Star's POV
Nakatulog na ako sa pag-aantay ng reply mula kay Mandy. Nang magising ako ay cellphone agad ang hanap ko. Pero walang reply. Sinubukan ko siyang tawagan pero currently not available ang number niya. Galit ba siya? Naiinis ba siya? Kilala ko si Mandy, hindi siya ganito. Kung sakali mang may sama siya ng loob, she will voice it out. She will never ignore me.
Bago pumasok sa school ay nagdesisyon akong dumaan sa bahay nina Mandy to check her and to talk to her. Pero walang tao. Ibig sabihin wala din sina Steven at Tita Pearl.
Nagtungo ako sa school. I waited for her during lunchtime pero walang Mandy na dumating. Kahit ang makulit na si Steven ay wala. Good thing at nandito si CJ para samahan akong kumain ng tanghalian.
"Baby Star, bakit parang matamlay ka?" CJ asked me out of nowhere.
"Ha? Hindi no. Feeling mo lang iyon." sagot ko sa kanya para hindi na siya mag-alala.
"Weh? E iisang kutsara pa nga lang nababawas mo dyan sa pagkain mo e."
"Hindi ko kasi macontact si Mandy. Tapos galing ako sa kanila, walang tao. Hindi din sila pumasok ni Steven. Nag-aalala lang ako." I told him habang pinaglalaruan ang kutsarang hawak ko.
"Wag ka nang mag-worry. Baka naman may pinuntahan lang?"
"Kilala ko si Mandy. Lahat ng pupuntahan nun, sinasabi niya sa akin. Saka bakit hindi siya matawagan? Si Steven naman hindi nasagot." Napabuntong-hininga na lang ako.
"Subukan mo na lang ulit tawagan si Steven. Baka busy lang o may importanteng ginagawa. Baka din biglaan ang lakad nilang pamilya kaya hindi ka na nasabihan ni Mandy. Huwag ka nang masyadong mag-isip. Magtetext din siya. For now, kumain ka na muna o. Hindi ako sanay na wala kang gana. Talo mo pa kaya ang inahing baboy sa lakas mong kumain." pang-aasar niya sakin. CJ wants to light up the mood.
"Yabang mo! Ang sarap kayang kumain." I told him.
"Sa wakas ngumiti ka din. Buo na araw ko." Haaaay CJ. Kung alam mo lang, you never fail to make my day too.
Natapos ang klase namin. Hinatid ako ni CJ sa bahay dahil wala akong kasabay umuwi. Sobrang nag-aalala pa din ako kay Mandy at Steven. Bakit kaya hindi ko sila ma-contact? Bakit wala sila sa bahay nila? Anong importanteng bagay ang nangyari at hindi man lang nabanggit sa akin ni Mandy?
**********
Mandy's POVI suddenly lost consciouness last night. And when I woke up, I am already on a hospital bed. I was looking for my phone. I remembered that I am using it last night before I passed out. I asked Kuya Steven and he told me that my phone was broken. It fell on the floor when I lost consciousness and it blocked out. Kailangan pa syang ipareformat. Sayang naman ang mga pictures namin ni Star don. Di bale, we can always make new memories together.
"Kanina pa nagtetext at natawag si Star. Sasagutin ko na ba?" tanong sa akin ni kuya.
"Wag na muna. Hintayin na lang muna natin yung results para maganda naman ang ibabalita ko kay Star. Anytime naman, padating na si doc with the results." Napansin kong pabalik balik na naglalakad si kuya sa loob ng kwarto. Halatang balisa at labis na nag-aalala sa resulta.
"Kuya, relax lang! Negative ang result. I'm sure of it. Katawan ko ito kaya alam ko. Ang lakas lakas ko o. Wala akong nararamdamang panghihina. Trust me." kinuha ko ang kamay niya at hinawakan. Kinailangan kong magsinungaling na wala akong nararamdamang mali. Sa totoo lang ay ilang araw na akong nanghihina. Ilang araw na akong nakakaramdam ng hindi maganda. Feeling ko lagi akong pagod. After magdugo ng ilong ko noon sa clinic, nasundan pa iyon.
I undergone a blood test. Results have shown abnormal blood count. Abnormal level of white blood cells. Sana nga kasing simple lang siya ng dengue. Pero I know it's more than that. The doctor advised for me to undergo bone marrow biopsy. Nakuhanan na ako ng sample last night and we are currently waiting for the result. It will be out today. I must think positive. I must stay strong. Kitang kita ko ang pag-aalala kina Mama at Kuya Steven. Nang magising nga ako ay narinig kong nag-uusap sila. Hindi nila namalayan ang paggising ko kaya hindi sila tumigil sa pag-uusap. Umiiyak si mama. Ramdam ko ang sakit sa bawat salitang binibitiwan niya kay kuya. Kaya kahit alam kong may mali, kailangan kong magpakatatag para sa kanila.
The long agony is over. Yeah, overnight lang pero sobra ang binigay nitong paghihirap sa amin. Bigla kasing bumagal ang oras simula nung sumailalim ako sa procedure. The doctor entered my room. Hindi ko mabasa sa mukha niya kung ano ang laman ng sobreng dala niya. Kung ano ang nakasulat sa papel sa loob ng sobreng iyon. Tinanong ng doctor kung maaari niya bang i-discuss ang result na kasama ako. Agad akong sumagot na ayos lang sa akin. Kung anuman ang resulta ay handa ako.
Inabot niya ang sobre kay mama pero tinanggihan ito ni mama. Hindi daw niya kayang basahin ito. Inabot ni kuya ang sobre. Binuksan at binasa ang papel sa loob nito.
Napaupo na lamang si kuya sa katabing upuan at nagsimulang pumatak ang luha sa kanyang mga mata. Alam ko na. Alam ko na ang resulta.
"I am sorry Ma'am, Sir." Hindi makatingin nang diretso ang doktor kina mama at kuya. "It's positive po. Mandy has acute myeloid leukemia."
BINABASA MO ANG
Behind the Clouds (Published under Viva Books)
Novela JuvenilFriendship, love and everything in between. Can death separate two hearts that are destined to be together?