Chapter 14: The letter

571 20 1
                                    

Star's POV

It has been a year since Mandy left us. Back then, I was really pained. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang buhay na wala na siya. I wanted to shout. I wanted to blame God. I wanted to cry my heart out. But then I remembered what Mandy told me. Be happy.

I decided to take a vacation away from all of these. I decided to stay far away. Almost one year have already passed. Tanggap ko na. May kaunti pang sakit pero kaya ko na. Kaya ko nang harapin ang mga tao at bagay na dapat ay noon ko pa hinarap - ang mga tao at bagay na makakapagpaalala sa akin kay Mandy.

"Welcome to the Philippines." bati ng mga nakasalubong kong tauhan sa airport. Tanging si mama lang may alam na ngayon ang dating ko. One year ago, ibinilin ko kay mama na wala siyang pagsasabihan kung nasaan ako. Sinabi ko sa kanya na gusto ko munang mapag-isa at i-sink in sa puso at isipan ko na wala na talaga ang bestfriend ko.

Kamusta na kaya ang mga taong bigla ko na lang iniwan? Is Kuya Steven doing well? How about Tita Pearl? Sigurado hanggang ngayon ay nangungulila pa din siya sa pagkawala ni Mandy. He suddenly crosses my mind. Kamusta na kaya siya? Galit kaya siya dahil hindi ako nagpaalam na aalis ako? Have he found that girl who will love him? Nakita na ba niya ang babaeng handa siyang panindigan at ipaglaban? Is he doing fine? It has been a while. Kamusta ka na kaya, CJ?

Napagdesisyonan kong sa bahay nila Mandy dumiretso upang tignan sa huling pagkakataon ang kwarto ni Mandy. Bukas kasi ay death anniversary na ni Mandy at ang napag-usapan noong nakaburol pa si Mandy ay pagkatapos ng isang taon, itatago na nila ang mga gamit ni Mandy. Ito ay para na din mabilis makamove-on si Tita Pearl sa pagkawala ng kanyang unica hija. Pero sa loob ng isang taon ay hindi nila gagalawin ang mga gamit sa loob nito.

"Star! Ikaw ba iyan?" tanong sa akin ni Tita Pearl nang makapasok ako sa bahay nila.

"Opo Tita. I'm back." I told her. Tita Pearl approached me at hugged me tight.

"Mabuti naman at umuwi ka bago ang death anniversary ni Mandy. Akala ko ay matitiis mo nang hindi umuwi." sabi niya sa akin.

"Pwede ba naman po iyon? Hindi ko po palalagpasin ang ganoong okasyon. Kinailangan ko lang po talagang umalis para makapag-isip isip." sagot ko sa kaniya.

"Sayang at wala pa si Steven. Hintayin mo na ang pag-uwi niya. Siguradong matutuwa iyong makita ka." pakiusap sa akin ni Tita Pearl.

"Sige po. Wala naman po akong ibang lakad." sagot ko sa kaniya.

"Ipaghahanda muna kita ng makakain." sambit ni Tita Pearl.

"Sige po. A tita, pwede ko po bang makita iyong kwarto ni Mandy habang naghahanda po kayo ng pagkain?" pagpapaalam ko.

"Oo naman. Eksakto dahil bukas ay sisimulan na namin iyong linisin. Tuloy ka na iha." pagpayag niya.

I went upstairs and entered Mandy's room. Pagpasok ko pa lang ng silid niya ay tumambad na sa akin ang mga alaala ni Mandy. Seeing Mandy's stuffs made my tears fall. I saw Mr. Bunny and Mrs. Bunny, Pinky, Kitty, Candy, Lolita and Serenity - these are the stuff toys I gave Mandy. Mahilig kasi talaga si Mandy sa mga stuff toys. Niyapos ko ang isa sa mga ito.

"Hi Serenity. Miss mo na ba si mommy Mandy mo? Miss ko na din siya e. Sigurado miss na din niya tayo." kasabay nito ang pagtulo ng mga luha ko.

Then I saw the pictures on Mandy's table. I saw Mandy's high school grad picture. Mandy is so pretty. She is so innocent and her face is like an angel. Then a picture captured my attention. It is our picture when we were four! Our first ever picture. Picture iyon noong nagkakilala kami sa volleyball tournament. Iyong ibang pictures na nandoon ay pictures din namin - picture namin noong elementary graduation, picture namin noong JS Prom, picture namin noong field trip namin. Bigla kong naalala ang masasayang memories naming magkasama.

Then I saw a box near the cabinet. Nakasulat sa box ang pangalan ko. I got curious and grab the box. I sat on the bed and opened it. There I saw two flocks of hairs. Ito iyong buhok noong first time naming magpagupit na magkasama. Talaga pa lang tinago ito ni Mandy.

Nakita ko din iyong t-shirt na may autograph ni Ed Sheeran noong nanood kami ng concert nito. Pati iyong hello kitty na ballpen na binili namin dati na pareho kami, naandito din. Pati iyong friendship bracelet na ginawa namin dati noong bata pa kami.

Lahat pala ay naitago ni Mandy. Lahat ng memories namin ay nasa kahon na ito. Pati mga pictures namin together nasa kahon lahat. Then I saw an envelope with my name written on it. It is a letter. A letter from Mandy.

My hands are shaking while I was opening the letter. I rubbed and wiped the tears on my eyes so I can read clearly.

To my favorite person, Star:

By this time, I am already in heaven singing with the angels. I would like to thank you for the sixteen amazing years that we've been together. The days that I am with you, are the best days of my life at babaunin ko iyon hanggang heaven.

Sorry kung wala na ako para makita kung anong mangyayari sa buhay mo, kung paano ka magiging isang successful na volleyball player. Sorry kung hindi na kita makikita pag-akyat mo ng stage sa graduation mo. Sorry kung hindi na ako makakapunta sa ipapatayo mong bakery. Sorry kung hindi ko na matitikman ulit ang mga cupcakes mo. I may not be there, but I am sure that you're life will be fantastic and awesome! Sweg tayo diba?

Naaalala ko pa noong nagtatalo tayo dati about sa heaven. Kung pagdating ba sa heaven e maaalala pa natin iyong mga memories natin dito sa earth. I would like to believe the answer to that is yes. Kasi gusto kong maalala iyong masasayang memories natin together. I want to remember every moment that we have shared together.

Please be happy, Star. Please go and chase your happiness. Do not let anyone to bring you down. Do not let anyone to get your happiness away from you. You are that person who deserves to be happy. You are that person who deserves genuine happiness.

Pag namimiss mo ako, just look at our pictures together and remember that I am just above watching you. Always remember that I am just here. At kahit magkalayo na tayo, ikaw pa din ang bestfriend ko. Distance cannot separate two hearts that are destined to be together. We will always be together, Star - in our hearts.

I love you, Star. Please always remember that. I am super blessed that God gave me you to be my bestfriend. I am thankful to God that he gave me sixteen years to be with you - sixteen wonderful years.

Goodbye for now, bestfriend. Someday, behind the clouds, we will meet again.

Your loving bestfriend,

Mandy

My eyes start overflowing with tears. Nasa puso ko pa din ang sakit dahil sa pagkawala mo. I don't know when we will meet again. But when that day comes, I'll come to you with arms wide open and hug you so tight.

I miss you, Mandy.

Behind the Clouds (Published under Viva Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon