A/N: Nangangapa ako ulit sa paggawa ng story.
-x-I.
Sincerely and deeply pero not madly yet truly but surely inlove with the most special person na hindi ko ineexpect sa buong 20years kong paghinga sa mausok na Metro Manila, ay ito parte na din ako ng grupo ng mga tanga, at sa wakas natuto na din ako sumugal.
Hindi naman sa tatanga tanga pero tanga na talaga, wala e. Mahal ko. Pero tanga ba talaga agad yun? Hmm.
Life has taught me many lessons but with those lessons syempre nakaranas din naman ako ng blessings galing sa taas (Papa G, the best ka talaga as always). Di nga lang malaman if yung babae na yun ay blessing o lesson, pero either of the two for sure ikinasaya ko 'to. Walang halong pagsisisi at pagdududa.
Sabi nga ng mga kosa ko, as said in the movie, "pag nakatikim ka ng pagasa ang sarap umasa..."
Sabi ko naman, kung ganon ang sarap pala maging tanga. Pano kase, sabi nila pag nagmahal ka, instant tanga ka. E masarap magmahal kaya masarap maging tanga.
Onga pala, hindi ako kagwapuhan, pero siguradong cute lang ganon. Pinagkaitan man sa height bawi naman sa mukha. Hindi na masama ang 5'4 hindi man pang foreigner, atleast mas matangkad ako sa papa ko. Palag na bes. Hindi kana lugi dito.
Walang pera pang-gluta pero maputi. May pimples pero mabilis magreply. Hindi naman ako masipag, pala utos lang talaga si Mama. Average student with a good heart. Nangangarap at pinapangarap, ganyan kakapal ang mukha ko pero hindi ang kilay ko. Hindi man kasing tangos ng ilong ni Zac Efron, atleast hindi pango tulad kay Vhong Navarro (no hate, just love). Pero idol ko sumayaw yan sila Kuys.
Motto in life? Bukod sa time is gold. Minsan kailangan mong matutong lumingon sa pinanggalingan dahil baka meron kang naiwan. Dejk. Mais ako don. Ito... Ang life walang kasiguraduhan, pano mo malalaman kung hindi mo susubukan. Boom it rhymes! 1-2-3, a-b-c!
Ambition in life? Uso pa ba yon? Basta ang alam ko follow your dreams sabi ni mama. Kaya ayun nakasunod ako kay crush. *kilig* pakiss nga crush!
Daig na slum note a? Hm, from describe yourself to ambitions nasabi ko na, pano naman yung describe your crush? (Shet)
Si crush ay isang tao na pinaglihi sa baboy. Take two! Si crush kase maputi, maputi sya para sa baboy, pero may baboy na maputi diba? O baka sya nga yung nakita nyo. Si crush, ayun maganda, masipag kumaen, peppa ng classroom, cute din sya (bagay talaga kame), kaso nakakatacute din kapag nagsusunget na. Well, clingy sya, pero sa lahat (hahahatanginishahaha) tapos mabait sya, lalo na pagtulog, kase kapag gising sya, ang sadista e. Akala mo nilahian ng kamao ni Pacquiao, kaya hinahamon ko lagi ng suntukan yon, kaso takot. Wala e, hindi makapalag, pano takot akong saktan sya, ako yung hindi pumapalag (sweet puta) hahaha. Tapos may tanong sa commercial ang sabi, para kanino ka daw bumabangon? Dati para sa baon. Ngayon pati na din sa inspirasyon. Panissss! Malandi pakinggan pero atleast sakanya lang. (Loyal)
Sophomore year ko na ngayong college, which means ito na yung ikalawang taon ko ng pagdurusa para sa diploma para maging proud si mama. Nagaaral ako sa isang eskwelahan na nasa pagitan ng Mandaluyong at Taguig na katabi ng Ilog Pasig. Kumuha ako ng kurso na malayo sa aking gusto na under ng Business Administration. Para maiba syempre, gusto ko kase yung may bago akong natututunan. Kaya kumuha ako ng course na wala sa mga binalak ko.
So ayun, I'm not an accounting major pero sana journal entry nalang tayo para laging may date.
Hm, mas okay pala kung "Liabilities" mo nalang ako, para obligasyon mong ibalik yung pagmamahal ko. Panisss!
Witty ko diba?May learn din ako sa finance, di naman papatalo major nila when it comes to hugot. Kase sakanila, "higher risk, higher return," pero bat sayo ang dami ko ng na-risk pero wala man lang return? *sobs*
Pero hindi na mahalaga yun, kase ang tunay na halaga para saken is like this: isa kang pera, kase may value ka. (Kiefer tiklop!)Corny din pakinggan 'to, pero Corporate bonds ka ba? Kasi kahit risky, willing pa din ako ako mag-invest sayo. #financeknows
I kennat, diz iz it pancit.Kada majors may kanya kanyang linya yan, pero hindi din naman ako Marketing student but kaya kong differentiate ang stated needs sa real needs. How? Ganito yun, minsan kase iba ang binubulong ng isip (stated needs) sa isinisigaw ng puso (real needs), ohaa! Sa dinami rami ng sinabe ko, sa OM din pala ang bagsak ko.
Office Management, dyan ako pupulutin. Pero ibabandera ko itong kurso ko, dahil magmahal ka ng OM major, kase ang stenography nga iniintindi namin, ikaw pa kaya?
Whoop.But I used to be an HRM student, nag-shift lang ako dahil sa financial problem, di na kase kaya ni mama yung expenses lalo na wala na si papa. I lost papa after graduation ng senior high ko. Pinatapos nya lang talaga sabay nagLet go na.
Ako? In between ng panganay at bunso, pwedeng panganay pwede din bunso, pano kase only child lang naman ako. Masusundan sana kaso nalalag si baby nung 2mos palang, may kapatid sana akong tinotorture ngayon. Sayang no? Pero imagine, hindi naman pwede saluhin yung fetus pagnalaglag tapos ibabalik sa uterus ulit ni mama, kung ganun lang kadali diba?
May negosyo naman kame, doon kumukuha ng panggastos si mama. Ayaw niya nga ako ipag-working student kase kaya niya pa naman daw. Sayang naman extra income diba? Sa tigas ng ulo ko, hindi sa baba pero yung ulo ko sa taas, ayun patago akong nagsideline.
Walang kamalay malay si mama. Hindi nya alam bakla ang anak nya. Ang ganda pa naman ng pinangalan nya saken, tunog pogi, Kiefer Patrick Santiago, kaya naman Patrick sa araw, Patricia sa gabi, tuwing lunes yan saka martes. Kapag Wednesday naman nakaduty ako sa Pasay, sa club ako namamasukan, isa akong macho dancer. Sinasayawan ko yung mga malalanding babae. Pahinga ko na yung Thurs at Fri, pero trabaho ulit ng weekends. Hindi madali ang weekends ko, imbis kase na araw ko yun para gumawa ng assignments, nasa mall ako, trabaho ko? Taga-bilang ng tao sa mall. Hindi biro yung nakaabang ka sa pinto ng mall at nagbibilang ka ng mga pumapasok sa mall. Pointless ba ng sideline ko? Wala naman totoo dyan sa mga yan kase masunurin akong bata. Sinunod ko si mama dahil ayoko maging pasaway sakanya. Naisip ko lang naman yan, malay mo naman diba, legit din. Ayaw ako mapagod ni mama kaya ayoko rin mapagod sarili ko. What if lang naman kung ganyan talaga work ko diba, hahaha.
Basta ang utos ni papa, mag-aral. Kaya studying is my priority first, maling mali ang grammar pero basta sa tagalog version ng kabataan ngayon, aral muna sabay landi. Total walang sinabe si papa na bawal lumandi e.
Hayyy. Miss ko na si papa.
Kamusta na kaya siya?
Alam ko naman na, okay na okay si papa don.
Pangako ko pa, makakapagtapos ako basta ipangako mo din na hindi mo ko kakalabitin.
-
BINABASA MO ANG
Until When
JugendliteraturCollege is one of the stepping stone to achieve your dreams. It happens to be something that would expand your knowledge and enhance your skills for your chosen course. Dito ka mababaliw sa kakaaral pero dos pa din ang ibibigay ng prof mo. Hindi mo...