Chapter 11

20 1 0
                                    

XI.



Pagkagising ko, sinilip ko agad yung phone. I left her a message before I went to sleep.

Chat convo...
Ako: "Sofia, Fia, Taba, Crush kita, whoop! 😍 Happiest birthday! Kakabente mo palang pero sana sana, tuparin mo lahat ng dreams mo. Study hard, kahit study nalang hard kase talaga siya. Hm, ingat palagi saka Godbless, pray always. Sana napasaya kita kahit sa ganyan lang, sana nagustuhan mo, sana ma-appreciate mo yung gawa ko at yung tulong nila. Alam ko may lakad ka tomorrow, keep safe okay? Breakfast ka paggising mo, chat mo na din ako, namiss kita ng sobra. Di ko akalain na yayakapin mo ko kanina, nagulat ako talaga hehe. I only wish the best for you po. Thankyou sa food, thankyou thankyou. Smile lang always, happiness is the only thing that matters the most kaya enjoy lang po, isantabi mo muna mga emote mo. Again, happy birthday taba! More birthdays to come. 3words I couldn't say but atleast I know God knows. Hm, sleepwell ha, pagod ako e. Goodnight po." (sent 10:56pm)

I was very glad to see na may mga notifications ng messages nya para saken. Ganda ng gising ko, ito agad bumungad sakin. Napapangiti nalang ako habang binabasa yung mga chat nya saken kagabi at itong good morning message nya kanina. Ganito lang naman ako kiligin, pangiti ngiti lang, basta sa ngiti ko mahahalata mo na.

Well yung iba kase pambihira, tulad na lamang ni Yani. Akala mo spartan kung kiligin, tipong ang effort maghanap ng gamit na babatuhin sayo kase tuwang tuwa si gaga sa sobrang kilig, di pa yan kuntento sa ganon, madalas nanabunot pa.

One time, nasa mall kame, dumaan lang si Enrique Gil, di ko pinansin nung una e, di naman ako mahilig sa artista kase, unless kung si Liza Soberano ka tas nakita kita? Siya talaga crush ko saka si Anne Curtis, tapos ayun nga balik tayo sa kung-pano-kiligin moments ng pinsan kong tukmol, pagkatingin ko sakanya nung dumaan na sa harap namin si Enrique ayun may sumalubong na shoulder bag sa mukha ko.

Kaya sa tuwing may mall show si Enrique Gil at pinipilit niya akong sumama? PASS AKO! Ayoko samahan si Yani, baka next time si Enrique na lumipad sa mukha ko.

*riiinggg*




*riiinggg*




*Ivan calling...*




Ako: "Hello pre?"
Ivan: "Pre busy ka? May favor sana ako e."
Ako: "Ay onga pala, kunin mo na ba pera mo?"
Ivan: "Hmm, sige sige, kita tayo sa MOA mamayang gabi sana, may paguusapan lang tayo."
Ako: "Sige pre, tungkol san?"
Ivan: "Basta basta, maya nalang."

*end*

Problema non?


Wala naman akong naaalalang atraso, baka may kailangan lang siguro.

Same routine every Wednesday, kakaen sa umaga, maghahanda ng tanghalian, tapos aalis nako pagkakaen ng lunch, "Anak baka tanggapin ko na yung 3-4months na offer sakin ng Auntie Babes mo," si Mama pinuntahan ako dito sa kusina, naghuhugas na kase ako ng pinggan.

Napagusapan na namin 'to ni mama, mawawala siya sa bahay ng tatlo hanggang apat na buwan, ayaw niya sabihin kung anong trabaho pero kung ano gusto ni mama support nalang ako, "Kelan ka naman babalik ma?" tanong ko.

Nagbibilang siya sa daliri, "Baka umuwi ako dito ng October, si Yani naman makakasama mo dito sa bahay."

October?

Until WhenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon