Terence POV
Hindi ko na sinundan si Sofie, minabuti ko nalang na pumasok nasa kwarto ko. Alam kong naguguluhan siya sa nangyayari kaya hinayaan ko muna siyang mapag isa. Bukas na bukas din ay kakausapin ko siya, alam ko naman na hindi siya naniwala dahil lasing ako pero hindi naman ako tulad ng iba na walang malay sa sinasabi nila pag lasing sila. Pero ako alam ko kung anu yung sinabi ko kanina. At sana tama ang hinala ko na may pag tingin din siya sakin. At kung mali man ako gagawin ko ang lahat para matutunan niya kong mahalin.
Kinaumagahan ay hinanap ko agad si Sofie kahit masakit ang ulo ko dala ng hangover . Naabutan ko siyang nagluluto sa kusina. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at niyakap ko siya mula sa likod.
" Terence anu ba yan! Ginulat mo ko! " gulat na sabi ni Sofie. Nagtataka siguro kayo kung bakit Sofie nalang ang tawag ko sa kanya, mula kasi ng mag tapat ako sa kanya ay napagpasyahan ko na iyon na ang itawag sa kanya pag kaming dalawa lang ang magkasama.
" I love you!" madamdamin kong bulong sa kanya. Agad namang humiwalay sakin si Sofie.
" Bawiin mo yung sinabi mo, hindi totoong mahal mo ko!"
" Totoo toh! At patutunayan ko yan sayo. Dahil mula sa araw na to liligawan na kita" final na sabi ko sa kanya.
" Magsasayang kalang ng oras at panahon sa gagawin mo na yan." mariing saad nito sakin.
" Hindi mangyayari yun dahil sisiguraduhin kong mapapasagot kita!" Paninigurado ko sa kanya.
" Kuya gising kana pala!" Bungad na sabi ni Barbie sakin, mukang kagigising lang nito.
" OK kanina pa" sagot ko saka ko tinulungan si Sofie sa paghahain. Day off kasi ng mga katulong ngayon kaya kami kami lang ang nandito.
" Kuya anong oras ka umuwi kagabi?" tanong sakin ni Barbie.
" Hindi ko alam eh!" sagot ko habang nilalagyan ko ng pagkain ang plato ni Sofie
" Terence ako nalang, kaya ko namang kumuha ng pagkain ko." tanggi niya sakin pero di ko siya pinansin patuloy ko paring nilagyan ng pagkain ang plato niya.
" Tama na yan Terence, hindi ko na mauubos yan, yung pagkain mo nalang ang asikasuhin mo!"
" Oh sige!" sang ayon ko saka ako naglagay ng pagkain ko.
" Uuuuuy si kuya asikasong-asikaso si tita... siguro may ipabibili ka sa kanya noh!
" Wala noh! wag mo kong ginagaya sayo!' inis kong sabi sa kapatid ko.
" Oo nga pala! Ngayon ang uwi nila Sandy kaya kung wala kayong gagawin samahan niyo kong mag grocery" sabi samin ni Sofie.
". Sige tita, excited na nga ako sa pag uwi ni mommy at daddy" sabi ni Barbie. Ikaw kuya gusto mo bang sumama samin?" baling sakin ni Barbie.
" Oo naman noh!" sagot ko habang nakatingin kay Sofie . Agad naman itong nag iwas ng tingin saka pinag patuloy ang pagkain.
.........................
Nasa grocery na kami ngayon at kasalukuyang pumipili ng bibilin . Namimili si Sofie ngbibilin habang ttulak-tulak ko ang push cart . Ang sarap isipin na mag asawa kami at tinutulungan ko siyang bumili ng makakain naming. Haaaaaay sana balang araw magawa namin to na mag asawa na kami.
" Terence nakikinig kaba?" tanong sakin ni Sofie.
" Ha! May sinasabi kaba?" maang na sabi ko sa kanya.
" Sabi ko wag mo na ulit uulitin yung ginawa mo kanina sa bahay. Saka wag mo nang ituloy ang panliligaw mo dahil wala kang mapapala sakin. Hindi tayo bagay ang tanda ko na para sayo, humanap ka nalang ng ibang babaeng babagay sayo yung kasing edad mo.
"Ayoko! Ikaw ang mahal ko at saka wala akong pakialam kung mas matanda ka sakin. Age doesn't matter pag love na ang pinag uusapan. Kaya please wag mo na kong pigilin sa gusto kong mangyari" giit ko sa kanya .
" Ang kulit mo talaga Terence!"
" Oo makulit ako, at kukulitin kits hanggang sagutin mo ko"
" Sabihin mo nga sakin kung ano yung pwede kong gawin para tigilan mo na ko?" inis na tanong niya sakin.
" Sagutin mo na kasi ako? " agad kong sabi sa kanya.
" Sino yung sasagutin ?" Tanong ni Barbie na bigla nalang sumulpot may dala itong sariling push cart.
Nagkatinginan kami ni Sofie, halatang ayaw niyang malaman ni Barbie ang nangyayari saming dalawa .
" Ah yun ba? Tinanung ko lang si Ninang kung san tayo pupunta pgkatapos nito." sagot ko.
" Ganun ba akala ko nililigawan mo siya at sinasabi mo na sagutin kana niya ngayon " natatawang sabi ni Barbie.
Napatingin ako kay Sofie ng marinig kong may nalaglag.
" Okey kalang ba ?" nag aalalang tanong ko saka ko pinulot ang delatang nalaglag.
" Oo ok lang ako, medyo nadulas lang sa kamay ko." sagot ni Sofie " Mabuti pa bayaran na natin toh!"
" Okey" sang ayon ko. " Barbie bat ang dami naman niyan? Saka puro junk food yan ah! At ang dami namang chocolate niyan sasakit lang yung ngipin mo dyan.
" Hindi lang naman sakin to, saka ok lang naman tita diba?"
" Ah oo basta konti-konti lang ha! baka magkasakit ka pa pag kinain mo lahat yan." concern na sagot ni Sofie
" Oo tita, buti kapa hindi kj tulad ng iba dyan." Parinig ni Barbie sakin.
" May sinasabi ka?"
" Wala ang sabi ko itulak mo na yung push cart para makapag bayad na tayo" takot na sabi ni Barbie.
Nang makabayad ay inaya kami ni Barbie na manood ng sine.
"Tita nood tayo ng sine, mamaya pa naman uuwi sila Mama," saka may magandang movie ngayon".
"Ganun ba, eh! baka may lakad pa yung kuya mo"
"Wala kong lakad, sige manood tayo ilalagay ko lang to sa kotse" sagot ko "Tulungan mo ko Barbie"
"Ako nalang ang tutulong" pag vovoluntere ni Sofie.
"Naku! Hindi na si Barbie nalang" tanggi ko.
"Eh! ba't ganun tutulungan ka na nga ni Tita inayawan mo pa...Ako pa pinipilit mo" nakalabing sabi ni Barbie.
"Wag ka na ngang magreklamo dyan, tulungan mo nalang ako" ma awtoridad kong sabi kay Barbie. Nagpapalatak na tumalima sa utos ko si Barbie.
................................
sarahjoy00