III.
So ayun, I was and still in love with this piglet. Malas nga lang, tsumempo ako sa may boyfriend na. Classmate ko sya, ewan ko pero hindi ko talaga alam kase I really don't know, na malay ko ba, basta this is so hard. Hindi ko alam bigla ko nalang siya naging crush. Tinamaan bigla 'no? Siguro? Ewan malay. Hirap naman iexplain neto, basta tulad kay John Lloyd love at first sight e, pero kahit sa second sight, ayun talaga at ilang sight pa. Naiintindihan ko na si Toni Gonzaga, na tinapay lang naman hinihiling ko kay Lord pero cheeseburger 'tong binigay niya, 100% pure pork pa. Well, friends naman kame, pero hindi pangkaibigan ang turi ko sakanya e. Kung tutuusin para na din niya akong mangliligaw dahil sa mga asta ko, effort kung effort ba naman e. Special nga kase sya para saken bat ba. One thing that made me so interested with her kase sa buong buhay ko mula sa fetus palang ako, hindi pa ako umaamin sa isang babae na crush ko sya, crush niya na din pala ako. Yung ganito? Yung crush ka din pala ng crush mo, yun yung ibig ko sabihin. Di ko naman alam na tatablan sya ng kapogian ko, sabi na e, chic magnet 'tong mga mata ko.
Yung iba kase ewan ko ba, crush mo pero hindi ka crush, or crush ka pero hindi mo crush, minsan naman, crush mo pero nalaman lang nila na crush mo din, crush ka na din bigla sabay nalingat lang na may mas lamang saken ng tatlong paligo, ayun na bigla crush nila. Tirisin ko kaya yung mata. Gigil ako e.
Balik tayo sa crush ko, na love love ko, yieeee *kilig* puta bakla na kung bakla, hindi lang ako sa ihi kinikilig, pati na rin kay crush. Hm, di ko naman pinipilit maging kame, at kung saka sakaling mangyare yun kahit malabo talaga, ilalabas ko lahat ng kayamanan ko at magpapakaen ako sa barangay namin, at kapag nakaen ako ng barangay namin, siguradong wala nako. Sama pakinggan no? Magpapakaen ako, tas nakaen nako. Pero ayun nga, ako na ang pinakamasaya at maswerteng tao sa balat ng kagwapuhan.
Hindi naman kase masama mangarap diba?
Di man kame umabot sa ganong punto, atleast naman, napakita ko at napatunayan ko sa kanya at nakita din ng mga kaibigan nya kung gaano sya kahalaga at importante para saken, at saksi ang mga beshy beshy ko sa mga effort na nagawa ko para sakanya. At wala ng tangang lalake gagawa non, kundi ako lang, ako lang, ako lang dapat hahaha, ang swerte nya, kulang ang edsa para sa buhok niyang saksakan ng haba.
Kung tutuusin, kame na...
Pero sa panaginip ko lang syempre.
Galing ako sa school kahapon, General Assembly ng department namin. Kinuhaan ko siya ng litrato ng patago. Ipopost ko lang sa private blog account ko, pero biglang may pumasok ng kwarto ko.
"Keeps tara na! PaBlog blog ka pa, ang baduy mo! Bakla ka talaga!"
Si Yani, yung pinsan kong tukmol.
Nilingon ko sya, "Nagmomoment ako, panira ka talaga ng pantasya ko."
Nagulat sya sa sinabe ko, yung mukha nya biglang di maexplain, "Manyakis ka talaga, ang aga aga mo gumawa ng mahiwaga a, pakboy ka talaga ng Metro Manila."
Nagulat naman ako kase diba nga nagmo-moment ako magkwento ng pantasya ko? Na kame na ng crush ko. Pantasya yun diba?
"Atleast ako lang ang pakboy na virgin pa, saka pwede ba, ang dumi ng utak mo, kung babaran kita ng zonrox dyan para matanggal yang mantsa sa isip mo," sabi ko.
"Lakas ng loob ha? Hindi ka nga marunong maglaba bubuhusan mo pako, mamaga pa kamay mo, konsensya ko pa," pangaasar ni Yani.
Tinitigan ko nalang sya, syempre yung mukhang fierce with pouty lips.
"May holy water sa altar, baka gusto mong inumin ng mabawasan yung dumi ng utak mo," suggest ko.
"Kiefer Patrick Dela Costa Santiago, wala na bang mas tatagal sa kalandian mo? Aalis na tayo kupal!"
G na g si Ate o.
Amazona.
Fierce.
Rawr.
"Easy, may inuupload lang ako, susunod ako."
Lumabas na sya ng kwarto, aalis kase kame ngayon, may outing sa Laguna, Family reunion ng mga Santiago. Hindi sasama si Mama, walang magbabantay kay Basha.
Oo si Basha.
Hindi ko alam kung bat Basha pinangalan sa aso na yun.
Hindi ko naman alam na Bea Alonzo beauty pala yung aso ko.
"Patrick, ikaw nalang magdrive, puyat ako, matutulog ako sa biyahe," si Tita Babes.
"Sure Auntie, maliit na bagay."
"Bat hindi nalang ako? Lagi nalang ba wala ako sa options mo ma? Kelan mo ko pipiliin?" singit ni Yani.
"Heh, manahimik ka."
"Pogi lang kase pwede magdrive, mukha ka namang lalake Yani kaso hindi ka pogi," pangaasar ko.
"E kung ganon, sana sinundan ko nalang pala yapak ni Aiza, kapag hindi pa ko nakuntento, Jake Zyrus na!"
Gago talaga 'tong babaeng 'to.
"Gaga, edi sana hindi ka nagpapabili sakin ng bra at panty," biro ni Tita Babes.
"Alam mo ma, dapat brief nalang pinabili ko nung nagdivisoria ka, hindi ko rin naman mapakinabangan yung bra na binili mo--"
"Pano kase wala namang kakapitan, pero lagi mong pinagpipilitan," singit ko.
Okay nga yung flatchested e, kase kapag may problema ka, dalawang likod masasandalan mo.
"Oy wala kang ebidensya, nagiilusyon ka nanaman ng boobs dyan, malibog ka talaga, pakboy pakboy!"
Konti nalang bibigwasan ko 'to. Reregaluhan ko 'to ng foam sa debut nya. Nahihirapan kase ako i-distinguish kung san yung hinaharap niya e.
Palabas na kame ng bahay, nakapagpaalam na rin kay mama pati kay Basha. Naakyat na rin lahat ng gamit sa likod ng sasakyan. Okay, roadtrip na.
9am, partly cloudy, walang traffic.
Habang nasa biyahe, south super hi-way, dinig mo na ang malakas na hilik ni Tita Babes. Si Yani biglang nagtanong...
"Keeps, may tanong ako?"
"Kung may pera ako, wala."
"Hindi yun keeps, marami nako non."
"Pamahagi mo naman kayamanan mo."
"Leche. May tanong nga kase akoooo!"
"Ano ba yunnnn?"
"Sagutin mo ha?"
"Parang timang si Yani, tukmol ka talaga e."
"Hindi ka ba nanghihinayang?"
-

BINABASA MO ANG
Until When
Novela JuvenilCollege is one of the stepping stone to achieve your dreams. It happens to be something that would expand your knowledge and enhance your skills for your chosen course. Dito ka mababaliw sa kakaaral pero dos pa din ang ibibigay ng prof mo. Hindi mo...