Klej POV
ang saya ng JS prom. nag enjoy talaga ako ng sobra. si Jing kaya kamusta? natxt ko na sya and buti naman nakauwi na sya. nakalimutan ko talaga sya kanina. buti nalang okay sya and sa palagay ko nagtampo na yun.
pauwi palang ako. galing ako sa bahay nila Grace and nameet ko yung parents nya, nakipag kwentuhan pa nga ako eh. it's a great night. :)
pagdating sa bahay
kumatok ako and guest what bumalaga si daddy.
" bakit ngayon ka lang?" okay that's my dad.
" bakit gising ka pa dad?" binalik ko lang ng tanong sa kanya.
" malamang hinihintay kita! kanina pa kami ng mama mo naghihintay dito. wag mong akong balikan ng tanong ulit!" duro sa akin ni dad. paktay tayo dyan.
" sorry dad nasiyahan lang." ako
" pasalamat ka tulog na mama mo! kung hindi..hindi ka lusot ngayon! hala sige umakyat ka na. matulog agad ah?" see ang cool talaga ng dad ko.
" thanks dad! ang cool mo talaga!" sabi ko
" halika muna nga pala." tawag nya sakin
" bakit dad?" lumapit ako sa kanya. " aaarrrrraaaayyyyy!" piningot ba naman ako. binabawi ko ng cool sya! -_-
" yan para magtanda ka!" dad
" thanks a lot dad." sarcastic kong sabi sa kanya.
" wag mo kong ganyanin! baka upakan kita." sabi nya
" nagbibiro lang dad! I love you!" sabi ko. nasa hagdanan na ako.
" I love you too!" dad. kalokohan talaga ni dad
umakyat na ko amd naglinis na ko ng katawan ko. pagkatapos kong magbihis humiga na ko sa kama. inisip ko si Jing sigurado ako nagtampo yun ayaw pa naman nun ang naghihintay.
" aish! di bale na! weekend naman bukas eh babawi nalang ako sa kanya." ako saba talukbong ng kumot.
kinabukasan
" goodmorning ma." bati ko kay mama and nagkiss ako sa cheecks nya.
" goodmorning ? tanghali na uy!" epal na sabi ng ate ko. kahit kailan talaga toh eh noh!
tinignan ko yung orasan namin sa kitchen. 11:00 pa lang naman ah!
" di ka ba marunong tumingin ng oras ate? tss!" sabi ko ng naiiling
" che" nasabi nalang ni ate.
"uuyy!!! gising na ang magaling nating anak! " dad
" goodmorning daddy." nakasimangot kong bati sa kanya.
" ay! tama na ang asaran ah! kumain na kayo." mama
" thanks mama!" sabi naming lahat.
nagkainan na kami pagtapos nun naligo na ko at bumababa na.
" saan ka pupunta?" mama
" kila Jing lang ma !" sigaw ko and lumabas na ng bahay. narinig ko pa si dad na sabi eh! " ush ligawan mo na!" di ko nalang pinansin.
sa bahay nila Jing
toktoktok
bumukas ang pinto at si tita ang nagbukas.
" oh Klej. bakit ?" tita
" si Jing po tita?" ako. babawi talaga ako sa kanya.
" ah wala sya dito eh nasa tita nya." tita.
BINABASA MO ANG
Si Bestfriend ang Kawawa (under construction lol.)
Genç Kurguang story kong ito ay para sa mga mag bestfriend na (babae at lalaki). diba kasi kadalasan pag ganitong relationship minsan nagkaka- inlove- an na?? tapos tapos pag nagka girlfriend/ boyfriend naman si bestfriend pagseselosan naman ng boyfriend/girl...