VI.

613 3 1
                                    

  Kahit sobrang lakas ng pagbuhos ng ulan ay hindi pa rin nito matatakpan ang kanyang mukha.

 Nakadark green siyang hoodie, sweat short at ultra boost na sapatos. Mayroon din siyang bitbit na bag sa tabi niya at dalang bouquet sakanyang kanang kamay at ang kaliwa niya naman ay nakahawak sa aking likod upang suportahan ito.

 Magkaharap kaming dalawa at dahil sa sobrang pagkabila ko ay nakatitig lang ako sakanya.

 "Are you okay?" Singhap niya sakin.Nakatingin ako sa mukha n'ya. Ang kapal ng kilay niya at pilik-mata. Kulay rosas ang kanyang labi at ang kanyang ilong naman ay matangos. Ginising ng kanyang nag-aalalang mukha ang pagtitig ko sakanya. 

"O-oo. O-okay lang." At agad agad kong inalis ang kanyang mga kamay na nakahawak sa'kin.

Sinuri niya akong mabuti at huminga ng malalim. 

"Do not walk quickly in a slippery road or you might cause commotion." Sabi sakin ng lalaki at agad din umalis.

Bago pa man siya umalis ay may naalala ako sa sinabi niya. 

"Teka lang, saglit." Hinawakan ko ang pulso niya upang iharap siya mismo sakin.

"Paano mo nalaman na Lourisse ang pangalan ko?" Nagtataka ako dahil sa pagkakasabi niya ng pangalan ko ay para bang kilala niya na 'ko. Nagulat siya ng hinatak ko ang pulso niya pero bigla rin namang kumunot ang noo niya.

Ngumuso siya sa suot kong ID at don ko napagtanto ang dahilan kung paano niya nalaman ang pangalan ko.

"Since you're wearing your ID,  I can see what is your name since it's written in bold." Pagkatapos niya sabihin yun sakin ay umalis na siya bigla at hindi na hinintay pa kung mayroon pa akong sasabihin sakanya.

Nagkausap na rin kami ni Sir Relinad sa nangyaring problema sa kumpanya. Nagkagulo pala ang sa isang department kaya't sinabihan niya ako kung pwede akong tumulong sakanila sa mga reports nila dahil nitong mga nakaraang araw ay  may namumuo na palang mga alitan at sama ng loob sa grupo na iyon. 

"Alam mo? Balita ko kamo yung pinakahead nila dun sa grupo na 'yon ay sobrang istrikto at grabe magalit." Sabi ni Anne sakin habang nakaupo sa mesa ko kasama si John.

"Oo gusto non lahat ay maayos. Buti nga hindi tayo napunta sa department dun kasi yung mga empleyado talaga don ay halatang nahihirapan at napaparanoid sa mga pinapagawa nila." Ani John.

Nakikinig lamang ako sakanila at iniisip kung sino ang tinutukoy nilang head. Tutal hindi pa naman ako gaano katagal sa opisina ay hindi naman lahat ng nagtatrabaho at nagmamanage dito ay kilala ko. 


Maaga ang uwi ko ngayon kaya napagdesisyunan kong magjogging muna bago magluto. Hapon palang at ayoko naman magbabad masyado sa cellphone ko. Pagkalabas ko ng tinitirhan ko ay naglakad lakad muna ako.

Masarap sa pakiramdam ang simoy ng hangin kaya't pinili ko munang maglakad lakad. Papalubog palang ang araw kaya't hindi ko mapigilan tignan ang kalangitan. Sa lahat ng gusto kong titigan ay ang sunset. Hindi ko alam pero tuwing tinitignan ko ito ay sapat na upang pasiyahin ako. Ilang oras din ang paglalakad at pagtitig ko sa kalangitan kaya naman ngayon ay napagdesisyunan ko ng isuksok sa tenga ko ang earphones at nagsimulang magjogging. 

Habang nagjojogging ako ay may nakasalubong akong isang poodle na halatang naghahanap ng kalaro ngunit nakasabit siya sa may puno na malapit sa bench. Dahil sobrang relaxed ng mood ko ngayon ay napagdesisyunan kong laruin ito. Ngunit ng iangat nito ang kanyang ulo ay nakita ko ang buong pangalan niya.

Hinawakan ko ang collar niya at hindi ko maitago ang aking ngiti dahil sa sobrang ganda ng kanyang pangalan.

"Seth.. Good boy, Seth!" Halatang masigla makipaglaro ang poodle at miski ako.

Habang hinahawakan ko si Seth ay may biglang anino ng isang lalaki ang nakita ko. Nilingon ko ito ay nakitang may lalaking na nakamask na tinakpan lamang ang kanyang ilong at bibig. Nakasalamin siya at nakacap na itim. Nakajacket siya na white at nakapaloob dito ay v-neck na navy blue ngunit may nakapatong ditong face towel. Nakajersey short siya at nakasneakers din na black. 

Nakatingin lamang ito sakin na walang bahid na reaksyon. Hindi siya nagsasalita at halatang naghihintay kung aalis ako o may sasabihin.

"Umm.. Hi--"

Hindi pa man ako tapos magsalita ay agad na ko nilagpasan ng lalaki at inaalis niya ng maigi ang pagkatali ni Seth sa may puno. Madali lamang ito kaya't mabilis lamang matapos ang lalaki. 

Huminga ako ng malalim at nagsalita muli, "Ang sarap n'yang kalaro at cute din siya." Hindi nagsasalita ang lalaki nakatingin lang siya sa ibang direksyon at pinapakinggan lang ako habang hawak ang tali ni Seth. 

Tumahol si Seth at halata ko sakanya na masaya siya.

"Ang ganda rin ng pangalan niya. Gabi na kaya mauuna na ako. Sige b--" Hindi pa man ako magsalita ay tumalikod na ang lalaki at nagsimulang magjogging kasama si Seth. 

Hindi ko alam pero nakakapagtaka ang lalaking yon pero dahil hindi ko naman siya kilala ay mas maigeng hindi ko nalang siya isipin pa. 

Nakauwi na ako ng bahay at nagsimula na akong maligo. Pagkatapos nun ay nagluto na ako. Wala pang kalahating oras ay natapos na ako kaya naman ang sinunod ko na ay yung mga pinapagawa sa'kin ni Sir Relinad. 

Marami ito ngunit hindi siya mahirap gawin. 

Wala na akong oras mag-isip pa ng kung ano kaya't ngayon pa lang ay sinimulan ko ng ayusin lahat ng kailangan kong tapusin.

Kinabukasan ay nakarating din ako sa trabaho ngunit halatang may kakaiba ngayong araw.

Halatang maraming nagiiyakan sa kabilang department at marami sakanila ang nanginginig sa takot. 

Nakita ko sila Anne at John kaya tinanong ko sila kung ano ang nangyayari.

"Yung head nila galit na galit dahil sa nangyari, kaya ayun lahat sila damay at yung mga nagsimula at mga nakisali ay sinesesante na."

Tumingkayad ako at hinanap ang sinasabi nilang head. Nasagi ako ng isang babae kaya naman naitulak ako masyado. 

Sa napuntahan kong direksyon ay nakita ko ang head na sinasabi nila. 

Hindi makapaniwala ang mga mata ko sa mga nakikita ko. Ang ibang tao din ay gulat kaya't hindi ko mapigilang tumitig.

Nakita ko na.

Nakita ko siyang lumabas at nagsimula na siyang maglakad.

Us, Over Again.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon