Chapter 4

28 3 0
                                    

IV.



Matagal ko ng pinaghandaan itong Q&A portion, mga tanong na nakaka-curious.

"Saan?" I asked.

"Sa 2years and 11months?"

Napatingin ako kay Yani saglit. Sakto, may stoplight kase, Bangkal palang kase kame banda. May traffic light pa dito banda.

*red light*

"Kay Shai, nanghinayang din naman ako," sagot ko.

"Hanggang ngayon?"

"Dati syempre, ngayon naka-move on nako saka ang nakalipas ay nakalipas na. Hindi na dapat balikan."

*green light*

"Ganun? Mahal mo pa?"

"Hindi na, may mahal nakong iba e."

"Sayang naman pinagsamahan nyo," tinignan niya ko ng seryoso.

"Yani, alam mo, wala naman sa tagal ng pinagsamahan yan. E pano kung wala na talaga, tas pinipilit nyo pa, pero di na talaga kayo masaya, ilalaban mo pa ba?"

"Kung sabagay, hindi na masaya e, mas malala kung baka mamaya memories nalang naghihila sainyo, wala ng love. Akala nyo mahal nyo pa yung isa't isa yun pala, dahil nalang sa memories."

"Kuha mo din pala point ko e, basta kung pano kase yung pakikitungo at kung pano nyo itrato ang isa't isa. Baka kase hindi talaga kayo, pero pinagpipilitan nyo, mas lalong hindi magwowork, kase kung kayo, kayo talaga."

"E pano naman kung balikan ka nya ngayon?"

"Parang gago si Yani, bat hindi nalang si JC pagusapan natin?" yung boyfriend nya.

"Yung sayo muna, malandi ka diba? Mas nakakaintriga kase, baka may matutunan ako, tas pwede ko iaapply samin ni JC."

"Tukmol ka talaga, iba yung sainyo ni JC syempre."

"E pano kung umabot kami ng 2years at 11months ni JC, tas matulad ng sayo. Derek at Angelica Panganiban nga 7years ata pero wala din."

"Hindi yan saka gg! Artista yun e, pero good example, saka ayun nga wag ka manghihinayang sa taon, kase wala sa tagal yan, nasa pagmamahalan yan."

"Kahit pakboy ka, may puso ka din pala."

Kotang kota na sa pakboy 'tong tukmol na 'to e. "Oy virgin pa 'to para maging pakboy, tignan mo pa!"

"Hindi na, gusto mo kayo nalang ni JC magpakitaan, tas balitaan niya nalang ako, hahaha," sagot niya

Napatingin ako sakanya, "Ikaw haaa, kapag ganon ang usapan, tuwang tuwa ka nanaman, malibog ka talaga."

Natahimik din kame, maluwag naman ang daan. Alabang na rin banda, paSLEX na.

Natatameme ako ngayon kase naisip ko bigla ex ko. Siya din kase last gf ko e. Aminado naman ako na gago ako. Sineryoso ko naman sya pero mas siya. Hinihigitan nya pagmamahal ko para sakanya, kaya ang nangyayare di na balance. Mahal na mahal niya ko, siya mahal ko lang.

Until WhenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon