VII.

551 8 2
                                    

The sky always mourn for her. It always cries most of the time whenever I visit her grave.

Even your name is beautiful especially the way it sounds.. Everything about you is just beautiful.. Just looking at it makes me smile.

"And I wish.. I wish you were here with me, Bella.."

"I had a tiring day and up until now, I couldn't face my Dad. Hindi natatanggal yung sakit ng nakaraan at nandito parin sa'kin lahat ng yun."

8 years ago pa ang mga nangyari and in those years all I feel is emptiness. But still, in order to avoid loneliness, I always convince myself that she's here.. with me.

"Bella please.. Bumalik ka na sa'kin.. Please dito ka nalang, please 'wag mo na 'ko iwan. Gusto mo ba sundan na kita d'yan? Bella please.. Nag mamakaawa ako sa'yo.." 

Sa sobrang sakit hindi ko na mapigilan umiyak. Humihiling na marinig ng langit lahat ng sana at ang iyak ko, na sana ibalik nila si Bella, na sana pwede maitama ang nakaraan. Alam kong imposible ang nasa utak ko ngayon pero lahat ng sana.. Sana matupad.

"Halvix.. Tigil na, walang may gusto sa nangyari at alam ni Bella 'yun." Dapat ako lang ang pupunta sa puntod ni Bella ngunit nagpumilit si Alec na samahan ako. 

"Alec dapat masaya kami ni Bella ngayon. Hindi ko siya naprotektahan at napabayaan ko siy-"

"Halvix, pare lahat ng nandun nakita na hindi na natin masasalba si Bella. 'Wag mo na ikulong yung sarili mo sa nakaraan."  

"Alec wala na si Bella.. Wala na siya.."

"Halvix! Lahat kami nila Aiden ilang beses ka na naming sinasabihan na wala kang kinalaman sa nangyare. Hindi 'yan nakakatulong sa'yo. Kung makikita ni Bella na ganito ka ngayon, sa tingin mo ba matutuwa siya?" 

Hindi na 'ko makapagsalita. Sobrang martyr ko na at alam ko 'yon. 

"Tara na Halvix, magpaalam ka muna kay Bella. Bibisitahin natin siya sa susunod pero pare, ayusin mo yung sarili mo sa susunod. Kausapin mo siya ng maayos. Sinasabi ko sa'yo, kung nakikita ka niya ngayon, masasaktan siya sa ginagawa mo."

Tumango nalang ako sa sinabi ni Alec. Tama ang mga sinabi ni Alec pero alam ko sa sarili ko na ako ang may kasalanan ng lahat. 

Napagdesisyunan ko ng sundan si Alec. Mukhang gusto niya muna magkape kaya naman tumigil muna kami sa isang coffee shop.

Naging maayos na ang lagay ko ng onti ng biglang may nakabunggo ako. Wala yata siya sa sarili niya dahil mukhang malalim ang iniisip niya. 

Nagsorry sakin ang babae kaso hindi ko na 'to hinarap dahil lumingon ako kay Alec at mas nauna akong pumasok kaysa sakanya upang itanong ang order niya.

"Don't worry, it's fine." 

Nagmadali na ako sa counter at umorder ng iinumin namin. Malamig ngayon sa Manila at masarap tumitig sa bintana kung saan makikita mo ang mga tao na may sari sariling ginagawa.

"Umayos ba pakiramdam mo, Vix?"

"Naalala ko si Bella natakbo doon habang hawak ang kamay ko." Sabay turo sa dating pwesto ng park malapit sa kumpanya namin.

"Di ko ba alam kung ano ginawa sa'yo ni Bella. Nagsasawa na nga ako sa mga kwento mo sakanya pare sa totoo lang." Sabay tawa ni Alec na sinabayan ko naman.

Pagkaraan ng isang oras ay napagdesisyunan na namen ni Alec umalis. May aasikasuhin pa siyang trabaho at ganon din naman ako. 

Isang linggo na rin ang lumipas. Tapos na ang lahat ng dapat kong gawin. Malamig ang simoy ng hangin at gabi na kaya naman napagdesisyunan kong tawagan ang mga tropa ko.

"Anong oras ba tayo pupunta sa bar? Naiinip na 'ko eh." Sabi ni Mond.

Napagisipan muna namin tumambay sa may cafe dahil dun daw ang meet up place sabi ni Alec.

"Chill ka lang d'yan. Tambay muna ta'yo gusto ko muna magpalamig." Sabi naman ni Alec.

Wala kaming ginawa kundi mag usap ng puro kalokohan ng bigla kong maalala ang babaeng pinopormahan ni Lance na tinatago niya samin na ako mismong nakahuli nito lang huwebes.

"Oh Lance, kamusta ka nga pala? May lovelife na ba?"

"Tsss. Meron talaga!" Sagot naman ni Lance na ngumingiti pa.

"Kung meron, nasan?" Sabay akto ni Aiden na naghahanap ng babae at nagtawanan nalang kami dahil sa pagaasaran kaya't mabilis namin mapalipas ang oras.

"Bagal mo Lance, si Halvix nga eh, silent pero nakakauno yan! Hahahaha!" Biglang singit ni Mond na kanina pa nasa telepono dahil kausap ang girlfriend niya.

"Hahahahaha! I'm speechless, Halvix. Iba ka talaga brad pagdating sa mga babae. Teach Lance your skills, Bro!" 

"Don't worry about Lance, you guys don't have any idea na may pinopormahan pala siya." Sabay kindat ko.

May naririnig akong sapatos na tumutunog. Papalapit ito sa aming direksyon at napansin ko rin na unti unting tumahimik ang mga maiingay kong kabarkada kaya napagdesisyunan kong tignan kung sino ang palakad papunta sa amin.

It's a girl walking towards our direction..

Everything about her is just the same same as hers..

I've seen those eyes before.. And the first time it looked at me, I know that it was mine.

....And finally, I can stare at those eyes again. 

"No it can't be.." Biglang sabi ni Lance. 

Naging blanko ang utak ko. Alam ko si Bella 'yun. Sigurado ako na si Bella ang babaeng 'yon. Hindi siya namatay, buhay siya. Nakikita ko siya at alam kong nakita niya 'ko.

Tumayo na 'ko para habulin siya ng bigla akong hinawakan ni Lance at Alec.

"Pare! Kumalma ka." Sabi ni Lance at biglang hinigpitan ang hawak sakin katulad ng ginawa ni Alec. Sila Mond at Aiden naman ay biglang humarang sa dinadaanan ko. Dahil sa pagpigil nila ay unting unti na nawawala si Bella sa paningin ko.

"Lubayan niyo 'ko! Si Bella 'yun. Kailangan namin mag usap. Kaya mga pare bitawan niyo ko!" 

"Halvix baka kamukha lang ni Bella 'yun baka umasa ka na naman. Ganyan ka rin dati nung nakakita ka ng kamukha ni Bella. Alam mo sa sarili mo na wala na siya! Pare gumising ka naman sa katotohanan!" Salubong sakin ni Mond. 

"It has been 8 years, Halvix. How can you know if that's Bella?" Sabi ni Aiden.

"Halvix, kumalma ka." Sabi ulit sa'kin ni Lance. 

Hindi ko alam ang iisipin ko. Pero nag iba ang ihip ng hangin ng mahagip ng mata ko ang mata niyang tumingin sa'kin. At alam ko.. alam ko...

"Tara na pumunta na ta'yo sa Bar. At ikaw Halvix, ikalma mo muna ang utak mo." Sabi naman sakin ni Alec. 


Us, Over Again.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon