Chapter 10

22 1 0
                                    




X.





Kiefer's POV

Inaabangan na namin si Yani dito sa may tapat ng National Book Store. Hindi mapakali si Ivan, "Okay ka lang?" tanong ko.


"Wala naman pre, di lang kase nagtetext si Ella saken, nakakapanibago."

Mukhang worried talaga, "Baka busy lang, nagjowa ka kase ng Med student natural mahirap kurso nyan, intindihin mo nalang," payo ko.

"Lately kase ang cold niya, medyo di lang ako sanay kase talaga," sabi nya.





Improving si gago, dati yung mga babae sakanya kinakabahan e, ngayon sya na.





"Puntahan ko nalang mamaya sakanila siguro," sabi nya.





Dumating na si Yani, maga yung mata.


"Bat maga mata mo tukmol?" tanong ko.

"Wala na kame," malungkot nyang sinabi.

Hindi nako magugulat sa nangyare, "Bakit? Nahuli mo?"

"Umamin na siya, bat ganon Keeps?"





Sabi na e, iba kutob ko don sa lalakeng yon umpisa palang, wala talaga akong tiwala. Kapag di ko ramdam na okay yung lalake para sa babae, porsyur yun e. Lalake din kase ako, alam ko galawan ng mga yan.





"Sabi sayo e, di yan seryoso si bebe mo, hahahaha bebe ko, bebe ko di na kita mahal bebe ko, break na tayo bebe ko," inaasar ko.

"Pakyu ka talaga kahit kelan."





"Kiefer una nako, kinakabahan na talaga ako e," nagpapaalam na si Ivan.

"Sige pre, salamat ha, bayaran ko next week, di pa kase tapos gastos sa school ngayon e, chill ka lang, easy 300pesos yan next week, patapusin mo lang talaga yung tuesday."





Umapir na saken pati kay Yani si Ivan, then umalis na sya.





"Ano inom na ba tayo?" tanong ko kay Yani.

"Inom nanaman, maawa ka naman sa atay ko, sayo kase lunod na sa alak e. Empi na dumadaloy sa dugo mo gago."

"Hahaha atleast cute ako," sabay pogi pose.

"Ganun? Payag ka Keeps, ikaw pinakacute sa buong mundo?"


Wow, pwede pwede, hmm.


"Oo naman," sagot ko. Di nako magdadalawang isip syempre.

"Pero yung buong mundo hindi payag."


Gago to a, binabara ako. Aasarin ko to talaga lalo.





"Hahahaha atleast andun pa din yung thought na ako yung pinakacute," tas hinawi ko buhok ko pa-brush up.

"Ganda ng break-up namin tanga."

"Pano? Bat ba kase, kwento mo nga, puro ka ganyan e."


"Akala mo pangteleserye, pero pang-low class lang. Sa palengke nga lang kame nagkita, dun sakanila tas nakapangporma pa, akala ko liligawan yung tilapia e."

"Malay mo nga liligawan ka ulit, mukha ka namang tilapia e," pang-aasar ko.

"Kung ako tilapia, ikaw hito ganon?"

"Ang cute ko para sa hito, pero sige pwede na, kesa naman sa hipon na tapon ulo, malilito pa yung tao kung alin ulo yung itatapon saken," sabi ko, tas kinutusan ako, hayyy support nalang ng pambabara, may pinagdadaanan e.


Until WhenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon