IX.

368 4 4
                                    

Ang sakit na makita kang muli.. ngunit sa ibang tao. Kinausap niya ako ngunit bigla rin naman akong umalis. 

Maaga pa naman at dahil kabisado ko na ang dalawa kong kaibigan, alam kong mga 30 minutes pa sila bago makapunta dito. 

Nakaupo lang ako, iniisip ko si Bella. Mga mata niya, yung titig na tatagos sa kaluluwa. Yung buhok n'yang napakahaba at mabango.. Higit sa lahat, yung labi niya. Labi niyang hinahalikan ko, labi n'yang kulay rosas. Napakaganda ni Bella, makita ko lang s'yang masaya, iba na ang dating sa'kin. 

Hindi ko mapigilang ngumiti habang iniisip ang lahat ng nangyare saaming dalawa at iniisip na kung paano ay nangyayare ngayon ang nangyari nung nakaraan. Ngunit nalimutan ko, andyan nga pala yung realidad na mismo sa'king balikat kumabalit.

"Halvix." Ani ni Vian.

"Vian." Ngiti ko sakanya.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya sa'kin na may halong pag-aalala.

"I am, kaso intayin muna natin si Aiden, mukhang naalala niya parin si Andrea, sabi sa'yo pauwiin mo na dito para makasama naman natin." 

"Aiden has already reserved a table for us. Nandito ako para sunduin ka and you know what happened between the two, Vix. Masaya siya si Pransya, puntahan nalang kamo siya ni Aiden don." Sabi ni Vian sabay suot ng sunglasses n'ya.

"Let's go?" Pagyaya ko sakanya na kumapit siya saking siko.

"Mhm." Bigla niya pinulupot ang kanyang kamay at saka ngumiti.


"Kamusta naman pala kumpanya nyo, Halvix? Balita ko bumalik si Zeon, ah. Ayos pala eh, pwede na tayo magreunion. Haha!" Ani Aiden.

"I don't care if he's back. Kayo nalang magreunion." 

"8 years na ang nakalipas, di parin kayo naguusap dahil sa nangyari, Vix." Ani ni Vian sabay tingin sakin.

"8 years simula nung pumanaw si Bella." Sabi ng isang lalaki na nasa likod ni Vian.

Si Zeon. Nakangiti siya at bigla s'yang umupo sa lamesa namin, tinignan niya ang menu habang nakangiti na para bang nangangasar. 

"Ano gusto mong sabihin, Zeon? Na kasalanan na naman ni Halvix ang nangyari?" Sabi ni Vian at tinaasan ng kilay si Zeon.

"V, Aiden invited me here. You're the one who mentioned it first, I was just trying to clear things out." Sabay tingin niya kay Vian.

"At oo nga pala Halvix, makikita mo na muna ako siguro palagi, mananatili muna ako dito. There are things I have to do for the company." Ani Zeon.

"Your presence is not enough to ruin my day, Zeon. Hindi ka naman importante, di mo kailangan magpaalam sakin."

Tinignan lang ako ni Zeon, halatang mayroong tensyon saaming dalawa at pinutol ni Aiden yun. Sinimulan nyang makipagdaldalan kay Zeon at si Vian naman ay nakasimangot lang. Dumating na ang mga pagkain namin at tahimik lang kaming dalawa ni Vian. 

Nagvibrate ang phone ko, nakita kong may message si Vian. As usual, kapag tahimik ako gagawa siya ng paraan para makuha atensyon ko.

"Hey, eat your food properly, Vix."

"Finish your food, Vianca. Don't text while eating." 

"You want a joke?" 

"No."

Kinagat ni Vian labi niya habang nagtatype siya sa cellphone niya at natatawa sa kung ano man ang irereply niya sakin.

"Bakit pang-alis ang pantalon? Bakit may maigsing longganisa?" 

Napaisip ako sa sinend ni Vian sakin. Tawa siya ng tawa na para bang nanunuod siya ng palabas na comedy. Tinaasan ko lamang siya ng kilay.

"Vix! Answer my question, do it! Hahahaha!" Ani Vian sabay hampas sa braso ko.

Vian likes to joke even when her jokes are absolutely plain or doesn't make any sense. Nalimutan namin na andito si Aiden tsaka si Zeon. Nakatingin lang sila saming dalawa na nagtataka.

"Oh. I'm not aware, may namamagitan na pala sainyo." Tanong ni Zeon.

"Likewise, Zeon. Assuming things on his own." Sabi ni Vian sabay lagay ng phone niya sa bag.

"Well, guess I am right then. Mauuna na ako sainyo, I'll see guys around. Pare, salamat." Ani ni Zeon at tinapik ang likod ni Aiden tsaka umalis.

Ihahatid ko na si Vian sa ospital kung saan siya nagtatrabaho ngunit iniwan mismo ni Garcia ang mga papeles patungkol kay Lourisse Gentuelza sa office ko kaya iniwan ko muna si Vian sa lobby. 

Papalabas na ako sa aking office at papunta na sa elevator. Bumukas ito at nakita ko si Vian na namumutla na para bang may nakita siyang kakaiba.

"Halvix..?" Tanong niya sakin na halatang may pag-aalala sa kanyang mga mata.

"What happened, Vian?"

"I think... I think I just saw Bella..." Ani Vian at bigla s'yang yumakap sa akin.


Us, Over Again.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon