Lilia's POV
Malapit na ang christmas party, kaya nandito kami ni Angie, Angelo at Owy sa mall para maghanap ng gifts. Puro christmas decors na dito.
"Angie, ano bang bibilhin mong regalo?" Tanong ko.
"Ahh bahala na kung anong gusto nun."sabi ni Angie. "Ikaw yata" binulong nya sakin
(Lahat ng magkakagrade ang mage-exchange gift kahit iba ang section.)
"Baliw ka"
"Kayo pala anong bibilhin nyo? " Tanong ko kina Angelo at Owy.
"Ah akin Jewerlies, mahilig yun dun." Sabi ni Angelo
"Ah kilala ko na. Akin..... Ummmm.... Alam ko na!" Sabi ni Owy
"Ano?" Tanong ko
"Secret hehehe, tara na bro, dun tayo sa dep. store"
"Geh, bye Ingat kayo ha kuya."
Habang nasa department store sina Gelo at Owy, kami ni Angie naglilibot sa mall naghahanap ng pwedeng iregalo.
"Angie, nakikita mo ba ang nakikita ko?"
"Malamang Lia."
"FIDGET SPINNER!!" ang lakas ng boses ko na nakakuha ng atensyon ng maraming tao sa mall.
"Sorry po, sorry po masyadong ano 'tong kaibigan ko ehh, maingay sorry." Napatakip ako ng bibig ko.
"Ang ingay mo bakit ba?""Sorry na, nakita ko lang yung fidget spinner, yan kasi ang gusto ng nabunot ko."
"Ahhhh si Kyle yan noh. Sya lang naman yung adik na adik sa fidget spinner ehh. Ano ba naman kasing meron sa spinning thingy na yun."
"Oo. Ah Miss, magkano po ito? ....."
Owy's POV
Hinahanap na namin sina Lilia at Angeline kasi nakabili na ako ng gift. Butterfly stuffed toy at string bag na may design na butterfly, favorite kasi yun ni Lia. Habang may isang bagay na kumuha ng atensyon ko...... Isang bike na pangbata.
*Throwback*
"Jimjim!" Sabi ni Lilia habang pinapatunog ang bell ng bike nya sa harap ng bahay namin. "JIMJIM!"
"Bakit Lili?"
"Tara bike tayo!" Nakangiti sya sakin habang naka twin braid yung buhok nya na may pink ribbon, ang cute nya....... Sobra
"Sige wait lang." Kinuka ko ang bike ko at sabay kaming umikot sa buong subdivision. Pagbalik namin sa bahay, nakita ko ang stepdad ko na Amerikano na naghahakot ng maleta at si Mommy na hawak ang kamay ni kuya.
"Owy, tara na." Sabi ni mommy
Bumaba ako ng bike
"Mommy, saan tayo pupunta?"
"Sa America na kayo mag-aaral at dun na tayo titira kasama ang stepdad mo."
"Huh?! Mommy ayoko gusto ko dito gusto ko kasama si Lili."
Kita ko rin sa muka ni Lili ang pagtataka. "Saan po yung America?" "Malayo po ba yun?" Tanong ni Lili
"Oo." Sagot ni mommy
Hinila ako ni mommy at pinilit sumakay sa kotse. Naiwan ko yung bike ko at si...... Lili.
Nung umandar ang kotse, sinilip ko sya sa bintana ng kotse nakita kong parehas lumuluha ang mga mata namin at kumakaway sa isa't isa.
YOU ARE READING
Love at First... TIME?!
RandomThis is a story about a girl na study first, laging Top 1. NCSB sya which means No Crush Since Birth at sabi nya "EDUCATION IS BETTER THAN LOVELIFE, KNOWLEDGE IS MUCH IMPORTANT THAN BOYFRIEND". Pero nabura ang pagiging Top 1 nya (at yung quote nya)...