Chapter 2: The closer I get to you

1.3K 37 15
                                    

Star's POV

Simula noong first day ng klase ay lagi na akong nakakatanggap ng text messages kay CJ. I chose to ignore those messages. Hindi dahil nagpapabebe ako or what. Naaalala ko pa din kasi yung nangyari last time. At sigurado ako na kaya niya ako kinukulit ay dahil nakita niya ang nangyari at gusto lang niya akong asarin. Kahit sa classroom ay nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin at nakangisi. Pero honestly speaking, kinikilig ako tuwing nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin. Is this what you call puppy love?

Kasalukuyan akong nakatungo sa aking desk habang inaantay na mag-ala siete. Hindi pa din sanay ang katawan ko sa ganitong oras ng gising. It has been weeks already. Mukhang kailangan ko ng isang buong sem bago maging sistema ng katawan ko ang pag gising nang maaga.

Naramdaman kong may naupo sa tabi ko. Nandito na siguro si Aira. Hindi ko muna ito binati dahil antok na antok pa ako. Alam ko maiintidihan naman niya ako. I was startled when I heard a man's voice beside me. Parehong babae kasi ang katabi ko.

"Hi Star." he greeted me.

Nanlaki ang mata ko nang makita ko kung sino ang nasa tabi ko ngayon. Parang kanina lang iniisip ko pa ang mga biceps niya. Teka, am I dreaming? Ang lakas naman ng tama niya sa'kin at pati panaginip ko, siya pa din ang laman. Hindi ko alam na napatulala na pala ako dahil sa pag-iisip ko. He snapped his fingers in front of my face.

"Hey!!! Ganoon ba ako ka-gwapo para matulala ka nang ganyan? Good morning Star!"

"Yabang!" I whispered at bumalik ako sa pagkakahiga sa desk ko.

Nagulat ako nang imulat ko ang aking mga mata. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siyang nakahiga na din sa desk at nakaharap sa'kin. Magkaharap kami ngayon na parehong nakahiga sa desk. Agad akong bumangon sa pagkakahiga. Feeling ko ay para na namang kamatis sa pula ng mukha. Nakangiti kasi siya sa'kin. Shet! Bakit ang gwapo niya?

"A-ano bang problema mo? Bakit ba a-ako ang kinukulit mo?" uutal-utal na sabi ko sa kanya.

"Uyy si Star, nauutal. Nastarstruck ka ba dahil nasa harap mo ang crush mo ngayon?"

"Ayy biglang humangin o. May bagyo ba? For your information, hindi kita crush no!" pag-dedeny ko.

"Kung hindi din naman ikaw si CJ, huwag mo na akong itext. Hindi pala crush ha. So, nag-assume lang ako?" Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Napahawak naman ako agad sa puso ko na anytime ay pwede nang malaglag sa sobrang bilis ng tibok nito.

Itinulak ko siya nang bahagya para mailayo ang mukha niya sakin. "Ano bang problema? Bakit ba kinukulit mo ko?"

"Nothing. I just want us to be friends. I want us to be closer" inilapit na naman nya ang mukha nya sakin.

Agad ko naman siyang itinulak muli.

"Ang sungit mo talaga. Haaay! Hindi na naman ako makakapagconcentrate mamaya sa klase." Buntong hininga niyang sinabi. "Kasalanan mo." dagdag pa niya.

"At bakit ko naman naging kasalanan iyon?" tanong ko sa kanya.

"Siyempre tititigan lang kita nang tititigan e." Sabay kindat niya sa'kin.

"Bakit ka naman kasi sakin titingin? Edi kay Ma'am Asuncion ka tumingin. Mukha bang blackboard ang mukha ko?"

"Bakit ko naman tititigan si Ma'am Asuncion? Siya ba ang crush ko?" seryoso niyang sabi. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko kaya hindi ako sumagot.

"O bakit hindi ka makasagot, kinikilig ka no?" Kung pwede lang tumili ngayon, gagawin ko sa sobrang kilig ko. Chill lang Star. Dalagang Pilipina ka dapat. Wag kang magpapadala sa mga pambobola ni CJ. Pilit kong kinakalma ang sarili ko.

Behind the Clouds (Published under Viva Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon