Chapter 8

477K 17.4K 12.9K
                                    

Chapter 8

Bullseye

I woke up and found myself comfy in my own bed. Nakakapagtaka kasi ang huli kong natatandaan ay umidlip ako roon sa lamesa.

Paano ako napunta rito?

Nagising ba ako kagabi at nakapunta pa rito sa kwarto ko? Hindi ko na talaga maalala.

Napakamot ako sa aking ulo hanggang sa mapansin ko iyong tray na nakapatong sa side table ko. Tumayo ako at lumapit doon.

Bakit may pagkain dito? Complete meal siya for breakfast. Pagkuha ko sa nakapatong na tissue ay saka ko lang napansin iyong kulay puting papel na nakapatong.

What is this? A note?

I opened it quickly. Nanlaki na lang ang mga mata ko sa nabasa.

Eat all the food. Ayokong may tira. - K

Iyon ang nakalagay sa note. Sino ito? Si Kairon?! Imposible namang si Kuya? Kasi malamang ang ilalagay niyang initial ay letter B! At saka hindi siya ganyan kaangas magsulat!

Sa takot na biglang pumasok si Kairon at makitang wala pa akong nababawas sa pagkain ay nagmadali na ako upang lantakan ang lahat ng pagkaing nasa tray.

Pagkatapos kumain ay ramdam na ramdam ko ang bigat sa aking tiyan. Ang dami naman kasi!

Lumabas na ako ng kwarto, pero wala na roon si Kairon. Nasaan na iyon? Pumasok na? Ang aga naman ata... Mamaya pa ang pasok, ah.

I sighed.

'Di bali na, maliligo na ako at papasok mag-isa. Today is better than yesterday, I guess. Atleast busog akong aalis. Kahapon kasi ay pagod akong umalis dahil sa nagligpit pa ako ng mga kalat!

I've never been so tired. Kahapon lang talaga. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako sa buong araw na iyon. Siguro ay hindi talaga ako sanay sa trabaho... Back home, almost everything is serve on a silver platter.

Pagbaba ng elevator ay tumambad sa akin si Kuya Beau. May kausap siya sa phone pero sumisignal siya na wait lang daw, kaya naman nag-antay ako.

Matapos ng phone call ay binalingan na ako ni Kuya. "Tara, hatid na kita sa klase mo."

"Wala ka bang klase?" I asked.

"Mamaya pa ang klase namin." aniya.

Tumango na lang ako kay Kuya. Sumakay kami sa kotse niya para makarating sa main building. Ang arte ni Kuya. Pwede naman na 'yong mga cart na lang. Pareho sila ni Kairon minsan sa kaartehan.

Habang sabay kaming naglalakad ay marami ang nagbulungan. I get it that Kuya is popular here, but seriously? He's this popular and chick's magnet na nakaririnig pa ako ng bulungan na mukhang ako raw ang bagong prospect ni Kuya. May narinig pa ako na malandi raw ako.

Napapailing na lang ako. Kung alam lang nila!

"Dito na ako," sabi ko kay Kuya Beau nang matapat kami sa room. Nasipat kong nandoon na iyong Prof namin kahit maaga pa.

"Alright. Text me." aniya at umalis na rin.

Pagpasok ay mabilis na hinanap ng mga mata ko si Kairon. Pakiramdam ko ay nagmarathon ang puso ko sa bilis ng tibok nito. Bakit ba kasi nakatingin din si Kairon sa akin? At bakit galit siya?

Wala talaga akong ideya! Dahil ba sa akala niya iniwan ko siya?

Umupo ako sa aking upuan. Hindi ko pa napapatanong ang bag ko ay narinig ko na ang malalim na boses ni Kai.

Garnet Academy: School of ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon