VIII.
"Kieferrrr, uy gisinggggg," may yumuyugyog saken.
Pagkadilat ko, di ko alam kung namalik mata ako, "Pano ka nakapasok ng kwarto ko?" tanong ko.
"Pinapasok ako ng mama mo, mukha ba akong akyat-bahay?" tanong niya.
Si Sofia, pinuntuhan niya ako, "Bat ang aga mo naman? Anong oras palang *tingin sa wall clock* 7:29am palang kaya," sabi ko.
"Ongaaa, tara samahan mo ko," hinihila niya ko patayo.
Lakas ng tama neto, "Saan? San tayo pupunta? Di pako naliligo."
"Basta samahan mo ko, may pupuntahan tayo, daliii naaaa," pumunta siya sa may cabinet ko, kinuha niya yung towel ko saka yung tshirt ko pati brief ko saka yung pantalon na nakahanger, sabay binato saken.
Tinignan ko mga pinagbabato niya saken na damit ko, "Pati ba naman brief ko ikaw pa namili? May pang-wednesday kaya ako," biro ko.
"Bihis ka na, kahit walang ligo ligo, ang bagal bagal moooo."
"Sige naaaaa, ito na poooooooo, nakilos naaaaa, dyan ka lang ha, wag kang mangboboso, manyakis ka pa naman," pang-aasar ko.
"Edi wow, ako pa talaga ha? Dali naaa! Ang ingay ingay mo, kung kumikilos ka na diba?"
Naligo nako lahat lahat, nakapagasikaso, nag-wax, nagpabango and everything and all...
"Tara na sunget!" sabi ko.
"Amoy chocolate ka nanaman, ang tamis talaga ng pabango mo e no? Baka langgamin tayo habang naglalakad," biro niya.
Tinignan ko lang siya, tas sinuntok nanaman ako.
Lumabas na kame ng bahay, wala naman si mama, kaya lumabas na kame ng dire-diretso, hindi ko alam kung san niya ako dadalhin, pero nakakapit lang siya sa braso ko, "Kinikidnap mo nanaman ako, aminin mo na kung ire-rape mo ko, di kita kakasuhan."
"Baboyyy moooo."
"Mas baboy ka," inasar ko, kaya ayun sinapak nanaman ako.
Tas nasa tapat kame ng simbahan, tinignan ko lang siya, hindi ko alam kung bakit dito niya ko dinala, tinitignan niya lang yung simbahan, "Ano meron dito? Magsisimba ba tayo?"
Hinila niya ko sa loob, habang naglalakad kame kinakausap niya ako, "Gusto ko kase magpasalamat na nakilala kita, kung hindi dahil sayo baka mas problemado ako ngayon."
Napatingin nalang ako sakanya non, wala akong masabi. Tas nag-sign of the cross siya pagpasok na pagpasok namin ng simbahan, tinignan ko lang siya non. Pinapanood ko lang mga ginagawa niya non.
Hindi ko naman naririnig yung prayers nya pero pareho kame nakatayo, siya nagdadasal, ako nakatingin pa din sakanya.
Nag-sign of the cross na din ako.
Ayoko pumikit.
Gusto ko makita itong moment na 'to.
BINABASA MO ANG
Until When
Teen FictionCollege is one of the stepping stone to achieve your dreams. It happens to be something that would expand your knowledge and enhance your skills for your chosen course. Dito ka mababaliw sa kakaaral pero dos pa din ang ibibigay ng prof mo. Hindi mo...