Chapter 17: Friendship Over?

9 0 0
                                    

Owy's POV

Riiing riiing

Hay yan na naman si Mr. Alarm clock. Sumenyas na naman ng new start.

Bumangon na ako sa kama at bumaba na. Ganon talaga ako, di marunong mag-ayos ng kama... Teka, kailangan ko na pala tawagan si Lilia.
Nagmadali akong umakyat sa taas kasi naiwan ko ang phone ko.

"Anak, bakit ka nagmamadali. Kumain ka muna ng breakfast! Samahan mo na kami ng mga kapatid mo" Sabi sakin ni Mommy.

"Wait lang mom, may importante lang akong gagawin." Napailing nalang si mommy. "Mga binata talaga"

*Phone Ringing*

Hay sana naman sumagot ka naaaa.

"Ummm... hello?"

Yes sumagot na sya. "Umm. Lili... I mean Lilia may sasabihin ako..."

"Ano yun Owy?"

"Lilia kase... ano eh... ah...eh"

"Ano nga Owy, dalian mo naman. Kakain pa ako ng breakfast ehh."

"Ah ganon ba? Sige mamaya na nga lang."

"Ngayon na! Ano ba kasi yon?"

"Wag na. Mamaya na. Sige kain ka na. Babush!" Sabay inend call ko.

Baka magalit sakin si Lilia neto. Bruh, nukaba! Ang syonga mo!

"Nak, dalian mo na jan."

"Opo bababa na"

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

7:30 am
Nakahiga ako sa kama at tinitingnan ang phone ko na ang wallpaper ay pic ni Lilia.

Hay! Tatawagan ko na ba sya? O hinde? Tatawagan ko na sya! Tama. Pero teka, kailangan ko ng script. Wait.

Umalis ako sa kama at pumunta sa study table ko (na hindi ko nagagamit dahil hindi ako nag sta-study 😂). Kinuha ko ang notebook at ballpen ko at nagsimula magsulat.

"Lilia, ganito kasi yon may deal kami ni Ivy na pagselosin ka. Teka mali mali (ginusot ko yung papel at shinoot sa basurahan.) Hay! Ano kaya? Ah! Lilia, sorry di naging kami ni Ivy, pinagseselos ka lang namin. Teka, parang masyado akong nagmamadali. Mabibigla sya. Ulet,ulet. Ahhhhhh!!! Di ko alam!!! Impromptu na nga lang"

Kinuha ko na phone ko at tinawagan si Lilia.

"Hello?" Agad na sagot ni Lilia.

"Ummm... may sasabihin ako."

"Ano nga kasi yon. Kanina ka pa"

"Sorry na. Ano nga kasi ganito yon... promise mo muna wag kang magagalit"

"Ok promise"

"Promise yan ha"

"Oo na sabihin mo na"

"Ganto kasi yon ehh... di naging kami ni Ivy. Di tunay na naging kami."

"Huh?! Anong ibig mong sabihin? Na... naguguluhan ako"

"Ano kasi... ganito kasi yon... ah... ehhh... ok... hooh! Pano ba... pinag... pinag..."

"Pinag?"

Grabe! Di ko yata kaya 'to. Baka magalit sya sakin.

"Kailan ba kayo uuwi?" Tanong ko kay Lilia.

"At ano? Pag-uwi na namin mo sasabihin? Owy, can you please just tell it now. I'm gettin' irritated... sabihin mo na bago ko iend call to at ishut down ang phone ko."

"Ok, ok. Sorry na. Sige ito kasi yon... ahh... Pano ba.... ok ito na talaga... may deal kami ni Ivy na pagselosin ka" mabilis kong sabi.

"Huh?! So you mean..."

"Oo hindi naging kami. Pinagseselos lang kita... kasi... kasi"

"Kasi sa tingin mo magkakagusto ako sayo? Ganon ba Owy?" Parang umiiyak na yata sya.

"Sorry"

"So pinaglaruan nyo lang ako. At di lang ako Owy, pano si Ivy?"

"Nag agree naman sya ehh. Sa totoo nga eh... sya pa nga ang nagplano nun eh..."

"Grabe ka Owy, akala mo talaga ganon akong tao! I can't believe na nagawa mo yun. Kaya mong magsikreto sa kaibigan mo! Sa tingin ko hindi ikaw yung Owy na nakilala ko." Binaba na nya ang phone.

Grabe nakukunsensya talaga ako. Bakit ko nga ba nagawa yun? Hay Owy! Baliw ka na talaga.

%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%

2 days later...

Napadaan ako sa bahay nina Lia... teka... Mommy nya yun ah. Ibig sabihin nakauwi na sila?!

Bumaba ako ng aking kotse... (Wow RK!) Nagdoor bell ako... Si Yaya na naman ang nagbukas ng gate.

"Jimjim, nabalitaan mo na dumating na sina Lia?"

"Ah hindi po. Nakita ko lang po yung mommy nya na pumasok sa loob. Kailan po sila umuwi?"

"Kagabi lang. May emergency kasi sa business nila kaya umuwi sila agad. Paguwi nga nila malungkog si Lia at halos walang imik. Tapos kagabi narinig kong umiiyak. Ano bang nagyari?"

"Ah... eh... sige po muka pong di ko nga yata makakausap si Lia. Una na po ako."

"Hindi Owy, pasok ka" Nasa likod lang pala ni Yaya si Lia kanina pa. Bat di ko napansin?

"Sigurado ka ba? Baka masapak mo lang ako ehh wag na" Pabiro kong sabi.

"Sige iwan ko muna kayo. Parang may away yata kayo ehh." Sabi ni Yaya.

"Sabi mo Owy diba wag akong magalit. Di naman ako galit. Medyo nasaktan lang kasi nagsikreto ka... pero ayos lang Owy."

"Sigurado ka? Anong magagawa ko para mapatawad mo ako? Lahat gagawin ko Lia... Lahat" Nakita kong paiyak na sya.

"Lahat? Sige layuan mo na ako. Wag ka nang magpapakita sa 'kin. Di na kita kaibigan. Pero tandaan mo...  Di naman ako galit... kaya pag may tanong ka o kailangan... tsaka mo lang ako pwedeng lapitan."

Ewan ko ba. Nararamdaman ko na din ang pagtulo ng luha ko sa aking pisngi sa bawat hakbang ni Lilia palayo sa akin. Ang sakit. Sobrang sakit. Di ko matanggap na pinagtatabuyan ako ng kaibigan ko... ng mahal ko...

Nagdrive nalang ako papunta sa bahay ni Angelo. Sa kasamaang palad, wala pala sya don. Kasama nya si Abigail... na naman. Nagpunta nalang ako magisa sa park... na mukhang maling lugar para makalimutan ang lahat... lahat ng nakaraan...

Mga batang nagbi-bisekleta,
At mga batang naglalaro pa.
Masasayang alaala,
Ng nakaraan namin ni Lilia.

Oo, masakit.
Pero handang ipilit.
Puso kong ramdam ko ang tunog,
Ng unti-unting pagkadurog.

Mga alaala,
Muling binabalik pa.
Pero ipipilit kalimutan
At handa na syang pakawalan.

Mga salita na biglang pumasok sa aking isipan.
Mga salitang hindi inaasahan.
Masakit kasing maramdaman,
Sariling kaibigan handa kang iwan.

Di ko mapigilan ang pagpatak ng luha.
Masakit sa isipin, di ako makapaniwala.
Kala ko kaya ko na, pero ako'y nagkamali pala.

Mga oras na nasayang,
Minutong di kinayang
Pigilin ang luha't sakit
Na sa aki'y nakakapit.

Mahal kong Lilia,
Sana nama'y tayo'y muling magkita.
Masakit magparaya,
Sa taong aking mahal sadya.

Sorry, salitang ilang beses kong sinabi
Na handa kong ulitin umaga hanggang gabi.
Patawad mong hinihintay
Na kayang hintayin hanggang ako'y mamatay.

Author's note: Wow tumula na ako... I mean si Owy. Grabe naman si Love... so powerful! 👉💖💪Mapatawad pa kaya ni Lilia si Owy? Intersted? Just continue reading 😄

Love at First... TIME?!Where stories live. Discover now