Chapter 6
So Sick
Natigilan ako sa kanyang sinabi. Did I hear it right? He wants me to stay? What for? Kasi narinig ko iyong conversation nila ng Mommy niya? Anong gagawin niya sa akin? Shit!
"Ano ba?" mahina kong tanong dito.
Ang mga mata niya ay mariing nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng kung ano sa aking dibdib.
"Narinig mo ba o hindi?" tanong niya.
Shit talaga!
Dahan-dahan akong tumango. "Sorry na, hindi ko naman sinasadya. I'm really sorry."
Kahit sinadya ko talaga. Hays!
Malalim siyang huminga. "Fine, then. Tara."
Nagulat ako nang mahigpit niya akong hinawakan sa palapulsuhan. Sapat lang para mahila ako, ngunit hindi sapat para masaktan ako (if that's his motive). Mahigpit pero malambot pa rin.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko.
"Pupunta lang. Wala pang tayo." aniya na halos magpabilis pa lalo ng talon sa aking puso.
Ano bang pinagsasasabi niya?!
"Saan nga? Are you punishing me?!" tanong ko pa. Ngayon ay nakalabas na kami ng kwarto. Pag nag-ingay ako ay may chance na marinig ako ni Kuya Beau at mapigilan niya itong mokong na ito sa kung anumang balak niya sa akin!
"Shh. We're just going to visit someone. Please cooporate, alright." aniya, panay pa rin ang hila sa akin dahil dihamak na mas malaki at mabilis ang mga hakbang niya.
Hindi ko siya maintindihan, pero nagpatiyanod na lang ako. Kung may gawin man siyang masama bigla, I can always use my self-defense skills.
Nagulat ako nang lumabas kami sa campus. Gabi na, ah? Bawal ito! Mas nagulat pa ako nang may dinaanan kami ni Kairon na masikip at madilim na daanan. Saglit niya akong binitawan at may kinuha siyang susi sa kanyang bulsa.
"Ano bang ginagawa mo? Saan ba kasi pupunta?" ayan ha, wala ng tayo.
Hindi siya sumagot at binuksan lamang iyong nangangalawang na gate na halos mabalutan na ng mga ligaw na halaman. Nang tuluyan na itong mabuksan ay halos malaglag ang panga ko. We are now outside the school! What the hell? Bawal ito!
"Ba-bawal lumabas, 'di ba? Nasa rules iyon." nauutal kong tanong.
"I know. Kaya nga ngayong gabi tayo lalabas. Maraming guards ang watchers sa gabi, pero halos lahat ay sa CCTV lang. There's no CCTV around the hidden gate." aniya.
Halos 'di iyon na proseso ng aking utak.
"A-ano? Teka, may hidden gate? Paano mo iyon nalaman?" marami akong katanungan.
Muli niya akong hinila at isang hugis kotse ang nakabalot sa asul na tela ang bumungad nang huminto kami sa paglalakad.
Nang tanggalin ang tela ay isang kulay itim na kotse ang bumungad. Kung hindi ako nagkakamali, Bugatti iyon. Iba sa gamit niyang kotse no'ng first day.
"Sakay," aniya saka binuksan iyong pintuan ng kotse.
Sumakay naman agad ako, kahit nalulunod na sa mga katanungan. Sino ba ang dadalawin namin? Bakit nakalabas kami ni Kairon ng ganoon na lang? Bakit may hidden gate? Bakit alam na alam niya iyon? What is that for?
Sinimulan niya na ang pagmamaneho. Hindi ko naman maiwasang mapatingin sa kanya. Compared to the cart, this car really suits him well. He looks like a super model driving an expensive car. Damn it! Advertising companies will pay millions just to have this sight for a billboard or brocchures!
BINABASA MO ANG
Garnet Academy: School of Elites
Teen Fiction(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the Commander of the student body, he got the privileges and people fearing him... Except her. Except P...