Chapter 5

37 3 0
                                    




V.





Taray, tumatawag siya saken o. May kailangan siguro 'to. Sinagot ko na yung cellphone...


Ako: "Hello po?"

Crush: "Wala lang, may ginagawa ka?"

Ako: (Kapag sinabi kong wala, hindi ako makakakaen neto) "Meron po, andito po kase kame sa Laguna kasama pinsan ko saka tita ko po."

Crush: "Aa, ganun ba? Ano naman ginagawa mo?"

Ako: "Ito bukod sa kausap yung crush ko, (yieeee) kakaen po, dito kame sa Jollibee e."

Crush: "Leche, sige naaa, kumaen ka na muna diyan. Tawag nalang ako mamaya."

Ako: "Sige po, ito na kakaen na."

Crush: "Sige sige, pakabusog ka."

*end of call*

Ako: "Iloveyou po."


Non-sense din no? Tapos na yung call pero may pahabol pa ako, hayyy. Tatawag ulit? Pang-ilan beses nya ng sinasabe sakin yan pero di na tumawag ulit. Napaka-paasa talaga netong babaeng to e, papaihaw ko na 'to. Ilang beses niya ng ginawa yan saken, yung tatawag pero namuti na mata ko kakahintay at kakatingin sa phone, wala ng tawag na dumating. Kukurutin ko talaga taba non e.

Bumalik nako sa loob at kumaen, inaantay nalang nila ako matapos, binilisan ko na din. Kuha, subo, lunok, repeat. Pero joke lang syempre, may nguya nguya naman na kasama. Subukan mo kayang kumaen ng hindi ngumunguya tignan ko lang mangyare sayo.

Maya maya naubos ko na, oo naubos ko yung dalawang manok at dalawang kanin. Kaya hindi nako magtataka kung wala akong abs. Ang sarap sarap kumaen pero mas masarap ako.

(a.) Bumalik na kame sa sasakyan, at (b.) yung sasakyan binalikan namin.

Pili ka nalang sa dalawa. Bakit kase ang hirap magtagalog? Mali mali pa din grammar kahit pinoy kana.

It's very very complicated you know.

Ayun, balik sa biyahe. Siguro mga 15-25mins nalang ang layo namin, kasama na traffic don.

Habang nagdadrive papunta sa resort medyo malapit na malayo pa kame sa Miramonte Village, si Tita may kausap sa phone, si Yani nakayuko. Baka nagdadasal. Pero walang nagdadasal na naghe-headbang. Ano? Rakrakan sila ni Lord?

"Patrick wag mo kalimutan tawagan mama mo mamaya ha," si Tita.

"Opo Auntie, tatawagan ko yun, alam kong miss na miss nako nun agad."

Well, ito malapit na kame. Konting tumbling nalang, touchdown resort na.

Hmm, dami nakapark a? Mukhang dinala buong barangay sa resort.

"Yani, gising na tukmol..." niyugyog ko.

Pinakyuhan lang ako tas natulog ulit.

"Yani! Ibaba mo mga gamit!" sumigaw na si Tita, biglang nagising na ng tuluyan yung tukmol.

"Di mo sinabe andito na pala tayo," nanisi pa.

Until WhenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon