Chapter 1 ♥

28 3 0
                                    

"FRIEND, may gusto akong itanong sa'yo... Actually, dapat noon ko pa ito itatanong eh... Basta, without offense meant ah," pahayag ni Trish sa kaibigang si Michael a.k.a Maycee habang karga ang munting anak na si baby Frank.

"Ito namang si sisterets parang hindi ko kaibigan, magkapatid na nga turingan natin eh! Sige lang, go lang! Basta ba mala-Beauty Queen ang question... Na-excite naman ako," tugon naman ni Maycee.

"Is it a Q and A portion? Nakakaloka ka talaga! Kasi ganito 'yun... Paano ko nga ba itatanong in a nice way? Ahhh... ehh..." medyo naaalangan na niyang turan.

"Ah, eh, ih, oh, uh... Sister naman eh, pabitin effect! Ano na?" naiiiling na bulyaw nito.

"Ssshhh... Volume mo, pakihinaan naman... Aba't ang hirap yatang patulugin ni baby," suway niya.

"Pasensya naman po... Peace!" Hinging-paumanhin nito sabay peace sign. "Ikaw naman kasi, ayaw pang diretsahin... Alam mo namang ayaw ko ng liguy-ligoy, 'diba?" dagdag pa nito.

"Oo na... Eto na po..."

"Siguro mas maganda kung ibaba mo muna si baby Neil nang makapag-usap tayo ng maayos... Heart to heart talk." Saad nito na agad naman niyang tinalima.

Nang maiayos na ang sanggol sa kuna'y kanyang binalingan naman ang kaibigan. Humugot muna siya ng malalim na buntong-hininga bago napaupo sa couch na naroon.

"Magtititigan na lang ba tayo rito? Huwag mong sabihing may problema na naman kayo ni Neil... Ikakasal na lang kayo, magkakaaberya pa... Naku naman!" Anito na nasapo pa ang noo.

"Iba talaga takbo ng isip mo 'no... Hindi tungkol sa'min... It's regarding you... Kasi I just want to know kung paano mo narating ang stage na 'yan? I mean, paano ka nag-start na maging gay, kailan mo naramdaman? Hindi naman marahil inborn 'yan," hinaluan ng biro na saad niya.

"Asus! Iyon lang naman pala... Wala namang kaso 'yun sa'kin 'no... Nothing to be afraid of.... How did I begin to be like this? Wala lang, kusa ko lang naramdaman... Ang hirap i-explain." Sagot nito na napapakamot sa ulo.

"Baka naman kasi may real reason behind..."

"Gaya ng..."

"I don't know, basta! Hindi ka man lang ba na-attract kahit minsan lang sa isang babae... Lalaki ka pa rin naman eh kahit bali-baligtarin mo ang mundo... Sa totoo nga, pwedeng mabulag sa'yo ang mga kababaihan, gwapo ka eh! Pati nga ko baka ma-fall out of love sa'yo..."

"Ano raw? Nakainom ka na ba ng gamot?" nangingiwing saad nito.

"I'm not telling a lie... Totoo nga.... Kung hindi lang talaga ko baliw sa pagmamahal kay Neil, nahulog na ang loob ko sa'yo noon..."

"Sabagay, kakaiba naman talaga karisma ko 'no... Matagal na 'tong maganda!"

"Final na talaga iyan? Hindi ba posibleng magmahal ka ng isang babae? Hindi ka ba na-in love noon?" usisa niya.

"Wow! Ayaw mo naman akong lunurin niyan sa mga tanong... Showbiz!"

"Serious nga kasi... Ngayon lang ako naglakas-loob oh kaya umayos ka diyan!" udyok niya.

"I'm happy to be this way... Hindi ba kayo masaya for me? Ayaw niyo ba? Saka, ayoko ng magpakalalaki, baka dagsain lang ako ng mga babae..."

"Ang hangin! Gumaganun? Haayyy! Sayang naman kasi mala-Adonis mong kakisigan," bagsak ang mga balikat na saad niya.

"Huwag ng ma-sad... Bawal ang sumimangot lalo pa't malapit na ang awaited wedding mo... Sa wakas!"

"I can't wait Maycee... I'm so excited... Pwede bang hatakin ko ang oras?"

The Shadow Of Your SmileWhere stories live. Discover now