Chapter 1

974K 22.8K 14.6K
                                    

Chapter 1

The Academy

"Dad, I need to take her in." narinig kong sabi ni Kuya. Kausap niya ngayon ang Daddy sa telepono.

Nasa labas ako ngayon ng kanyang kwarto. Itatanong ko sana kung para saan iyong hand book na nasa aking kama. Alam kong hand book iyon ng school, pero hindi ko kasi mabasa ang mga salita. The language is different.

"It's not safe anymore. Pasukan na, pag wala na ako rito sa bahay ay mas lalong delikado. She needs to be with me." sunod pang sabi ni Kuya.

Alam ko naman iyong balita kamakailan, ngunit hindi ko inaasahan na agad akong ipapasok ni Kuya sa eskuwelahan kung saan siya pumapasok.

Nagulat ako nang biglang lumabas si Kuya sa kwarto.

"What is it, Paige? Didn't I tell you to pack your things?" he asked.

Minsan ay hindi ko alam kung kuya ko siya o tatay talaga.

"Kuya, babasahin ko sana itong hand book ng Garnet Academy. Kaya lang, hindi ko maintindihan ang mga nakasulat." I told him.

"Yeah. You need to use a translator device." he said.

Pumasok siya sa kanyang kwarto para hanapin ang device na iyon. Sumunod ako sa kanya.

Pagpasok ay magulong kwarto ang sumambulat sa akin. Nag-iimpake na rin kasi si Kuya.

"Kuya, ano-" Bago ko pa matuloy ang sasabihin ay nakuha na noong dyaryong nakapatong sa kama ang aking atensyon.

Another heir went missing. Kidnapped or killed?

Iyon ang headline ng dyaryo. Fear and shock filled my whole system.

Noong kumalat ang balita na isang tigapagmana ang natagpuang patay sa isang malayong probinsya, doon na rin nagtapos ang pagiging malaya ko. Ngayon ay hindi na ako makalabas ng bahay ng walang bodyguards. Hindi lang isa o dalawa. Apat ang mga iyon. Pinagbabawalan na rin akong pumunta sa mall, park, o kahit pa sa mga bahay ng aking mga kaibigan.

Ganoon din ang nangyari kay Kuya. Nang pumutok iyong balita ay agad siyang pinasok ni Daddy sa Garnet Academy. Ang sabi kasi ay tagong eskuwelahan iyon. Nasa isang malayong lugar na tanging mayayaman lang ang nakakapasok at iilang personalidad lang ang nakakaalam.

Hindi pa ako naipasok noon dahil highschool pa lang ako. Ngayong mag College na ako ay pwede na.

"Here's the translator device." inabot sa akin ni Kuya ang isang kuwadradong bagay na gawa sa metal. "Pagtapos mong mag-impake, puntahan mo ulit ako rito. I have important things to discuss with you."

"Yes, Kuya." sabi ko at bumalik na sa sariling kwarto para ituloy na ang pag-iimpake.

Kaunti lamang ang dinala kong mga damit. Ang sabi ni Kuya ay marami naman daw ang mabibilhan doon, at saka may uniform naman.

Dinala ko na rin ang mga librong hindi ko pa nababasa. Mahilig kasi akong magbasa. Lahat ng genres ay ayos sa akin — romance, general fiction, mystery, etc.

Nang sa palagay ko ay okay na ang mga gamit ko ay pumunta na ako ulit sa kwarto ni Kuya. Ano kaya iyong importanteng sasabihin niya?

"Kuya?" katok ko.

Binuksan agad ni Kuya ang pinto at pinaupo ako sa kulay asul niyang couch.

"Listen to me, Paige." seryosong sabi ni Kuya. Doon ko lamang nasigurado na importante talaga ang sasabihin niya... kung ano man iyon. "You need to hide your identity."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Kuya.

"A-ano? Bakit naman, Kuya?" tanong ko. Bakit kailangan ko pang itago ang identity ko? Hindi ba safe na roon sa school na iyon?

Garnet Academy: School of ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon