Star's POV
Kulang na kulang ang tulog ko. Hindi kasi ako agad nakatulog kagabi dahil masyado akong madaming iniisip. Iniisip ko kasi kung paano ko sasabihin kay Mandy ang totoo. She is my bestfriend. I should not hide anything from her. Malalim pa din ang aking iniisip nang nakatanggap ako ng isang mensahe mula kay CJ.
"Mornings are more beautiful because of you. Good morning baby Star. Can't wait to see you."
May usapan nga pala kami ni CJ na magkikita ngayon. Tuwing naaalala ko si CJ ay naaalala ko din si Mandy. Bakit kasi sa dinami-dami ng lalaki dito sa mundo ay pareho pa kami nang ginusto?
"Haaaaaaaaay!" Isang mahabang buntong-hininga ang aking inilabas. Baka kasi kahit papano ay mabawasan ang bigat nang nararamdaman ko. Wala din namang magagawa kung patuloy ko lang siyang iisipin. Ang kailangan ay may gawin ako. Kailangang gawin ko ang tama. Pupunta ako kay Mandy at sasabihin ko sakanya ang totoo. Dali-dali akong bumangon at naligo. Nang makatapos na sa pag-aayos ng aking sarili ay agad akong lumabas ng kwarto at bumaba.
Nagulat naman ako sa nadatnan ko sa ibaba ng aming bahay.
"Good morning bes! Mukhang may lakad ka a. Wrong timing ata ang punta ko." Bati sa akin ng aking bestfriend.
"Ahh wala naman. May group meeting lang kami pero mamaya pa naman yun." I hate it. Kinailangan ko na namang magsinungaling sakanya.
"Ahh okay. So pwede pa akong tumambay dito?" Tanong ni Mandy sa akin.
"Oo naman. Bakit ka nga pala nagpunta dito? Saka diba dapat nasa bahay ka lang at nagpapahinga. Dapat ay nagpapalakas ka para sa susunod na chemo mo." Tuloy-tuloy na sabi ko kay Many habang naghahanda ako ng aming makakain dito sa kusina.
"Nakaka-bore sa bahay e. Nagpa-awa effect lang ako kay kuya Steven para payagan ako. Sakto naman palabas din siya kaya hinatid muna niya ako dito." Pagpapaliwanag ng aking kaibigan.
"Ikaw talaga. Next time, kapag gusto mo nang makakausap or kapag nabobore ka sa bahay ninyo, itext mo lang ako. Ako na lang ang pupunta sainyo para hindi ka na mahirapan."
"Okay. Pero kaya din ako nagpunta dito kasi may sasabihin ako sa'yo." sabi ni Mandy na para bang bulateng inasinan sa sobrang kilig. Mukhang alam ko na kung ano ang susunod niyang sasabihin.
"Kasi bes, si Chase. Kahapon nakiupo siya sa may table kung nasaan ako sa library. Grabe bes. Ang gwapo talaga niya lalo na sa malapitan. Tapos buong oras na nandoon kami, wala siyang ginawa kung hindi magbasa nang magbasa. Nakakaturn-on, lalaking mahilig mag-aral. Napansin ko din talaga yun e. Dati wala siyang pakialam sa mga lectures. Pero recently parang ganadong ganado na siyang mag-aral. Lagi pa ngang highest sa mga exams e. Lalo tuloy akong nainlove. Ewan ko ba bes. Pero makita ko lang siya, nagiging masaya na ako. Makita ko lang siya, nabubuo na ang araw ako." Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Mukhang tuluyan nang nahulog si Mandy sa lalaking mahal ko. Yes, I am in love with CJ, madly and deeply in love.
"Oo nga pala bes. Kailan mo ko tuturuan ng piano? Excited na ako." Tanong niya sa akin.
"I know someone who can teach you how to play the piano." I told her.
"Ha? Hindi ikaw ang magtuturo sa akin? Bakit bes? Mas maganda kung ikaw. Nakakahiya kasi kung iba. Alam mo namang ang tigas ng mga daliri ko." Mandy told me while pouting her lips.
"Huwag kang mag-alala. Siguradong matututo ka sa magtuturo sa iyo. Trust me."
Alam ko kung anong makakapagpasaya kay Mandy. Alam ko kung sino ang taong makakatulong para maging mas masaya pa ang mga natitirang araw niya.
BINABASA MO ANG
Behind the Clouds (Published under Viva Books)
Ficção AdolescenteFriendship, love and everything in between. Can death separate two hearts that are destined to be together?