Chapter 53So Done
Malalim akong huminga pagkalabas na pagkalabas ni Arthur. Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan ngayong kami na lang dalawa ni Kairon ang nasa loob ng laboratory.
I really don't know what's with me today. I just suddenly have this strong urge to talk to him.
Nilingon ko siya. He's still busy with his phone.
I took another deep of breath and slowly walked towards him. Alam kong alam niya na nasa harapan niya na ako, pero ni hindi manlang siya nag-angat ng tingin.
Mariin akong nakatingin sa kanya habang siya naman ay mariing nakatingin sa phone niya.
Binuka ko ang aking bibig, pero hindi lumalabas ang mga salita. Heck. Tama ba 'tong ginagagwa ko?
This is stupid. Really stupid, specially that I don't know if he's saying the truth!
I played with my fingers. Say something, Paige! Nag-effort kang paalisin si Arthur tapos tatanga ka rito?
Hindi ko alam kung bakit naduduwag akong magsalita. I can't start a conversation with him! Parang ang hirap!
Nag-angat siya ng tingin sa akin at halos napalunok ako dahil nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Damn it!
"May sasabihin ka ba?" walang gana niyang tanong.
Mas lalong umurong ang dila ko.
"Kung wala, pwede bang 'wag kang masyadong lumapit sa'kin? Naiinitan ako." aniya at pinagpag pa ang suot na shirt sa sarili na kala mo'y init na init talaga.
May aircon naman!
Sa inis ko ay mas lumapit pa ako sa kanya. "G-gusto ko lang sanang magtanong sa'yo." I said.
"Ano?" iritable niyang tanong.
"Totoo ba? T-totoo ba 'yong mga sinabi mo kagabi?" tanong ko sa kanya. I know I sound stupid, but why do I feel like I badly want to hear it from him that he's saying the truth.
Tumayo siya kaya naman napaurong ako ng kaunti dahil sa gulat. Ibang-iba ang kanyang awra ngayon. His presence screams danger.
My heart beats so fast. It's like a cheetah running for its life.
"Alam mo, Beatriz Santiago... Wala na akong pakialam. Bigla na lang akong nawalan ng pake kung paniniwalaan mo ako o hindi. Bahala kayong lahat. Paniwalaan n'yo ang gusto n'yo." he said as he stood up and walked away.
Naiwan ako roon, hindi makagalaw sa pwesto. Naninikip ang dibdib at tila pinoproseso ang lahat ng mga sinabi niya.
"And one more thing, please do exclude me in this narrative. I'm done explaining. I'm so done with this mess. Kung hindi pa kayo moved-on at kumbinsidong ako pa rin ang may kasalanan, pakulong n'yo na lang ulit ako."
Ni hindi ko na siya nalingon. Ang sunod ko na lamang na narinig ay ang malakas na pagsara ng pintuan.
My tears rolled down my cheeks. Tinakpan ko ang aking bibig para mapigilan ang paghikbi.
My heart hurts so bad. As if he set fire and then leave me there, alone, burning.
Dapat pala... Dapat hindi ko na pinaalis si Arthur. Hindi sana ako nasasaktan ng ganito ngayon. Hindi ko sana nararamdaman ang sakit at hapdi sa puso ko.
Hell. Why am I feeling this anyway? 'Di ba ito naman dapat ang mangyari? We're better of with each other, right?
Pero hindi, eh! I need to know the truth! Putang katotohanan 'yan!
BINABASA MO ANG
Garnet Academy: School of Elites
Teen Fiction(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the Commander of the student body, he got the privileges and people fearing him... Except her. Except P...