Chapter 43

312K 11.5K 7.9K
                                    

Chapter 43

Moving On

Three weeks passed and finally, nakauwi na rin ako sa amin. My wound has been healed earlier than my check out at the hospital. Pero kasi itong si Kuya at Daddy, ayaw pa rin akong pauwin. Maigi raw na nasa ospital ako para fully recovered.

Namiss ko rin dito sa mansyon. It's been a while...

Humiga ako sa aking kama. Kuya Beau confiscated my phone and all my gadgets. He even told me that he deactivated my social media accounts and even my email! He cut all the possible ways where people can contact me.

Halos isang buwan na rin ang nakakalipas. Hindi ko tuloy alam kung kinakamusta ba ako ni Lia. Kahit siya lang. Kahit siya na lang. Because there's no way in hell that he will be worried about me. That monster! Siya nga ang gustong pumatay sa akin, bakit niya gugustuhing kamustahin ako?

I hate that a part of me wants to see him. A part of me wants him to care for me and love me. A part of me misses him so damn much. How stupid my heart is?!

Gago ka ba, Beatriz Paige? Namimiss mo 'yong taong gustong mamatay ka?!

My tears rolled down my face all of a sudden. It still hurts so bad.

Masakit kasi nagtiwala ako sa kanya. Masakit kasi naniwala akong mahal niya ako. Masakit kasi ang lahat ay kasinungalingan lamang.

Habang nasa ospital ako, nagfile ng case si Daddy laban kay Kairon Gonzalez. Naglabas din ako ng statement laban sa kanya. Habang sinusulat ko iyon ay sobra ang kirot sa puso ko. Isinulat ko ang mga nangyari sa araw na 'yon at kung paano ko nakita si Kairon na tinutukan ako ng baril.

My shoulder hurts really bad. Buti na lang at doon lang ako natamaan.

Si Daddy at Kuya Beau lang ang dumadalo sa trial. Wala silang binabalita sa akin kung ano ang nangyayari. Hindi rin nila sinabi sa akin kung ano ang naging statement ni Kairon.

I'm literally clueless about the case.

Hindi ko alam kung may iba pa sa mga Flamma ang sangkot. Kung kasabwat ba ni Kairon si Stephanie, hindi ko alam. Kung pamilya ni Kairon ang may pakana ng lahat ng mga ambush, hindi ko rin alam. I've only written a statement about what I have seen that day. Any speculations aren't included.

Ipipikit ko na ang aking mga mata nang biglang may kumatok. Ilang saglit lang ay nasa loob na ng kwarto ko si Kuya Beau.

I don't understand his expression. He is not happy nor sad. It's blank!

Umupo siya sa kama ko kaya naman napaupo ako. "May problema ba, Kuya?" I asked worriedly.

Mabilis na umiling si Kuya. He took a deep breath. "Kairon Gonzalez has been jailed."

My heart has been shattered completely.

Bakit? Bakit ako nasasaktan? Hindi ba dapat ay masaya ako? Bakit ang sakit sakit marinig iyon?

Paano ba kami umabot dito? Does he deserve this? Yes, he do! He tried to kill a person! Pero may parte pa rin sa akin na sobrang nasasaktan dahil ito ang nangyayari.

Muling pumatak ang mga luha ko na agad ko ring pinalis para hindi makita ni Kuya.

"Totoo ba, Kuya?" pagkukumpirma ko. "P-paano nangyari 'yun? Makapangyarihan ang pamilya niya..."

"Nakakulong na siya ngayon. Iyon lang ang mahalaga, hindi ba? You're safe now." ani Kuya at lumabas na.

Hindi ko na napigil ang mga luha ko nang makalabas na si Kuya sa kwarto.

Garnet Academy: School of ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon