Chapter 5
Roommate
Pakiramdam ko ay nagsitaasan ang mga balahibo ko sa sinabi ni Kairon. Damn him! He really knows how to play! The nerve of him to call me that!
Naglakad na siya palayo dala ang maleta at bag ko.
Bumaling ako kay Kuya Beau.
"Kuya, we're not revealing anything. Sasama ako kay Kairon. I'll be fine, I promise." mahinang sabi ko at tumakbo na para makahabol kay Kairon.
Narinig ko pang tumawag si Kuya, pero hindi ko na siya nilingon. I know he's concerned. Hindi namin alam ang mangyayari, pero mas okay na ito kaysa sirain namin ang unang plano.
I know I'll be fine. Kairon seems like a dangerous guy you don't want to mess around with, but I know that he's not the type who'll lay a hand on me. Sana tama ako.
Nasa likod na ako ni Kairon ngayon. He's tall. Ang tindig niya ay tila kagaya roon sa mga model ng sikat na magazine.
Ano ba ang balak niya? Ano ba ang trip niya sa buhay?
Sumakay siya roon sa cart dala ang mga gamit ko.
"Sakay," aniya.
Agad akong sumunod at naupo sa likod ng cart. Siya ang nagmaneho nito. Gaya no'ng ginawa ni Lia noong first day.
Mabilis niya iyong minaneho.
"Dahan-dahan! Akala mo ba bump car 'to?!" daing ko sa kanya. Pakiramdam ko ay nakalbo ako sa bilis!
Tumawa naman siya.
"Tsk tsk. Be nice to me, Ms. Manuel. I'm the commander. I can sue you for not being nice to me." aniya.
Napalunok ako roon.
Ano raw? He can sue me?! Siya nga itong may saltik ang ugali!
Nanahimik na lang ako hanggang sa huminto na iyong cart. I should act like how an Aeris should act. Minsan lang ay hindi talaga makapagpigil ang bunganga ko!
Pagpasok sa loob ay namangha ako kung gaano kagarbo ang building ng mga Flamma. Aeris' building is nothing compared to this.
Sumakay ng elevator si Kairon kaya mabilis akong sumunod dito. Huminto iyon sa ikatlong palapag at kaunting lakad lang ay kwarto niya na.
Kairon opened the room. Dilim ang sumalubong sa amin. Pagkabukas ng ilaw ay napanganga na lang ako.
Ang kwarto niya ay halong kulay ng itim, puti at abo. Nagbigay ng kakaibang accent ang maliliit na bahagi ng bricked wall sa bawat gilid. Marmol naman ang sahig, ngunit maraming bahagi ang carpeted.
Sumalubong ang itim na king size bed. Maliit na cabinet ang nasa magkabilang dulo ng kama. Pareho iyong napapatungan ng lampshade. In front is a large flatscreen T.V. that was mounted on the wall. On the far right side is a gray table where his laptop and other school materials where put. On the left side, there's a full body mirror and a coat stand.
Tatlo ang pintuan na nasilayan ko sa loob ng kanyang kwarto. Palagay ko ay isa ang comfort room, dressing room, at ang isa ay kwarto ko na siguro.
Napailing na lang ako sa ganda ng kwarto niya. Kaya pala nasabi niyang pangit ang kwarto ko.
"Saan ang kwarto ko?" nangahas kong itanong.
"There," turo niya sa unang pinto malapit sa salamin.
Tumango ako at dumiretso roon sa pinto para tignan ang aking kwarto. Pagbukas ay kubeta ang umalingawngaw sa akin.
"What the hell?!" sigaw ko.
BINABASA MO ANG
Garnet Academy: School of Elites
Teen Fiction(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the Commander of the student body, he got the privileges and people fearing him... Except her. Except P...