CJ's POV
Ngayon ang first death anniversary ni Mandy. Ang pagdalaw sa puntod niya ang una kong ginawa. Papunta na din daw sina Steven kaya hihintayin ko na lang sila para makasabay na ako sa kanila papunta sa bahay nila. Mayroon kasing kaunting salu-salo for the celebration of Mandy's first anniversary in heaven. Para kasi sa amin ay dapat naming ipagdiwang ang araw na ito, hindi dahil natutuwa kami sa pagkawala ni Mandy, kung hindi dahil masaya kami na nakauwi na siya sa tunay niyang tahanan - sa piling ng Maykapal.
"Kamusta ka na Mandy?" bulong ko sa puntod niya. "Sana napasaya kita. Tinupad ko naman ang pangako sa'yo diba? Tinupad ko ang pangako kong aalagaan ko si Star at hindi pababayaan." pagpapatuloy ko. Last year ay nagdesisyon si Star na lumayo sa aming lahat. Ang sabi ng mama niya ay gusto daw nitong mapag-isa. Nangako daw siya kay Star na hindi sasabihin kahit kanino kung nasaan ito. Pero kinausap ko siya at nangako akong hindi ko guguluhin si Star.
Sinabi niya sa akin kung nasaan ni Star. Pumunta ako doon. Pero kagaya nang naipangako ko sa mama niya ay hindi ko siya guguluhin. I watched her from afar. I made sure that she is doing fine all the time. Saksi ako sa lahat ng luhang nailabas niya habang pilit na ipinagpapatuloy ang buhay niya sa Canada. Tapos na ang dalawang linggo kong bakasyon. Kinailangan kong bumalik sa Pilipinas dahil sa pag-aaral ko. Siguradong hindi matutuwa si Star kung malalaman niyang tumigil ako sa pag-aaral para lang mabantayan siya. Kaya kinausap ko na lang ang pinsan ni Star na siyang kasama niya sa Canada. Nakiusap ako na kahit anong mangyari ay hindi niya sasabihin kay Star na nagkausap kami. Pinabantayaan ko siya at lagi akong nakikibalita tungkol sa lagay ni Star doon. Kahit magkalayo kami ay sinugurado kong matutupad ko ang ipinangako ko sa aking kaibigang si Mandy.
Buong araw akong hindi tinawagan ng pinsan ni Star kahapon. Hindi ko tuloy alam ang mga kaganapan sa buhay ni Star kahapon. Di bale, mamaya pagkatapos ng celebration namin ay tatawagan ko siya.
Nakita kong paparating na sa kinaroroonan ko ang isang kulay blue na SUV. Ito ang sasakyan ni Tita Pearl. Maaga sila kaysa inaasahan. Unang nakababa ng sasakyan si Tita Pearl. Kasunod nitong bumaba mula sa driver's seat si Steven. Nagulat ako nang nagbukas ang pinto sa likod ng sasakyan. May iba silang kasama? Ang alam ko kasi ay nasa Nueva Ecija ang lahat ng kamag-anak nila. Maaaring may umuwi silng kamag-anak upang bisitahin si Mandy.
Agad akong nagmano kay Tita Pearl nang makalapit ito sa akin. Hindi ko pa din maalis ang tingin ko sa pinto ng sasakyan ni Steven hanggang sa makita ko kung sino ang bumaba sa sasakyan.
Her shoulder length hair is shining. Her brown eyes are glowing likes stars in the dark night. I missed her. I want to run to her and hug her so tight. But, here I am with my feet glued on the ground. Kamusta na kaya siya?
Star's POV
Siya ang bumungad sa akin nang makababa ako sa sasakyan. His chinky eyes, his messy hair that makes him look good, that tons of muscles, his pointed nose and lips as red as cherry. How can I forget this man? Ganoon pa din siya, just like the first time I first laid my eyes on him. He is still the same - my first love.
Lumapit ako sa kinaroonan ni Tita Pearl. Nag-alay kami ng bulaklak sa puntod ni Mandy. Kaunting minuto pa ay pumatak na ang mga luhang kanina pa pinipigilan ni Tita Pearl sa pagtulo. I hugged her. Unti-unti na ding nagsimula ang pagtulo ng mga luha ko. We miss you, Mandy. I miss you bestfriend.
Kagaya nang napag-usapan ay dumiretso kami sa bahay nina Steven after sa sementeryo. May kauting salu-salong inihanda si Tita Pearl. Lahat ng paboritong pagkain ni Mandy ay inihanda ng mama niya. Miss na miss na talaga niya si Mandy.
Me and Tita Pearl are having some chitchats when somebody called her. Right after she left me, Steven approached me.
"So, kamusta ang Canada?" he asked me.
BINABASA MO ANG
Behind the Clouds (Published under Viva Books)
Teen FictionFriendship, love and everything in between. Can death separate two hearts that are destined to be together?