Natapos na ang game namin kalaban ang kabilang school. Masaya naman ang game at sa huli, nanalo pa rin kami.
Pauwi na 'ko pero biglang may tumawag ng atensyon ko galing sa isang boses ng babae.
"Halvix!"
Hindi pa man ako nakakalingon ay inaasar na 'ko ng mga kabarkada ko at binubulungan na pansinin ang babaeng bumanggit ng pangalan ko.
"Hey, Vian. Bakit?"
"Ang galing mo kanina, Halvix. Umm.. pwede ba tayong sabay maglunch tomorrow?"
Habang nagsasalita si Vian ay inaalis niya ang mga buhok sakanyang mukha at nilalagay ito sa likod ng tenga niya. Binabalik niya ang tingin sa sahig at sa'king mga mukha.
Sila Aiden naman ay natatawa at tinutulak ako ng mas malapit pa sakanya.
"Vian. Payag naman 'tong kabarkada namin. Diba Halvix?" Kinindatan ako ni Alec habang sinasabi niya 'yon.
Well, there's nothing wrong with that and it's just lunch so why not?
"Sure, hintayin mo nalang ako sa room n'yo. Pupuntahan kita dun." Sabi ko habang nginingitian siya. Hindi tumitigil ang mga kabarkada ko sa pagkantyaw at pangangasar tungkol kay Vian. Hindi ko nalang sila pinapansin at nagpapatuloy lang ako sa paglakad.
Gabi na kaya't alam kong si Manong ay naghihintay sa'kin sa parking lot upang sunduin ako.
Kinabukasan, isang subject nalang ay maglalunch na. Masaya ang buong klase dahil nalaman namin na wala pala si Mrs. Gomez dahil mayroon s'yang sakit kaya't napagisipan kong pumunta na agad sa classroom ni Vian.
Rinig ko ang tilian ng mga kaklase ni Vian habang nasa labas ako. Tinitignan nila ako habang binubulungan si Vian. Halata kong kinulot ni Vian ang kanyang buhok at nakamake up siya ngayon. Duon ko natantsa na maganda talaga s'ya.
Marami akong nakakasalubong na mga ilan ilang kong kakilala habang naghihintay sa labas ng room nila Vian. Naiinip na 'ko pero dahil umoo ako kay Vian at wala naman akong gagawin ay hihintayin ko nalang siya.
Habang nakapamulsa ako, mayroong natatanaw ang mata ko sa hindi kalayuan na mismong nakakuha ng buong atensyon ko.
Hinahangin ang kanyang mahaba na buhok habang naglalakad siya. Duon ko napagtanto na makinis ang balat niya, ang mata niya ay kumikinang at mas lalong nagpapaganda pa dito ay ang makapal nyang pilikmata.Matangos ang kanyang ilong at ang labi niya ay kasing pula ng mga rosas.
Hindi ko mapigilan ang pagtitig ko sakanya. Nagulat ako ng nagangat siya ng tingin dahilan kung bakit ako nagising sa pagtitig sakanya.
Tumingin siya sa'kin at bigla rin siyang tumingin sa likuran ko. Ngumiti s'ya at kumaway. Napatingin ako sa likod ko at duon ko nakita ang lalaking kasama niya kahapon.
Hindi ko mapigilan ang pagkunot ng aking noo sa lalaking 'yon at bumaling ako sakanya. Nagulat ako dahil pumasok siya sa classroom nila Vian at umupo sakanyang kinauupuan.
Nakatitig lang ako sakanya habang nakikipagusap siya sa mga kaklase niya. Nalilibang ako habang tinitignan siya pero biglang may sumira no'n ng may humila sa sleeves ng uniform ko.
"Halvix, okay ka lang?" Nakatingin lang si Vian sa'kin at nagtataka. Tinignan ko ang orasan ko at dun ko napagtanto na lunch na pala.
"Halvix, let's go?" Sabi ni Vian.
Pinasadahan ko ng tingin ang babae at nagulat ako dahil nakatingin din siya sakin.Ngitian ko siya at bumaling na 'ko kay Vian at sabay na kaming naglakad papuntang cafeteria.
"Sure." Ngumiti din ako kay Vian at umalis na kami.
Nakita ko ang mga kabarkada ko kaya't napagdesisyunan naming umupo dun ni Vian kasama sila. Nakangiti silang makahulugan habang tinitignan ako at si Vian. Tinatawanan lang sila ni Vian kaya't sumabay na rin ako sa pangtritrip nila.
"Oh? Magkasama kayong dalawa ah?" Tanong ni Mond samin habang nakataas ang kilay.
"Why not, Mond?" Tingin ko kay Vian at halatang kinilig s'ya dun kaya hindi ko mapigilang matawa.
"Niyaya ko kasi si Halvix na sabayan akong maglunch. Nakakahiya nga eh."
"Ano ka ba, Vian? Okay lang 'yon basta ikaw daw sabi ni Halvix samin." Tumatawa si Lance habang sinasabi niya 'yon kaya halata kay Vian na masaya siya ngayon kahit pawang kasinungalingan ang sinabi ni Lance.
Patuloy parin ang pakikipagusap ng mga kabarkada ko kay Vian kaya napagisipan kong ako nalang ang kumuha ng lunch naming dalawa. Pagkabalik ko ay nagtatawanan silang lahat habang nakatingin sakin.
"What?" Maawtoridad kong sabi sakanila.
"Well, Vian keeps asking about you. We're just answering her questions." At tumingin sila kay Vian.
Tumawa bigla si Vian at sinabing, "I'm sorry, Halvix. Gusto lang kita makilala ng lubusan." Tumingin siya sakin at inalis ang buhok sa kanyang mukha at inilagay ito sa kanyang tenga.
"You don't have to apologize, Vian. It's okay, go on." Tiningnan ko siya kaya't nakita ko ang pamumula ng kanyang mukha.
"Well.. Halvix, ca--" Hindi niya natapos ang pagtatanong dahil biglang nagring ang phone ko. I excused myself at lumabas muna ako ng cafeteria.
Tinawagan ako ni Mommy upang kamustahin at nagbilin siya sakin ng ilan bagay. Nagkwentuhan din kami ni Mommy tungkol sa iba't ibang bagay at bakas sa boses niya ang pagod. Hindi nagtagal ay natapos rin kaming magusap dahil sa tingin ko ay kailangan niya na magpahinga. Binulsa ko na ang phone ko pero hindi pa man ako nakakapasok sa cafeteria ulit ay bumungad na sa'kin ang babaeng palagi kong tinitignan.
Pababa na siya ng hagdanan at naglalakad kung saan pwedeng tumungo sa gym, field, o sa canteen. Unti unti ko siyang nilalapitan kaya't habang naglalakad siya ay nasa likod niya lang ako at nakatitig sakanya. Imbis na dumaan siya sa kalsada ay dumaan siya sa may bridge ng school namin at duon ko napagtanto na papunta siya sa may field.
Huminto muna siya bago siya maglakad sa bridge. Huminga siya ng malalim at pagkapatong niya ng paa niya ay hinawakan niya ang magkabilang handrails ng bridge. Pagkatapos niya maglakad ng limang hakbang ay sumunod na ako sakanya. Kahit nakatalikod siya ay halata ko sakanya ang pagkakataranta kaya iniipit ko nalang ang bibig ko sa pagtawa. Mahaba ang bridge at umuuga uga ito. Napagdesisyunan ko humakbang ng onti malapit sakanya para magabayan siya kung may mangyaring masama.
Nakita kong may malaking butas sa bridge. Napataas ako ng kilay at tinitignan siya kung makakaya niyang lagpasan ito. Mas lumakas pa ang ihip ng hangin kaya't mas lalong umuga ang bridge. Makulimlim narin ang langit kaya iniisip ko kung uulan ba o hindi.
Nalagpasan niya ang malaking butas na iyon kaya't nagpatuloy siya sa paglakad at nang ako naman ang sumunod ay nalagpasan ko rin ito.
Ilang hakbang nalang ay makakaalis na kami sa bridge pero sa hindi inaasahang pangyayari...
"Ahh!" Natalisod ang babae at bago pa man siya bumagsak ay nilakihan ko na ang hakbang ko patungo sakanya.
Nahagip ng aking mga braso ang kanyang baywang kaya't nilapit ko siya sa'kin at kinulong siya sa aking mga bisig. Napaupo kaming dalawa at kahit nakatalikod siya sa'kin ay ramdam ko pagtibok ng puso niya at pagbilis ng kanyang hininga dahil sa mga nangyari.
Hindi din nagtagal ay bumuhos na ang ulan.
BINABASA MO ANG
Us, Over Again.
RomanceIt might take years, but what's meant to be will always find its way.