Chapter 13

15 1 0
                                    

XIII.


Pumunta ako ng salas at nakita ko na si Kiefer, "Kakadating mo lang?" tanong ko.

Nagulat siya nung nakita niya ako, "O, bat andito ka? Si mama nasaan?"

Oo nga pala, bawal sabihin, "Hindi nagpaalam sayo? Umalis na sila ni mama, text mo," bumalik nako sa panonood ko.

Umakyat na siya ng kwarto, nakapagprepare naman sila mama ng dinner namin para ngayong gabi nagsaing na din ako kaya di ko na kailangan magluto ng ulam, kakaen nalang kame.

Inakyat ko na si Kiefer sa taas, bukas ang pinto ng kwarto niya at nandon si kupal nakahiga nakangiti pa nga habang nagcecellphone, "Bago ka kiligin dyan mag-dinner muna tayo oy!" tapos nilapitan ko at dinaganan ko.

"Bigat mo Yani! May kachat ako, yung phone ko naiipit."

"Sino ba yan ha? Akin na ako kakausap!" tapos tinulak niya ko mula sa pagkakadagan ko sakanya.

Well, isa lang naman parating kachat nito, walang iba kundi si Sofia. Matik na yan jusko. Ilang buwan na lumipas di pa ba ako masasanay na si Sofia lang ang gustong ichat neto, "Pahiram ng phone Keeps, dali ako magchachat," tapos inagaw ko yung phone niya.

"Luh! Teka langggg!" tapos nilayo ko phone niya sakanya, pilit niya pa din inaagaw hanggang sa hindi niya na nakuha sakin dahil ibinulsa ko na, "Kumaen na muna kase! Kakadating palang landi landi agad e."

"Inggit ka lang e, amin na, bababa nako," tapos tumayo na siya.

Lumabas nako ng kwarto at hindi ko na pinakinggan yung sunod niyang sinabe kaya bumaba na din ako. Pagkababa ko sinilip ko yung phone, pagkatingin ko...

Wow.

Sweet naman.


Ang landi talaga nitong pinsan ko.



Sofia: "Sus wag ako. Punta kna kse."



Punta san?



Wait backread ako.



Kaya naman pala, birthday celeb.



Hm, ano magandang ireply?



Ay, baka magalit sakin si Kiefer kapag sinabihan ko 'to ng kung ano. Pero nireplyan ko pa din. Bumaba na si Kiefer at sinoli ko yung phone, "Yan na cellphone mo saksak mo sa sikmura mo ha."

Naglalapag ng plato si Kiefer ng tanungin niya ko, "Kailan daw balik nila?" umupo na din ako.

"Sabi ko text mo diba? Ang alam ko lang kase inasikaso na nila yung trabaho na sinasabi ni mama e."

"Ano?!" nabigla si Kiefer sa sinabi ko. Umupo na din siya at kumuha ng kanin, "Ayaw magreply ni mama, tinawagan ko kanina pagka-akyat di macontact."

Hala? Medyo ninenerbyos nako kay Kiefer kasi parang magagalit siya na ewan, kaya uminom muna ako ng tubig tapos bigla siyang nagsalita, "Wala bang binilin si mama sayo?"

"Hm?" may tubig pa kase bibig ko.

"Si mama wala bang binilin?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 29, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Until WhenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon