Nandito ako ngayon sa building ng bestfriend kong si Steph. Malawak ito kumpara sa building namin kahit magkakonekta lang naman ang kumpanyang pinasok namin. Niyaya niya akong maglunch at dahil day off ko naman ngayon, balak kong bumili ng mga kailangan ko sa apartment at magjogging pagkatapos.
"Kuya Guard, pwede niyo po ba ituro sa'kin kung nasaan ang lobby?"
"Miss ano po ang pakay niyo dito?" tanong ng Guard.
"Hihintayin ko po si Miss Step-" Hindi ko na natapos ang pagsasalita ko dahil ituro niya na sa'kin ang daan papuntang lobby. Siguro ang dahilan ay kilala si Steph dito dahil mahilig siyang makipagusap sa iba.
Sobrang ganda ng lobby nila. Pink and white couch, floral na pink ang wallpaper, at ang counter nila ay aqua green ang kulay. Ang saya tignan kaya naman naisipan kong maupo muna sa may couch.
Habang nag iintay ako ay may paparating saaking babae. Isa siyang doctor pero pamilyar siya sa'kin.
"Baka artista." Sabi ko nalang sa aking sarili.
"Aiden, you should go to France. If you want to know how is she or what is she doing then man up!" Sabi nung babae at halatang naiirita na siya sakanyang kausap.
After niyang ibaba ang kanyang phone ay nagkatinginan kami. Hindi ko alam pero parang gulat na gulat siya sa'kin kaya naman inayos ko ang aking sarili at umusog dahil baka gusto nyang umupo.
Habang umuupo siya ay pinagmamasdan niya parin ako. Namumutla siya at parang may gustong sabihin.
"May mali ba sa itsura ko? Sorry, sa kabilang kumpanya kasi ako."
"Bella?" Sabi ng babae.
"Nope. I'm Lou-" Hindi pa ako tapos magsalita ay bigla niya nang hinigit ang braso ko.
"Buhay ka?! Paano? Nakita kita. Nandoon nung oras na 'yon." Hindi siya mapakali at nanginginig na siya habang nagsasalita at nag aantay sa sagot ko.
"I don't know what you're talking about." Ngumiti ako sakanya at inalis ko ang kanyang kamay sa aking braso. Sobrang higpit ng pagkakahawak niya dito kaya naman nagusot ang suot kong long sleeves na polo.
"Really? O nagpapanggap ka lang?" Hanggang ngayon ay napaparanoid parin siya at hindi ko alam ang gagawin ko para pakalmahin siya.
"Oo, siguro namalik mata ka lang."
"Lourisse!!!" Nakita ko si Steph na kumakaway sakin kaya naman nagmadali pumunta sakanya. Nginitian ko lang ang doctor na babae at nagpasya na umalis na kasama si Steph.
"Sino naman ang kausap mo?" Tanong ni Steph pagkatapos namin kumuha ng Grab.
"Hindi ko kilala pero namalik mata ata siya. Ang weird nga eh."
"Eh mukha ka kasing artista o baka marami kang kamukha. Pero sure ka ah? Mamaya mayroon ka palang hindi sinasabi sakin?!" Ani Steph na may halong pagdududa.
"Bahala ka nga d'yan." Sabi ko kay Steph at sa wakas ay natahimik din kami.
Papunta kami ngayon sa SM Aura para kumain. After kumain ay namili na rin ako ng mga dapat kong bilhin. Si Steph ay nauna na dahil ang plano lang naman namin ay kumain after nun ay babalik na siya sa opisina niya.
It was a relaxing day although something weird happened earlier. Di bale, 5PM na so magjojog na ulit ako sa Park.
Habang nagjojog ako kay hindi ko mapigilang mainggit sa mga taong nagjojogging kasama ang kanilang pamilya.
"Ano kayang feeling nun?" Sabi ko sa aking sarili. Ngunit ilang segundo ay may sumagot na rin sa'kin.
"I also wonder how it feels too." Boses ng isang lalake ang narinig ko.
Pagkatingin ko sakanya ay alam kong familiar siya. Ang aso niya ay dala niya at kilala ko ito.
"Seth!" Agad agad akong umupo upang hawakan ang aso pero nalimutan ko na hindi nga pala kami close ng may ari.
"I'm Lourisse. You?" Tumayo ako at nilahad ko ang aking kamay upang makipagshake hands.
"Zeon." At hinawakan niya rin ito bigla.
Ang lambot ng kamay niya at ang kinis ng balat niya. Halatang kutis mayaman.
"So lagi kang nagjojogging dito?" Tanong ko habang naglalakad kami.
"Yeah. Masarap kasi tignan ang sunset tsaka nakakarelax." Sabi niya sabay tingin sa araw na malapit na lumubog.
"Same pala ta'yo. I like the sunset too especially when you're on the beach." Sabi ko habang nakangiti.
Bigla nyang tinanggal ang face mask niya at doon ko na nakita ang mukha niya.
"Do.. Do I know you?" Tanong ko habang nakatitig ako sakanya.
Biglang tumahol at tumalon si Seth sobrang saya dahil nakita niya ang mukha ng kanyang amo. Kanina pa ito tahimik ngunit sumigla siya lalo nung ngumiti si Zeon.
May itsura si Zeon at halatang kung sino man ang girlfriend niya ngayon, ay maswerte dahil may pagkaforeign ang looks niya pero makikita mo parin ang Filipino blood sakanya.
Dark brown ang kanyang buhok, ang mga mata niya ay kulay tsokolate naman. Matangos ang kanyang ilong at mayroon siyang dimples. Ang labi naman niya ay mapupula. Sobrang kisig niya at hindi ko inasahan na ganito ang itsura niya.
"Artista ka ba?" Tanong ko sakanya.
"Nope. Why you'd ask?" Bigla niya akong nilingon after laruin si Seth.
"I don't know. Sorry for asking." Ngumiti nalang ako sakanya tsaka nagjog na. Pagkatapos kong mauna ng onti ay inintay ko siya. Kinalaunan ay sabay na kami nag jogging.
"I should go. I have a lot to do after this. I'll see you more often, Lourisse?" Sabi niya habang nakangiti sa'kin.
Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin niya dun kaya naman ngumiti nalang ako. Pinaardar niya na ang kanyang sasakyan at si Seth naman ay nakatingin parin sakin.
Pagkatalikod ko sakanya ay di ko maiwasang maweirdan sa sinabi niya. See you more often? Hindi kaya kami close nun. Bahala nga siya dun pero I have to admit,
the sunset is really beautiful today.
BINABASA MO ANG
Us, Over Again.
RomanceIt might take years, but what's meant to be will always find its way.