Chapter 8

3 3 1
                                    

MAINGAT na inihiga ni Yna si Maycee sa kama. Tama nga ang hinala niya, walang tao sa kabahayan. It's Sunday, maaaring nag-day off ang mga kasambahay. At talagang sabay-sabay pa? Ang bait naman ni Maycee upang payagan ang mga iyon.

"Napabilib ka na naman!" kanti ng kanyang konsensya.

Wala rin ang katiwala ng bahay na si Manang Ising kasama ito sa vacation ng newly-wed na sina Neil at Trish sa New York. Wala kasing magiging tagapag-alaga si baby Frank.

Sandaling pinakatitigan pa niya ang mukha ng lalaki. How could this man be a gay? Is it for real? Hindi na ba maaaring mabalik sa normal ang lahat? Paano nga ba siya makakatulong? Ang daming tanong na namumuo sa kanyang utak na wala namang kalakip na sagot. Tatanda na nga yatang talaga siyang dalaga. But at least, she felt how to love, kaya nga lamang lagi na lang walang sukli ang binibigay niyang pagtatangi.

"You know what Maycee..." panimula niya habang pinapasada ang mga daliri sa buhok ng lalaki. She's free to open her feelings, tutal hindi naman nito matatandaan iyon kung sakali mang maririnig nito ang mga sinasabi niya.

"I learn to love you from the very first moment I set my eyes to you... And believe me or not, kahit paano nakakaramdam ako ng tuwa everytime na inaaway mo 'ko kasi... doon mo lang naman ako napapansin eh! You became the reason of my smile. There's actually a shadow in my smile, you're the one who create it."

"Where ever Yna now, she's not happy seeing you in that situation. Hindi mo ba pansin, mas pinapasakitan mo ang sarili mo...Hindi ba pwedeng papasukin mo ko sa puso mo kahit... kahit bilang isang kaibigan lang?"

Hinayaan niyang dumaloy ang luha sa kanyang pisngi. Nang sa palagay niya'y lumuwag ng kaunti ang nadarama'y, tumayo na siya at bumigkas ng pamamaalam. Masuyong hinalikan pa niya ang noo nito. Kunwa'y natigil sa pagtibok ang kanyang puso nang hagipin ng lalaki ang kanyang braso at itulak siya nito sa kama. Pumaimbabaw tuloy siya rito. Gising ba ito? Narinig ba nito ang lahat ng sinabi niya?

Naipikit niya ang mga mata nang idampi ng lalaki ang labi nito sa kanya. Napahigpit ang hawak niya sa balikat nito at hindi niya malaman kung paanong nagpalit ang kanilang posisyon. Napaungol siya ng palibutan siya ng maliliit na halik ng lalaki sa likuran ng kanyang tainga patungo sa kanyang leeg. Wari ba'y ang halik na iyon ay may nag-uumapaw na pag-ibig. Hindi siya nagprotesta nang tanggalin na nito ang kawit ng kanyang bra. Will she let him to make love with her beyond the fact that he's drunk? Gusto niyang pigilan ang mainit na sensasyong nadarama ngunit pinagkakanulo na siya ng sariling katawan.

Wala na siyang pakialam kung sa anong mangyayari bukas... Saka na niya iyon iisipin... She's willing to give in. Hindi niya iyon pagsisisihan dahil tunay namang mahal niya si Michael o miski si Maycee pa siya. Ganoon niya kamahal ang lalaki, handa siyang sumugal sa isang bagay na maaari niyang ikapahamak.

ANG NAGNGANGALIT na mga mata ang sumalubong kay Yna kinaumagahan. He was no longer the sweet and loving man she's dealing with last night. That was the most ever blissful night she'd ever had. And this morning would probably her nightmare. Napahigpit ang yakap niya sa sarili. Pinigil niya ang maiyak sa realisasyong panaginip nga lamang talaga ang nangyari kagabi. Talagang lumon lang ito ng alak kaya nagawa ang sensitibong bagay na iyon. It's breaking her heart into pieces.

"How could you explain all of this?!" buong-buo ang boses na hiyaw ni Maycee sa kanya.

Huminga siya ng malalim. Kailangan niyang maging matatag, kailangan niyang lakasan ang loob. It's time to fight. Hindi niya hahayaang tapakan pa nito ang dignidad niya. Nangyari na nga, diba?

Matapang na iniangat niya ang mukha saka sinalubong ang nagpupuyos na galit ng lalaki. "Why don't you ask yourself? Hindi nga ba't ikaw ang nagdala sa'kin patungo dito. Don't ever try to blame me." Mataas ang tonong saad niya.

The Shadow Of Your SmileWhere stories live. Discover now