CJ's POV
I have waited for this day to come. Bigla kasing bumagal ang oras. Siguro dahil inaantay ko talaga itong araw na ito. Inaantay ko talaga ang field trip. We are going on a field trip at masaya ako. Why? Because I will get to know Star more. Makakasama ko siya. It is only 6am when I arrived at school. Seven o'clock pa ang usapan. I am one hour early. Bigla naman akong natawa. Iba talaga ang tama sa akin ni Star. Sa sobrang excited ko, eto ako ang unang-unang dumating dito sa school.
Unti-unti nang nagdatingan ang mga classmates at iba pang mga estudyante mula sa ibang klase. Iisang bus lang kami ni Star. Umupo ako sa bakanteng upuan at hinintay ang pagdating niya. Plano ko kasing tanungin siya kung ok lang na tabi kami sa bus. Baka sakali lang namang pumayag siya. Mula sa bintana ay nakita ko na siyang dumating. Anytime ay aakyat na siya sa bus.
"Bro!" tawag sa'kin ni Raffy. Kasama niya ang iba naming kabarkada. Kasabay nilang umakyat sa bus ang barkada ni Natalie. Pinopormahan kasi ng mga ugok ang mga kaibigan ni Natalie. Who's Natalie? Well she's my ex girlfriend (according to her hehehe).
Lumapit sila sa kinauupuan ko. At itinulak sa tabi ko si Natalie. Dahilan para mapaupo at mapayakap ito sa'kin. Bad timing. Eksaktong eksakto sa pag-akyat ni Star sa bus. At ang naabutan niyang eksena ay kaming dalawa ni Natalie na magkayakap at ang mga kabarkada kong naghihiyawan.
"Sorry CJ. Ang kulit kasi ni Raffy e." mahinang sabi ni Natalie habang namumula ang mukha.
"Sige na. Ok lang. Hanap ka na ng upuan mo." I told her. I was about to call Star when Raffy interrupted, "Ano ka ba, Nat. Dyan ka na maupo sa tabi ni CJ. Kami na lang ni Shane ang magkatabi. Ako naman dapat ang uupo jan. Sige na, wag ka nang umalis dyan."
"Hindi pwede. Meron..." naputol ang sasabihin ko nang sumingit na naman si Raffy. "Huwg ka nang tumanggi bro. Si Natalie na yan, choosey ka pa. Kailan ka pa natorpe sa babae?" Kahit kailan talaga ay panira sa diskarte ang isang ito. Makukutusan ko siya nang isa mamaya.
Wala akong nagawa kung hindi hayaan si Natalie na maupo sa tabi ko. Hinanap ng mga mata ko si Star at nakitang nakaupo na ito sa bandang unahan. Ano na lang ang iisipin ni Star sa'kin? Pinopormahan ko siya tapos nakikipaglandian ako sa iba? Haaay! Wrong timing talaga itong si Raffy e.
Buong byahe akong tahimik hindi dahil nahihiya ako. Buong byahe akong tahimik dahil naiinis ako. Si Star sana ang katabi ko e. Napakaingay pa nitong si Nat. Maya't maya ay inaalok ako ng pagkain.
"Sige na, CJ. Isa lang o." pagpilit niya na isubo sa'kin ang biscuit na hawak nya.
"No, but thanks Nat. Hindi talaga ako gutom."
"Parang isang biscuit e. Sige na. Say aaaah" at wala akong nagawa kung hindi isubo ang biscuit. Eksakto na naman ang eksenang ito sa paglingon ni Star sa pwesto namin. Waaaaaah! Why is this happening to me? Sigurado bad shot na talag ako kay Star.
Lumipas ang kalahating araw na hindi ko man lang nakausap si Star. Ang kulit kasi ni Raffy. Hinihila ako lagi para sumama ako sakanila. Tuwing lalapitan ko naman si Star ay laging may kumakausap sa kanyang classmate namin. Tadhana nga naman. Masyadong mapagbiro.
Lalapitan ko na sana si Star para sabay naman kaming makapaglunch pero as usual, hinila at pinilit akong maupo ni Raffy kasama sila. They are using me para makasama ang mga friends ni Nat na cheerleaders sa school.
I want to be with her. I'll make sure na hindi matatapos ang araw na ito na hindi man lang kami nagkakausap.
**********
BINABASA MO ANG
Behind the Clouds (Published under Viva Books)
JugendliteraturFriendship, love and everything in between. Can death separate two hearts that are destined to be together?