Star's POV
CJ is officially courting me. I cannot explain how happy I am right now. I got everything - a mom and a dad who loves me, a bestfriend who will never leave me, an exciting college life ahead of me, and a man who inspires me to be my best. What more can I ask for? God blessed me with more than what I need.
Days slowly passed as the semester is about to end. Absent ngayon sina Mandy at Steven. Biglaan nga e. Meron daw aayusin sa probinsya nila ang mommy nila. That means, I have to eat lunch alone.
I was at the canteen and finding a seat when someone whispers on my ear, "Hi Star."
"Nakakagulat ka naman!" Muntik ko nang mabitawan ang tray na hawak ko sa gulat ko sa kanya.
"Wala kang kasabay?" CJ asked me.
"Wala e. Absent sina Mandy at Steven." I answered as a look for a place where I can sit. Medyo puno kasi ang canteen pag ganitong oras.
"Edi sabay tayo." Hindi pa ako pumapayag, kinuha na niya ang hawak kong tray at dinala sa mesa nila. Kasama pala niya ang mga kaibigan niya. At ang mga babaeng kasama nila noong field trip.
"Guys, this is Star." pagpapakilala niya sa'kin. "My future girlfriend." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Siniko ko siya at tinaasan ng kilay. Ngiti at kindat lang ang sinagot niya sa'kin. Punong puno talaga ng self confidence ang isang ito.
"So, you're the new apple of the eye. I'm Natalie, CJ's exgirlfriend." pagpapakilala ng isang babaeng parang binabad sa chlorox sa sobrang puti giving an emphasis on "EX". I know her. Siya iyong dahilan kung bakit nasira ang kalahati ng araw ko noong fieldtrip.
"Ang init dito! Pre, tapos na naman kaming kumain kaya aalis na muna kami. Masyadong mainit dito e. Para lumamig lamig." pagpapaalam ni Raffy.
"But I still want to spend time with CJ. I still want to-" naputol ang sinasabi ni Natalie nang akbayan siya ni Raffy at isama paglabas ng pinto ng canteen. Bago sila tuluyang lumabas ay kitang kita ko ang mga mata niyang tumitirik sa inis. Napangiti na lang ako. That girl.
"So, sabay pala kayong naglulunch ni Natalie?" I asked CJ nung maiwan na kaming dalawa sa table.
"Well, yes. Pag sabay ng break. Girlfriend kasi ni Raffy yung bestfriend niya kaya nakikisabay na din siya." he answered. So, lagi pala talaga silang magkasabay.
"I see. So lagi kayong magkasama? She is still into you. Sigurado namang ramdam mo iyon." I seriously asked him.
"She is open about that. She always tell me that she still loves me."
"What???? Mahal ka pa tapos lagi kayong magkasama???? Edi iisipin niya ok lang sayo. Iisipin niya na may pag-asa pa kayo since lagi kayong magkasama." Tumaas ang isa kong kilay.
"I already told her na wala na kaming chance." he answered.
"Wala na nga ba?" I doubted it. Kung wala na, sana hindi na siya pumapayag na magkasama silang kumakain araw-araw.
"Wala. Teka, bakit ba si Natalie pinag-uusapan natin?" he asked. I just pouted. He continued, "Nagseselos ka ba?" nangingisi niyang tinanong sakin.
"Bakit naman ako magseselos? Ano namang kaselos-selos sa babaeng mukhang ibinabad sa chlorox sa sobrang puti? Ano namang dahilan kong magselos na araw-araw pala kayong sabay kumakain ng ex mo?" I put an emphasis on the word ex also. "Ano namang laban ko isang cheerleader na pinagpapantasyahan ng buong university? At higit sa lahat, ano namang karapatan kong magselos e nililigawan mo pa lang naman ako?" Sa sobrang inis ko sa babaeng iyon, ang dami ko tuloy nasabi. Para pa kong machine gun sa bilis at walang putol na pagkakasabi ko sa mga tanong ko.
BINABASA MO ANG
Behind the Clouds (Published under Viva Books)
Подростковая литератураFriendship, love and everything in between. Can death separate two hearts that are destined to be together?