XII.
Third Person POV
9:17am na at humihilik pa din si Kiefer, kaya umakyat na ang nanay niya para gisingin siya.
"Anak may pasok ka ba?"
"Madhazbzhljieup... *snores*"
"Wala ka bang klase?" tinatapik tapik na siya ng mama niya pero humihilik pa din.
Tumunog ang alarm clock niya at siya'y nagising at napasigaw ng, "Layuan mo ko! Wal--..."
Nagulat mama niya sakanya at siya rin nagulat, "Andyan ka pala ma."
"Oo ginigising nga kita e, sige na mag-asikaso kana, Huwebes ngayon," tapos umalis na mama niya sa kwarto niya.
Lumipas ang oras, pagkatapos niyang mag-ayos naglakad na siya patungong sakayan at nag-commute siya pagpasok ng school, isang oras ang biyahe niya mula sakanila kaya na-late nanaman siya sa unang klase niya.
Marjorie's POV
"Boy san na si Kiefer? Hindi nanaman siya umabot sa quiz," bulong ko kay Princess, she shrugged her shoulders, matik na hindi niya alam.
Accounting time, pangalawang quiz na namin this week. Lapit na midterms kaasar.
"Ano questions? Gets nyo na ba yung sa ledger? Baka may tanong pa kayo?" si Sir.
11:38am, lahat kame nagbabalik na ng papel. Naglalaro lang muna ako sa phone, "Santiago, gaano kalayo bahay mo?" tanong ni Sir.
Napatingin kameng lahat kay Kiefer, kakadating lang niya, hindi rin kase maganda mood ni Sir, "Sorry sir."
Dumiretso siya sa upuan sa may dulo. Nakita ko MyDay niyan kagabi mukhang galing nanaman si inuman. May picture ng alak sa likod tas may mga kasama.
Natapos na Accounting namin, napansin kong lumabas agad si Kiefer ng room. Nilapitan ko si Abhie, "Boy lakad tayo pa-market mamaya tas daan na din tayo dun may titignan lang ako," inabot niya sakin yung pinahiram kong ballpen.
"Si Kiefer?" hinahanap ni Roxette.
"Nauna na, lumabas sa room agad kanina e," sabi ko.
Lumapit sakin si Regine, "Marjooo meron ka na nung tatlong episode? Pasa mo naman, di pa ako makapagdownload e."
"Buksan mo shareIt mo, kumpleto ko na yung episode nagdownload ako kahapon," tas binuksan niya na yung app niya, sine-send ko na yung files.
Oproc (Office Procedure) na namin kaya magkatabi kame ni Kiefer sa upuan Sanchez saka Santiago, kaya lagi kame magkatabi tuwing alphabetical order ang seating arrangement. Pagkaupo ko, "Boy bat late ka?" tinanong ko siya.
"Wala boy, late lang ng gising."
Suplado ha.
Wala kameng imik buong klase. Nakikinig lang kame sa report. Problema nanaman neto?
"Asan si Caspe?" may hinahanap nanaman si mamshie, yung prof namin.

BINABASA MO ANG
Until When
Teen FictionCollege is one of the stepping stone to achieve your dreams. It happens to be something that would expand your knowledge and enhance your skills for your chosen course. Dito ka mababaliw sa kakaaral pero dos pa din ang ibibigay ng prof mo. Hindi mo...