Chapter 11

486K 17.8K 9.6K
                                    

Chapter 11

Fight

"You know how stubborn Ariyah Fuentabella can be." ani Shawn. "Teka, sagutin ko muna 'tong tawag."

Umalis na si Shawn at natahimik na lang ako.

Ariyah Fuentabella? Sino siya? At sino siya sa buhay ni Kairon?

Hanggang makabalik na kami ni Kairon sa kwarto ay hindi mapalagay ang loob ko. Dapat ay tinanong ko na lang si Kairon kung sino si Ariyah, pero baka kasi isipin niya na masyado na kong nanghihimasok sa buhay niya.

Nahiga ako sa aking kama at yumakap sa unan ko. Ilang minuto rin akong natulala nang naisip kong tignan sa internet at baka masagot nito ang mga katanungan ko.

I opened my laptop and typed Ariyah Fuentabella in the search bar. Couple of articles appeared, pero ang una kong pinindot ay iyong isang article tungkol sa pamilya Fuentabella.

Paui Sy is a well-known fashion designer, she was married to Zimmer Fuentabella, who owns one of the largest shopping malls in the Philippines. And their only daughter is Ariyah Fuentabella.

Nakakainis lang dahil wala akong nakitang ni isang picture. Kilala rin ang pamilya nila pero bakit walang picture ang nag-iisang anak? Dahil siguro ay nag-iingat din gaya namin? Kung ganoon bakit hindi siya pinasok dito sa Garnet Academy? Wala pa ba siya sa tamang edad para makapasok dito?

A lot of questions are in my mind when someone suddenly knocked on the door.

Agad akong tumayo at binuksan ang pintuan. It revealed Kairon, who is now wearing a plain white v-neck t-shirt and a maong shorts. I can't believe how manly and ruthless he looks right now.

Napalunok ako.

"Bakit? Anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya.

"Let's watch a movie?" aya niya sa akin.

Umawang ang labi ko. Did I hear him right? Inaaya niya akong manuod ng movie?

Hindi ko talaga alam kung ano ang nangyari, eh. Ang alam ko kasi servitoare niya ako. Servant. Katulong. Utusan. Muchacha. Pero kasi sa isang iglap, iba na ang turing niya sa akin. Akala ko ay papahirapan niya ako sa buong paglilingkod ko sa kanya.

"Mo-movie?" nauutal ako. Damn it!

"Yeah... I'm a bit bored." aniya.

Bored siya? Bakit hindi na lang siya manuod mag-isa? Bakit kailangang kasama pa ako?

Tumango na lang ako at tuluyan nang lumabas sa kwarto. Na surprise ako nang makitang naka set-up na ang malaki niyang television tapos may nakahandang comforter sa harap. Batid ko ay doon kami uupo. Sa harap ay may mga nakalagay na kung anu-anong pagkain.

Ginagawa niya ba talaga ito kapag bored siya?

He smiled and asked me to sit on the comforter. Halos tumalon ang puso ko sa hindi malamang dahilan.

Kanina ay naiinis ako, ngayon ay bigla itong naglaho.

Pagkaupo ko ay agad din siyang sumunod.

"Ano ang gusto mong panuorin?" tanong niya.

"H-hindi ko alam. Ikaw ba?" tanong ko pabalik. Wala rin kasi akong maisip na gustong panuorin sa oras na ito. I was just to moved by his smile. Argh!

"I like action movies," aniya.

Ngumuso naman ako dahil hindi ako mahilig sa action.

"I prefer romance..." sabi ko.

Garnet Academy: School of ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon