Chapter 15: Ivy vs Shaicie

6 0 0
                                    

Author's Note: This chapter is a little bit SPG because of some words 🙊🙉and violence🙈 hahaha

》》》》》》》》☆《《《《《《《《《

Lilia's POV

Naglalakad ako ngayon papunta sa school. Hindi na ako sumabay sa school bus kasi mukang malelate na naman ata. Suot ko ang headphones ko ng biglang...

"Oy Lili,"(biglang tinanggal ni... [kilala nyo na naman ang tumatawag sakin ng Lili] ang headphones ko at umakbay saken).

(Tinanggal ko ang kamay nya sa balikat ko)

"Ano ba, can you please... just stop!"

"Sorry na, bakit ka ba nagagalit saken?"

"Nakakainis kasi tuwing makikita ko yang muka mo!"

"Weh?! Yun lang baka naman... CELLS ka!"

"Kay Angie mo natutunan yan noh?"

"Hindi ah... pero yun nga?"

"No way! Bakit naman ako magseselos sa inyo?"

"Kasi ang gwapo gwapo ko... SOBRA"

"So?!"

"Edi gwapo nga ako?"

"Shut up!" (Iniwan ko na si GGSS at sinuot uli ang headphones)

~~~Sa School~~~

"Hi guys" sabi ko sa classmates ko.

"Hi Presie (president), musta?" Sabi ng kaklase naming si Jeremy.

"Bad mood ka yata ah, anyare Presie?" Tanong sakin ng isa pa naming classmate, si Mark.

"Never mind, si Mrs. Chavez/Tita"

"Ah, may ginagawa sa H.E room" sabi ni Georga.

"Eh, si Ivy at Shaicie, sila nalang ang wala" tanong ko sa kanilang lahat at sabay sabay lumingon sa Principal's Office na nasa kaharap na building ng room namin.

Di na ako nagaksaya ng oras at agad nagpunta sa Principal's Office. "Ano na naman kayang ginawa ng dalwang yun?"

Dahan dahan kong binuksan ang pinto naabutan kong sumisigaw ang principal.

"Ano ba naman kayo! Ang lalaki nyo na! Puro pa kayo away na parang mga bata! Ikaw, Ivy naturingan kang Top 2. Baka gusto mong masuspend at mawalan ng scholarship dahil sa pinagagagawa mo!"

"Ah, Mrs. Cruz..." sabi ko ng pabulong

"WHAT?! Oh, Lilia ikaw pala... What do you need? Upo ka"

"Hayst, nandyan na si Favorite" sabi ni Ivy.

"Last warning Ms. De Mesa, If you don't shut up, you will be suspended for two weeks! Stop being disrespectful and iresponsible"

"Mrs. Cruz, ano po bang nangyare?" Tanong ko sa principal.

"Si Ivy at Shaicie, nagsabunutan daw... wala pa daw kasi si Krisha that time. Kaya yan tingnan mo. Mukang mga bruha! They are really childish"

"Mrs. Chavez, si Ivy naman po ang nauna!" Sabi ni Shaicie

"Wow! Ako pa talaga"

"STOP! Hindi importante kung sinong nauna. Parehas kayong may kasalanan at paghindi nyo 'to inayos before the day ends... its either ipapatawag ko ang parents or guardian nyo o masususpend kayo for one week. MALIWANAG?"

"Yes Mrs. Cruz" sabay nilang sinabi

"Lilia, please take care of this two"

《Sa room》

Pagtungtong namin sa room, nagsimula bigla ang bulungan.

"Tumigil na nga kayo!" Sabi ni Krisha.

"Nasaan si Tita? Nasa H.E room pa din ba?" Tanong ko sa kanilang lahat.

"Hindi, nakabalik na umalis lang ulit" sagot ni Louisa.

"Please, kalimutan nyo na ang mga nangyari. Ivy, Shaicie, sana maayos nyo 'tong gusot na 'to"

"NEVER! kahit mawala ako sa school na to, i dont care. I can just go to other school... other BETTER school. Tumabi ka nga dyan." (Tinulak ako ni Ivy)

"Tama na Ivy, (tinayo ako ni Owy) Please Ivy its not a big deal" sabi ni Owy.

"Yun na nga eh. Hindi yun big deal pero ginagawa ganon yun ni Shaicie."

"At ako pa ngayon ang may kasalanan ha!" (parang magaaway na ulit)

"TAMA NA ANO BA! Para kayong mga bata! Pwede bang itigil nyo na yan!" Sigaw ni Krisha.

"What's happenin'?" Dumating na pala si Tita.

"Ah wala po Tita" sabi ko.

"Ok... sit down and we will start our lessons."

================================

Ivy's POV

Grabe ha! Muntik pa akong maalis sa school na 'to at malayo kay Owy dahil sa Shaicie na yan.

*Flashback*

Ivy's POV

Papasok pa lang ako sa room, sinalubong na ako ni Shaicie ng isang sampal.

"Langya ka! Akala mo ba hindi ko alam ang nangyari nun" pasigaw na sabi ni Shaicie sa akin.

"Ano ba?!  Aga-aga mukha mo na ang makikita ko, panong gaganda ang araw ko neto?!"

"Sagutin mo ako! Bakit... Pano mo nagawa to saken!?" Nakita kong namumuo ang luha sa mata ni Shaicie.

"Ang ano ba?! Inaano kita?!"

"Don't act so innocent with me! Akala ko yun lang ang ginawa mo kay Terry! Di ka ba marunong makuntento?! Ivy, may Owy ka na!"

"Please Shaicie, shut up! I don't know what you're saying"

"You shut up! Lahat inagaw mo saken. Being famous, yung ideas ko... pati ba naman boyfriend ko?"

(Tinaasan ko sya ng kilay)"What's with your boyfriend Terry? Is it my fault na ako ang gusto ng boyfriend mo? Eh ikaw naman kase eh, pumapayag kang agawin ko sa 'yo ang lahat! Kaya yan... wala ng natira sayo. Poor little Shaicie!"

"Tinuring kitang kaibigan... kapati-"

"Pero ikaw ba tinuring kong ganon?!"

"LANGYA KA!!"

(Sinimulan sabunutan ni Shaicie si Ivy. Someone is taking a video of them.)

*End Of Flashback*

Author's Note: Sorry po sa slight bad words. Di ko na nga po dineretsyo na ganon. May Warning rin naman po sa unang part. 😊✌

Love at First... TIME?!Where stories live. Discover now