Chapter 39

398K 14.4K 8.3K
                                    

Chapter 39

Ring

Pumagitna ako sa dalawa. "Nag-aaway ba kayo?!"

Agad na umiling si Kairon. "I'm just making things crystal clear here. Pag akin, akin."

"Wala namang inaagaw. Marunong akong lumugar." utas naman ni Lancer.

Hindi ko na magets kung ano 'yong pinag-uusapan nila. Hinila ko na lang si Kairon tapos ay nagpaalam na ako kay Lancer.

"Bakit ba ang init ng ulo mo?" tanong ko kay Kairon.

"Isn't it obvious? He likes you." ani Kai sabay nguso.

Tumaas ang kilay ko. "Huh? Sino? Si Lancer?"

Tumango siya. He's so cute, but weird! Hindi ako ang gusto ni Lancer. He likes someone else!

"Baliw! May iba siyang gusto. Nagtapat siya, pero nabasted!" sabi ko.

Kai crossed his arms. "And how do you know? Sinabi niya?"

"Ah, basta." sabi ko at pinakita na lang sa kanya ang pinalagay kong sticker tattoo. "Maganda ba?"

Hinawakan ni Kairon ang kamay ko upang mas makita iyong tattoo. Napakunot ang noo niya, he then traced my ring finger at saka dahan-dahang tumango.

"Sobra." he said. "I like it better when you're marking yourself as mine."

Ngumiti ako. "Ikaw din dapat!"

Hinila ko siya pabalik sa Art Booth at kinumbinsi siyang magpalagay din ng tattoo sa ring finger niya. Isn't it cute that we both have tattoos on the same finger?

"At ano namang papalagay ko?" he asked while flipping pages through the album. "Wala namang 'Paige' dito."

"'Di bali na nga lang." sabi ko dahil wala kaming makita na pwedeng ipalagay ni Kai.

"Wait..." ani Kairon at bigla siyang napangiti. "This is perfect! I'm getting this."

Tinignan ko ang tinuturo niyang text.

Pie

Iyon ang nakalagay.

"Pie?" I asked.

"Yeah..." gumalaw ang kanyang panga. "Actually, I've been thinking of what nickname to call you since everyone else are calling you Paige. I don't want to be just like everyone else. And now, this is just the perfect idea on what to call you. Your name is Paige. Let's just remove the letter a and g."

Paige minus the letter a and letter g would be Pie.

"Can you be my Pie, baby girl?" Kairon huskily said.

My heart suddenly overflows with rainbows and unicorns and cotton candies.

Pakiramdam ko pulang pula na ang pisngi ko.

Tumango ako at dahan-dahang ngumiti. "I can be anyone as long as I'm yours." I said to him.

Muling umigting ang panga niya. Lumunok siya at bahagyang sumabunot sa sariling buhok. "Damn, your making me crazy. Stop with the cheesy lines or I'll kiss you."

Natawa naman ako sa kanyang reaksyon. "'Wag ka na ngang magulo at magpalagay na ng sticker tattoo!"

"Yes po." aniya. "Teka nga... Saan ka ba nakakita ng commander na under?"

"Che!" utas ko sabay tulak sa kanya para makapagpalagay na dahil mahaba na ang pila sa booth.

We are walking down the hallway. Busy si Kairon kakatingin sa daliri ko at daliri niya. Salit-salit niyang tinitignan ang mga iyon.

Garnet Academy: School of ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon