaban ko. Napatingin ako kung saan nakapwesto ang crowd ng aming school at may nakita akong babae duon na naglalakad.

Mahaba ang kanyang buhok at nakikipagusap siya sa mga kasama niya. Tumatawa sila at nagbabalak na umalis. Tumingin ang babaeng iyon sa field. Malayo siya sa'kin kaya't hindi ko alam kung nakita niya ako.

Bigla akong nanghina ng nawala na siya sa aking mga mata.

Narinig kong sumigaw ang kalaban naming school kaya't napatingin ako sa score board. Dun ko napansin na nakapuntos sila. Naipasok ng kalaban ko sakanilang net ang bolang kanina'y binabalak kong agawin sakanya.

Tahimik ako at nagiisip ng mabuti.

Damn.. Is that a kryptonite?

Us, Over Again.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon