Chapter 29

465K 17.7K 14.6K
                                    

Chapter 29

Nose

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Sa sobrang bilis ay pakiramdam ko, nararamdaman na iyon ni Kai.

Kumalas ako sa yakap dahil gusto ko siyang harapin. "Hi-hindi ka na galit? Bati na tayo?" I asked with full hope and a bit of confusion.

He suddenly smiled and ruffled my hair.

"My Mom said that I should be mature enough to listen and understand whatever the explanation may be." Kairon said as he put both of his hands inside his pockets. "She said that she's been in some kind of a bad situation with my Dad. She didn't listen to his explanation, which made the whole situation worst."

Nakauwang ng kaunti ang bibig ko habang nakatingin lamang sa kanya at mariing nakikinig.

"But that's not only the reason why I'm here." aniya kaya mas namilog pa ang mga mata ko dahil sa pagtataka.

Umayos siya ng tayo at saka hinawakan ang dalawa kong kamay. "Nandito ako kasi hindi ko kayang wala ka sa tabi ko. Nandito ako kasi ayaw kong mawala ka sa'kin. Nandito ako kasi gusto kong kasama ka at gusto kong manatili lagi sa tabi mo. Nandito ako kasi gusto kita."

Pakiramdam ko ay namumula na ang mukha ko ngayon! Pangalawang beses... Pangalawang beses na sinabi niya na gusto niya ako. Parang sasabog ang puso ko.

Did I hear it right? Baka nabingi lang ako? Hallucinations?!

"H-ha?"

"Ang sabi ko... Gusto. Kita." he said slowly that my heart palpitates on each words.

Sa gulat ko ay bigla akong napaangkla sa kanyang leeg. Two of my arms are now dangling on his neck. He then put his arms on my waist for support.

"Gusto rin kita." sabi ko sa kanya habang nakangiti ng malaki.

Ngumiti siya at ilang segundo ay saka lang nag-sink in sa akin ang sinabi ko.

Agad kong itinikom ang aking bibig at pumikit! Anong ginawa ko?! I'm so excited at everything na napaangkla ako sa kanya at agad na umamin pabalik. Saan ako kumuha ng lakas ng loob?! Damn it!

"What are you doing?" he asked softly.

Bago pa ako makasagot ay nakarinig na kami ng fireworks. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at tumingala sa itaas.

"You know what that means?"

Napatingin ako kay Kai at saka tumango. "It means that there's only one player left alive in the game."

"And it also means that all the cameras inside the maze will be opened for everyone to see who got the flag." saad niya.

Tumango naman ako at nanatiling nakaangkla pa rin sa kanya.

"You got the flag. But I still won. Aren't I?" ani Kairon.

Before I can even react, he suddenly planted a kiss on my nose.

It's not only butterflies that I feel inside my stomach. I can feel the whole zoo in it! Oh my God!

Napatitig na lamang ako sa kanya pagkatapos ng halik na iyon. Dahan-dahan din akong bumitaw sa kanyang leeg.

I suddenly feel awkward, but happy and excited at the same time.

Yumuko ako.

"I'm really sorry." sabi ko. Pakiramdam ko'y dapat na akong magpaliwanag sa kanya ngayon pa lang. "Hindi ko gustong magsinungaling sa'yo-"

Bago ko pa matuloy ang sasabihin ay pinigil niya na ako.

Garnet Academy: School of ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon