II.
Sa section namin halos mga babae kaklase ko. Kulang nalang maging babae din ako. Minsan naisip ko din na pano kung magbakla ako? Ay mas okay kung mamakla nalang ako. May boyfriend nako, may girlfriend pako, partida may instant wallet pako. One of the girls ako sa room, malapit kase ako sa girls, wala ng choice kase mga babae kaklase ko e, kaya payo ko, kung gusto mo ng maraming chics, at gusto mo silang solohin, dun ka sa section na konti yung lalake. Witty very very. Malapit na din ako mapagkamalang bakla kase nilalagyan nila ako ng make-up, kilay goals kame ng mga beshy beshy ko, iba talaga kapag on-fleek. Liptint or matte lipstick ang panlaban ko, para kissable lips.
Kaya naman minsan nako natanong ni mama, kung lalake na ba dadalhin ko sa bahay kase ni-isa na babae wala talaga akong dinala sa bahay. Syempre gusto ko yung ipapakilala ko e yung babaeng sigurado ako. Kaya tsumetsempo pako kung kelan ko dadalhin sa bahay si crush. Syempre yung andun si mama, baka marape pako ng crush ko. Di nya naman kayang panindigan. You know, I'm saving my virginity para sa honeymoon namin ni Liza Soberano. Siguro nga no, nakapagpa-I.D. nako ng senior, virgin pa din ako.
Sa AOM (yung section namin) bilang lang lalake sa room, yung iba kase kaklase na din namin gf nila, kaya di ko sila nakakasama kase jowa nila tinatabihan nila, lahat nga sila don may jowa. Syempre ako din naman taken na...
...taken for granted.
*emote*
*basang basa sa ulan effect*
*insert background music*
Hayyy. Moment ko 'to.
Asan na ba si heart?
Heart yakapin mo ko!
May mga niligawan naman ako dati, pagtapos namin magbreak ng ex ko. Ang sama pakinggan pero honesty is the best policy kase diba? Pero I feel so harassed. I am sexually abused sa mga isip nila. Kahit wala akong abs, alam ko sa sarili ko na atleast mas masarap ako kela Piolo Pascual, Coco Martin, Jericho Rosales, ugh. Partida hindi pako nag-gym sa lagay na 'to pero niyayaya ako ng mga girls. Ilan girls na tinanggihan ko, strict kase parents ko.
Whoo! Pogi problems.
Simula nung namroblema ako, nauso tuloy yung pogi problems. *hangin*
Pero ilusyon ko lang syempre, walang ganon, pero may mga manyak din na babae dyan, ingat lang mga brad. Girls ingat din, kase matulis din yang mga yan. Di mo alam, tinututukan ka na pala. Di natin sureeeee.
May 2days, may ilang weeks din akong niligawan pero 6months pinakamatagal kong ligaw, at wala siyang malay na nililigawan ko pala sya. Lately niya lang nalaman nung tumigil nako magpakita ng effort sakanya.
Well ganito kase yan brad, another tip para sa pusong hindi marunong mainip. Para iwas rejection sa nililigawan mo, unang una sa huli, huwag na huwag mo ng tatanungin yung babae kung pwede ba mangligaw. WAG NA WAG PRE! Isipin mo ha? Isipin mo 'to gamit ng ulo mo sa taas, saka na yung sa baba. Dun sa tanong na, "Pwede ba mangligaw?" sabay manyakis smile no, putek brad, pwedeng pwede kang sagutin ng, "Hm, bawal pa kase ako magboyfriend, wag nalang siguro," pwede din sabay bitaw ng straight to the point na hindi. Kase di ka nya type. Di ka pa naguumpisa wala na agad. Utakan mo syempre. Total sigurado ka naman na gusto mo siya as in talagang talaga na yung wala halong duda, e dapat rekta mo na syang ligawan. Kahit hindi niya alam, malalaman niya din yan, kapag 1year na mahigit at hindi niya pa rin alam saka mo pukulin ng bulaklak at chocolates at sabihin mo sakanya na isang taon na syang bulag at manhid, kapag hindi yan umaray at nagalit, pre manhid talaga yan. Baka paralyze pa kalahating katawan nyan, intindihin mo nalang.
At kapag naging kayo, at surebol kana din na sya yung babaeng pang habang buhay mo, wag ka na din magtanong ng "Will you marry me?" suot mo na agad yung singsing tas sabihin mo, "You will marry me," sapilitan na 'to. Dejk lang syempre.
Risky doings 'no? Pero tulad ng sa motto ko, pano mo malalaman kung di mo susubukan. Dapat risk taker ka, good man, bad man, hard man, superman, chicharon na malaman, suman at kung ano pa man na challenges na dumaan man, don't give up man. Sabi nga dun sa nabasa ko, it's difficult to wait but worse to regret. Kaya atensyon mo, presensya mo, oras mo, effort mo, ikaw mismo, pati pagmamahal mo, sama mo na rin kulangot mo, kapag di ka pa nakuntento damay mo na muta mo paggising mo, pati panis na laway mo dapat ibigay mo. In short, bigay mo best mo, at kung pumalya, it's their loss, di nila narealize worth mo e, kaya sila yung manghihinayang, basta basta ang importante pinakita mo at napatunayan mo sa hirap at ginhawa, labis at walang kulang, achievement na yon. Kaya dapat madiskarte ka para less palpak din. Worth the try din naman kase ginawa mo sa taong gusto mo hindi sa taong pinagtritripan mo.
Ligawan mo din hindi dahil gusto ka nya, ligawan mo kase sigurado kang sya na, at gusto mo sya.
Panisss.
Pero sa crush ko, hindi pwede e.
Pero basta masaya ako sa tuwing napapasaya ko siya.
At para saken ayun yung mahalaga.
Lalo na importante siya.
Susugal ka nalang dapat sa taong sa tingin mong worth the try.
Hindi sa taong masarap i-try.
Basta may puso, hindi susuko!
Damn.
-
BINABASA MO ANG
Until When
Teen FictionCollege is one of the stepping stone to achieve your dreams. It happens to be something that would expand your knowledge and enhance your skills for your chosen course. Dito ka mababaliw sa kakaaral pero dos pa din ang ibibigay ng prof mo. Hindi mo...