Nang makompleto namin lahat ng nasa listahan ay agad kaming tumungo sa simbahan...medyo may mga nauna na pala sa amin kaya halos takbuhin na naming dalawa ni luke ang gate ng simbahan
"Hoohh! nakakapagod" muntik na kong mapasigaw ng biglang may nagsalita sa likuran ko si sky pala kasama nya si macee...tong bruha na to kalbuhin ko to eh
"Lucy..halika na" nagpatianod nalang ako kay luke dahil di ko alam kong kaya kopa grabee ang layo nung simbahan pero worth it ang pagod dahil ang lamig at ang ganda dito...isipin nyo na lang na nasa utaas ng isang burol ang simbahan at may malinaw na batis sa likuran tapos may mga upuang kahoy din sa bawat paligid ng sapa may maliit din na tulay dito
"Congratulations...sa inyo pero di ba tapos dahil ang mga nasa listahang yan ay syang gagamitin nyo mismo sa inyong kasal-kasalan" nakangiting wika ni ma'am Lamonte..
"WHAT?!" Sabay-sabay kaming tatlo nila sky at luke ang sumigaw samantalang si macee naman ay nakangisi lang arrgghh!! Planado to!!
"No!! Wala yan sa mechanics ng game!!" Again sabay-sabay ulit kami gaya-gaya ba tong dalawang to?
"aww.. sorry ngayon lang sinabing may ganyan pala heheh you don't have any choice" no! Hindi pwede dapat ako lang ang magiging bride ng asawa ko
Natapos din ang seremonyang kasal-kasalan chuchu eklabu nayon kaya kanya-kanya naman kaming balik sa lumintao river para magpahinga...god sobrang nakakapagod ang araw na to
"oh bella kanina ka pa?" Busy si inday kakacellphone..wala kayang signal dito halerrr....
"Hindi kararating ko lang din sinong naging partner mo?"
"Si luke"tipid kong sabi sabay tanggal ng medyas at sapatos ko..ang sakit kaya sa paa dami ko na ngang paltos eh
"Ayy kala ko si ano--" di ko na pinatapos ang sasabihin nya at tinanong ko nadin sya
"Si ano?"
"Si sky?"
"H-hindi ah si macee ang partner nya eh" nakakapanghinayang mang sabihin pero waahh!! Sila talaga yung partner eh
"Ok lang yan may ibang chance pa naman"
"Anong ibang chance eh last day na natin dito bukas" napaupo nalang ako sa comforter ko dito
"Wala na daw ata tayong activity na gagawin bukas pagkatapos ng gagawin mamaya"
"Anong activity ba ang gagawin mamaya?" Na curios naman ako kasi gabi na may activity parin?
"bonfire daw" bored nyang sabi
"no bayan bonfire nananaman? Wala na ba silang maiisip na iba?" Nakakasawa na halos lahat ng mga camping and other outdoor activities di nawawala ang bonfire
"Ewan ko nga eh tara maligo na tayo" sabay kaming lumabas ng tent at tinungo ang tapik
Nakakarelax talaga ang temperatura ng tubig dito medyo malamig na mainit in short maligamgam ang tubig tamang-tama sa pagod naming katawan
"Hmm.. bella bat ngayon lang pala kita nakita?"Para rin syang transferee kasi ngayon ko lang a nakita although bago lang din ako dun dahil nga diba yung kasunduan namin ni tito greg ni minsan di ko sya nakita sa loob ng campus
"Ahh ehh k-kasi iba yung course ko tama iba kasi ang course ko"
Napatango nalang ako sa tinuran nya tsaka muling nagtampisaw sa tubig
Kinagabihan ng makapag-ayos na kami ay agad kaming nagtungo sa salo-salong inihanda ng mga teachers malapit sa bonfire
"Hey bella let's go" nagpatianod naman sya sa paghila ko sa kanya. Sabay naming tinungo ang hapag at pinagmasdan ang mga nakalatag na mga putaheng simpleng-simple ngunit kababakasan ng sarap
BINABASA MO ANG
MRS. CORTEZ
Teen FictionMasakit ang ipagpawalang-bahala ng kaisa-isang taong minahal mo..ano pa kaya kung mauulit ito? kaya mo pa ba? o bibitaw kana? agent...malakas...matapang...ngunit ang lahat ng ito ay panlabas na paglalarawan lamang.dahil..ang tunay na lucille ay mah...